Chapter Ten~
Kinabukasan talagang hindi ako lumabas ng kwarto ni Ace hanggat hindi umaalis ang lalaking 'yun. Naiinis parin ako sa kanya, duh! Kahit gwapo sya kaya ko syang ingudngod sa pader 'no. Nakakabanas din kaya pag araw araw nakakakita ng gwapo. Kung dito kayo sa posisyon ko naku--- 'wag nalang.
Ng sabihin ni Ace na umalis na ang Daddy nya ay saka lang ako bumalik sa kwarto ng lalaki para maligo. Salamat nga naman ay kahit papano may sarili na akong damit dito. Naisip ko 'yung mga gamit ko sa apartment ko, ano na kaya nangyari dun? Baka ipinatapon na ni Aling Susan sa tabi ng kalye. Paano na? Nandun pa naman ang mahahalagang dukomentong naiwan ko.
Matapos maligo ay bumaba na ako at agad hinanap si Ace. Naabutan ko ito sa dinning, kumakain na habang inaasikaso ni Yaya Doreen.
"Ako na po mag aasikaso sa kanya, Yaya Doreen." nakangiting saad ko rito.
"Naku, Ma'am! 'Wag na po, ako nalang po."
"Sige na po, baka may gagawin parin po kase kayong iba eh. Ako nalang po bahala kay Ace,"
"Sigurado po kayo, Ma'am?"
I chuckled. "Oo naman po, hindi naman po ako mukhang sinungaling diba po?"
"Ay, hindi po, Ma'am! Sige po, gawin ko na po yung mga iniwan kong gawain."
Tumango ako at nginitian sya. Saka ko naman nilapitan si Ace na mabilis akong niyaya sa pagkain. Malugod ko naman itong sinabayan sa pagkain, panay kwento sya ng kahit ano kaya naman natagalan kaming kumain.
Ng matapos naman kami ay pinaliguan ko narin sya. Balak kong mag mall ngayon, at syempre dapat kasama ko si Ace. Ang boring naman kung mag-iisa lang ako. Tsaka bibili rin kase ako ng regalo para kila Mama, you know Christmas is coming kaya dapat may pa regalo tayo.
Ilang weeks nalang din, pasko na. Kaya plano ko ring umuwi saamin para doon mag celebrate ng pasko, nakasanayan narin kase. Sadyang si kuya lang talaga ang hindi namin nakakasama tuwing pasko at new year simula ng umalis sya two years ago. Medyo nakakapanibago pero nakakapag adjust naman, lalo na si Ate Jaeya na hindi sanay na hindi kasama si kuya tuwing may mga ganitong okasyon.
"Where are we going, Mommy?" tanong ni Ace ng papasakay na kami ng kotse.
Magpapahatid nalang ulit kami sa mall since hindi ko masyadong kabisado ang lugar. Pwede naman sanang mag commute pero iniisip ko si Ace na baka hindi sanay sa usok, tsaka medyo natatakot rin akong mag commute dito eh. Baka lumagpas ako ng bababaan.
"Sa mall tayo, Ace." sagot ko at naupo ng maayos sa backseat.
"What are we going to do there po, Mommy?"
Bumaba ang tingin ko sa kanya at nginitian sya. "Bibili tayo ng gifts para sa mga special satin, baby. Ilang weeks nalang oh, christmas na."
Nag form ng 'o' ang bibig nya dahil sa nalaman. "Oh yes, Mommy! I remember, it's already christmas so we must buy gifts for our special some ones."
Tumango ako at ngumiti. Agad ko nang pinasibat si kuya driver ng malagyan ko ng seatbelt si Ace. Sa buong byahe namin ay panay kwento lang ito, kahit tuloy ang driver namin ngayon ay naaaliw sa kanya. Ang bibo daw kase nito ngayon, napaka hyper pa.
I just smiled at him, totoo naman kaseng nakakaaliw si Ace. Lalo na ng maging energetic na ito hindi kagaya dati. I am happy for Ace, unti-unti ay parang nakakapag adjust na sya sa mga bagay bagay sa paligid nya.
Ng makarating kami sa mall. Kasama parin namin sa loob ang driver, walang bodyguards ngayon kase hindi naman alam ni ex-mayor na aalis kami ngayon eh. Hindi nga ako nakapag paalam sakanya eh, naaalala ko parin kase ang nangyari kagabi. Jusko! Sabi na kaseng pakilayo ng tukso eh! Mas lumapit pa tuloy!
BINABASA MO ANG
Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)
Romance#2; Elijah Isaac Lerwick A billionaire with a stone and cold heart... ---------------------------------------------------------------- Darkness, fame, success and money... that's how they represent Elijah Lerwick, a famous business man. And the owne...