Chapter Thirteen~
The sunset are already set, but Janna didn't let us go home. Pinag stay nya kami sa kanila dahil ayaw pang pauwiin ng magkapatid si Ace. Gusto pa nilang makipag laro kaya hinayaan ko nalang. Minsan lang din kase sila magkaroon ng kalaro sa bahay nila lalo na't ang iba naming mga kaibigan ay wala pa namang anak. In short, mga binata't dalaga pa, at kabilang ako dun.
Sinigurado ni Janna na magkukwento rin ako, hindi nya talaga ako tinigilan lalo na ng ma divert na ang atensyon ni Ace sa dalawang kalaro. Wala din naman ako'ng nagawa kundi magkwento. Unfair daw kase kung hindi nya alam ang nangyayari saakin.
I hissed. Ayos lang namang hindi nya alam eh. It's not her responsibility after all. Ang dapat nyang pagtuunan ay ang pagbubuntis nya, hindi kaming mga kaibigan nya. Baka sumakit pa ulo nya dahil saamin.
"Sino ba 'yang tatay ni Ace? Hindi mo pa nababanggit ang pangalan ah?" ani Janna habang kumakain kami ng fruit salad dito sa balkunahe ng bahay nila.
Nginuya ko muna ang kinakain bago sumagot. "Hindi naman importante,"
Mabilis nya ako'ng pinagdilatan ng mata. "Ano'ng hindi importante? Drug lord 'yan 'no?"
Agad akong napasimangot. Drug lord? I doubt that. "Ang layo," ani ko.
"So bakit ayaw mong ipaalam ang pangalan ha? Iniisip mo bang aagawin ko 'yan ha?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. She misinterpret me. Gosh!
"Hindi ganun, okay?"
"So, what? Bakit ayaw mong sabihin? Siguro panget ang tatay ni Ace? Tapos Arturo ang pangalan?"
Napangiwi ako. Ang lalayo naman ng naiimagine nya. Gwapo kaya si— yeah gwapo sya tsk, gwapo din ang pangalan. Elijah Isaac nga eh, bilyonaryo pa.
"Elijah Isaac Lerwick,"
Pinanood ko ang reaksyon nya. Kumunot ang noo nya at nagtataka sa binanggit kong pangalan.
"Sya ang tatay ni Ace,"
Unti-unting napalitan ng pagkagulat ang nagtatakang ekspresyon nya kanina.
"Sandali, Elijah Isaac Lerwick? The bachelor? And the fvcking billionaire?"
Matagal akong tumitig sa kanya bago tumango. Gulat na gulat sya sa sagot ko kaya hindi ko inaasahang titili sya at tatalon. Nagpanic tuloy ako kaya mabilis ko itong pinigilan sa ginagawa.
"What happened?!"
Gulat na napatingin kami sa lakas ng boses ni Chris. Alalang alala ang itsura nya.
"Wife." He immediately went to his wife and check Janna if she's fine.
Well, she's definitely fine. Sadyang tumili lang sa gulat siguro.
"Ayos lang ako ano ba?" tinaboy nya ang asawa at agad lumapit saakin.
Hindi naman agad umalis si Chris dahil malamang nag aalala parin sya sa ginawang pagtili ni Janna. Kung ako rin ay nag alala sa kaibigan. Kung tumalon ba naman kase akala mo hindi buntis.
"Shet ka, Yas. Ang swerte mo naman,"
Swerte? What the hell? Seryoso ba sya?
"Alam mo bang kilalang kilala sya dito sa bansa natin? Hindi lang dito kundi sa ibang parte pa ng mundo. Tsk, swerte ka na non 'no?"
Napabuntong hininga nalang ako. "Hindi swerte kundi malas, malas kayang napunta ako sa puder ng lalaking 'yun. Napaka sungit, nakakainis ang ugali nya. Sinong tanga ang gugustuhing mapunta sa lalaking kagaya nya?"
![](https://img.wattpad.com/cover/329796009-288-k911499.jpg)
BINABASA MO ANG
Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)
Romance#2; Elijah Isaac Lerwick A billionaire with a stone and cold heart... ---------------------------------------------------------------- Darkness, fame, success and money... that's how they represent Elijah Lerwick, a famous business man. And the owne...