CHAPTER 07

189 5 0
                                    

Chapter Seven~

Hindi muna kami pumuntang Mall dahil sa mga oras na ito ay sarado pa sila. Tumambay lang muna kami ni Ace sa Isang park para magpalipas ng oras.

Ng sumapit naman ang 10:00 am ay pinagmaneho na kami ni kuya driver papuntang mall. Subrang excited ni Ace dahil sa wakas daw ay makaka pasyal ulit sya. Matagal na din daw kase simula ng namasyal sila. Noong nandito pa ang Mommy ni Ace.

Pinalis ko ang lungkot sa mata nya dahil sa pag banggit sa totoo nyang Mommy sa pamamagitan ng pag stroll namin sa loob ng mall. Dinala ko rin sya sa Jollibee para naman makakain muna kami bago maglibot ulit.

If your thinking where I get the money to spend, well pinahiram lang naman saakin ni Mayor ang black card nya. Hindi ko na tiningnan kong magkano ang laman non, pakiramdam ko kase mahihimatay ako sa amount non. Tsaka, dun dumediretso ang lahat ng pera nya! Hiwalay pa ang ibang pera nya na nasa ibang credit card din. Kita ko kase na madami syang credit card. Sa yaman ba naman.

We stroll inside the mall after eating. Nang makakita naman si Ace ng isang ice cream parlor ay nag request itong bumili kami. Kaya pinagbigyan ko, pera naman ito ng tatay nya.

Habang naghihintay kami sa ice cream na binili ay may dumating na Isang grupo. Sa tingin ko nasa 7 to 8 yata sila. Mga estudyante pa, maybe college?

Nag-aasaran ang mga ito kaya hindi ko mapigilang makita sakanila ang mga kaibigan ko noon. We used to be having fun after finals, kaso ngayon ay lahat na abala. May kanya-kanya ng trabaho eh, may mga kanya-kanya ng responsibility. Na miss ko tuloy ang mga ganoong tagpo naming magbabarkada.

While working nagkikita kita pa naman, we made new friends but we didn't replace each other. Nagkaron ako ng mga bagong kaibigan and that's Ezra and Seb.

It was so nice to have friends, may malalapitan ka at mapagsasabihan. Just like my old co-worker slash friend, si Seb--- wait speaking of Seb.

"Yas?"

Napakurap ako. "Seb?"

"Wow, Yas... Bigla kang nawala ah? What happened?" aniya may bahid ng kaunting ngiti sa labi.

"Ah, hello Seb... Nag resign na kase ako eh." ani ko at binalingan si Ace.

Pinunasan ko ang baba nya dahil nalalagyan na iyon ng ice cream na kinakain nya na hindi ko alam na dumating na pala. Ang laki naman kase nung ice cream na tininda nila.

"Nag-resign? Why? What happened? At sino ang bata'ng 'yan?"

Ang daming tanong.

"Oo, Seb nag-resign na ako. May inalok kase'ng trabaho saakin, bago tsaka malaki 'yung sahod... mas matutulungan ko sila Mama sa probinsya."

"And the kid? Sino sya?" nagtatakang aniya.

"Sya 'yung inaalagaan ko, my new work actually."

"So ano? Yaya ka ng bata'ng 'yan?"

"No... ahm... " pano ba 'to? He's my friend so ayus lang naman na sabihin ko sakanya ang totoo diba?

"May sasabihin ako, Seb. At wag mong ipagkakalat ah?"

Tumango sya kahit tila naguguluhan.
Sinenyasan ko itong maupo sa tabi ko at ginawa naman nya.

"Kase... Kilala mo si Mayor Isaac?" panimula ko.

Kumunot na ang noo nya. "Mayor ng Laguna?"

Tumango ako.

"Oh bakit? Ano'ng kinalaman nya sa bago mong trabaho?"

"Kase..." tumingin ako sa buong paligid. Malalayo naman ang mga tao. "... alam mo din yung rumored family nya 'di ba?" tumango sya.

"So, 'yun... wala na kase s'yang asawa---"

Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon