Chapter Nineteen~
Ilang linggo din ang inilagi ni Papa sa hospital bago sya tuluyang ma-discharge. Subra subra ang pasasalamat naming buong pamilya nya dahil naka survive sya... kami sa pagsubok na 'yun. Pero kahit nasa bahay na kami ay tuloy parin ang treatment kay Papa, mayroon s'yang sariling nurse na si Elijah mismo ang kumuha bago sya umalis ng probinsya namin. Dahil sa personal nurse ni Papa ay laging on time syang makainom ng gamot nya. Which is good para mapabilis na rin ang recovery nya.
Unti-unti ay bumabalik ang dating lakas ni Papa, hindi na sya palaging nakahiga lang kundi naka wheelchair na ito. Thanks to Elijah.
And speaking of him... ilang beses ko nang kinontak ang lalaki pero laging unattended. Ewan ko ba dun at ayaw man lang akong sagutin, naumay na yata sa bibig ko.
"Anak, kailan ka ba babalik ng Maynila?"
Iyon ang tanong ni Papa habang narito kami sa sala at nanonood ng pelikula. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian.
Binalingan ko si Papa.
"Hindi ko po alam, Pa... Baka sa linggo na lang. Titingnan ko pa kung may trabaho pa bang naghihintay sa akin dun." ani ko at muling tumingin sa telebisyon.
"At bakit ka naman kamo mawawalan, anak ko? Masipag ka yata, at maaasahan sa trabaho." ani Papa.
Muli akong tumingin sa kanya.
"Pa, kahit na po... Syempre hindi parin maiiwasan ang mawalan ng trabaho ang isang masipag at maaasahang empliyado."
"Naku, anak ko... basta 'wag ka mag alala dahil hindi ka mawawalan ng trabaho. May aabutan ka pa dun, kaya ang mabuti pa... Ngayon kana lumarga pabalik ng Maynila ng masiguro mong naroon pa ang trabaho mo."
Napaisip naman ako sa sinabi ni Papa. Wala naman akong ginagawa rito sa amin kaya bakit nananatili parin ako? Dapat nga na pumunta na akong maynila para masiguro kong tuloy parin ba ang pagpapanggap ko bilang Mommy ni Ace. Dapat bumalik na ako dun bago pa man matapos ang lahat.
Tumayo ako mula sa kinauupuan kong sofa kaya napatingin sa akin si Papa, nagtataka ang itsura.
"Oh, bakit, anak?"
"Lalarga na po ako ngayon, Pa... Sayang nga naman kung sa linggo pa ako aalis, ilang araw pa ang hihintayin ko rito kaya aalis na po ako."
Napangiti si Papa ngunit malungkot ang mga mata. Kaya nilapitan ko ito at niyakap.
"Pa... 'wag po kayo mag-alala, matanda na ako at kaya ko naman na ang sarili ko. Promise po na mag iingat ako dun at hindi magpapa scam sa lalaki."
Yumakap din pabalik si Papa at tinapik tapik pa ang balikat ko.
"Basta... umuwi kang buo lagi rito... at, 'wag na 'wag kang uuwi na may laman na yang tyan mo tapos hindi ka pa kasal."
"Papa naman eh," kunwareng nagtatampong sabi ko kaya natawa sya.
"Oh sya, mag impake kana para makaalis ka agad,"
"Opo, Pa."
Hinalikan ko sya sa pisnge at pumihit na patalikod para tahakin ang daan papunta sa aking kwarto. Wala naman akong bitbit papunta dito pero nagdala parin ako ng iilang piraso ng damit pambahay, wallet at cellphone ko. Nagbihis narin ako, isang hight waisted jeans at dark green tank top. Nagsuot naman ako ng white rubber shoes sa paahan, tinali ko ang buhok ko in ponytail and I'm ready to go.
Bitbit ang back pack ay lumabas ako ng kwarto ko at naabutan ko sila Mama, Papa, kuya at ate Jaeya maging ang pamangkin ko sa sala. Nagkakatuwaan sila dahil napaka bibo ni baby Azarel, our two year old baby boy.
![](https://img.wattpad.com/cover/329796009-288-k911499.jpg)
BINABASA MO ANG
Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)
Romance#2; Elijah Isaac Lerwick A billionaire with a stone and cold heart... ---------------------------------------------------------------- Darkness, fame, success and money... that's how they represent Elijah Lerwick, a famous business man. And the owne...