CHAPTER 38

171 5 0
                                    

Chapter Thirty-Eight~

"YAS! Anak!"

Napangiti ako ng marinig ang boses ni Mama pagbaba namin ng taxi. Buhat ko ang bunso ko habang hawak naman ni Kuya at Lati ang dalawa pa sa triplets.

"Jusko! Ito na ba ang mga apo ko?" Maluha-luhang tanong ni Mama habang nakatitig sa sanggol na hawak ko.

Tumango ako habang nanatili ang ngiti sa labi ko. I planned this. Besides, Mama and Papa wants to see their grandchild so I decided to leave Batanes for the mean time. Babalik din kami dun, sigurado ako.

Giniya kami ni Mama papasok sa bahay at agad nyang binuhat ang pangalawa ko na hawak kanina ni Lati. Marahan nyang sinayaw sayaw ang anak ko at nakikita ko ang tuwa sa mga mata ni Mama.

"Si Papa po, 'Ma?" Tanong ko ng hindi ko mamataan si Papa dito sa sala.

Naupo ako sa sofa habang buhat parin ang anak ko, ganun din ang ginawa ni Mama habang si Kuya naman ay marahang tinabi saakin ang panganay ko dito sa sofa. Mabuti nalang talaga at hindi nahirapan si Kuya sa pagbaba ng anak ko.

"Nasa likod ng bahay, nagbibigay ng sweldo sa mga katulong nya sa palayan."

"Big time na talaga sila oh, nagpapasweldo na." nanunuksong saad ko.

"Big time ka dyan." Nakangusong saad ni Mama kaya bahagya akong natawa.

May kalakihan naman ang sofa kaya itinabi ko sa panganay ko ang bunso ko saka ko sila pinagmasdan. Malulusog ang mga anak ko, at malalakas din pag dating sa breastfeeding. Kaya minsan nahihirapan ako kapag nagpapadede ako sa isa tapos yung isa gusto din. Kaya ang ginawa ko ay kumukuha nalang ako ng gatas galing saakin at nilalagay sa baby bottle. Buti nalang nandyan si Lati para tulungan ako sa pagpapadede sa triplets.

"Pa," rinig kong sabi ni Kuya dahilan para mapatingin ako sa hamba ng pintuan papuntang kainan.

Marahan akong tumayo at pinabantayan muna kay Lati ang dalawa saka ako lumapit kay Papa. Agad ko syang niyakap dahil sa pagkamiss. Naluluha ako dahil okay na okay na si Papa ngayon, walang bakas ng operasyong naganap Isang taon na ang nakalipas.

"Ang batang ito talaga," naiiling na sabi ni Papa pero napapangiti rin.

Bahagya akong lumayo sakanya at napanguso.

"Kamusta, 'Pa? Na-miss mo ba 'tong maganda mong anak?"

Napahalakhak sya bago tumango. "Aba, oo naman! Halos Isang taon kang nawala, tapos ni wala man lang tawag o text dahil sa isla mo pa naisipang tumira."

"Sorry na, 'Pa. Pero maganda din po kase sa Batanes, sa susunod dadalhin ko kayo dun ni Mama."

Saglit pa kaming nagkwentuhan ni Papa bago ako nagpasyang umakyat sa kwarto ko kasama ang mga anak ko. Kahit wala ako dito sa bahay ay na maintain ni Mama ang kalinisan ng kwarto ko. Nakakatuwa naman.

Sa kama ko muna matutulog ang triplets dahil wala namang crib dito, 'yung crib naman dati ng anak ni Kuya na si Arsen ay pang isahan lang ang pwedeng gumamit. Ayoko namang ihiwalay ang Isa sakanila kaya sa kama ko nalang muna.

"Salamat, Lati. Magpahinga kana rin muna." Saad ko matapos ihatid ni Lati ang maleta ko dito sa kwarto.

"Sige, ate. Inaantok narin ako eh."

Ng mai-lock ni Lati ang pinto ng kwarto ko ay saka ko malayang napagmasdan muli ang aking mga anak.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa sarili ko, my triplets is like a carbon copy of Elijah. 'Yung mga mata nila, ilong, labi, pati yung kilay. Lahat nalang nakuha nila kay Elijah. Ang unfair masyado, ako nagbuntis pero sa iba naman nagmana ng itsura. Sa kanilang tatlo ay medyo may kaibahan ang bunso ko, his eyes color have different shades. Itim na itim ang mga mata nya, malayo sa kulay ng mga mata namin ni Elijah. Pero kay Elijah parin ang mukha nya. Ang sabi naman ng Doctor ay namamana daw ang ganitong bagay, pero bihira lang talagang mangyare ang mga ganito.

Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon