CHAPTER 25

168 4 0
                                    

Chapter Twenty-five~


HINDI TINAGA SI ELIJAH!

Gulat na gulat ako ng maabutan sila sa sala, nag-iinom sila Papa, kuya at kasama si Elijah! Ang kaninang iniisip ko na baka mapatay si Elijah ay iba ang nangyare! Paano? Hindi ko alam! Hindi ko alam kung anong pagsisinungaling ang ginawa nya para dito sila matapos.

Sila Mama at ate Jaeya ay nasa hapag, naghahanda ng mga pagkain. Tumulong ako kahit takang taka sa nangyare.

"Anak, nakapagpahinga kaba?" tanong ni Mama.

Naglagay ako ng plato sa tapat ng inuupuan ni papa. "O-opo, Ma."

"Mabuti naman,"

Hindi na ulit ako umimik at ipinagpatuloy lang ang ginagawa. Eleven twenty na, malapit na mag alas dose.

Takang taka parin ako ng maupo sa harap ni Ace at ng pamangkin ko. Naglalaro ang mga ito.

"MERRY CHRISTMAS!"

Sabay sabay na bati namin sa isa't Isa ng sumapit ang alas dose.

Niyakap ko sila Mama, Papa, ate Jaeya at Kuya. Hinalikan ko rin sa pisnge ang dalawang bata habang si Elijah ay nakasimangot dahil binati ko lang ito. Inaasar ko lang naman sya, tsaka hindi pwedeng makita nila Mama na maghahalikan kami. Tama na sakanya ang bati lang.

Dumulog kami sa hapag kainan, nasa dulo ng mesa si Papa, sa kaliwa nya ay si Mama, kuya, ate Jaeya at pamangkin ko. Sa kanan naman ay Ako, si Ace at Elijah. Pinagitna ko talaga ang bata dahil aasikasuhin ko rin naman ito.

We ate happily, ang daming kwentuhan. At masayang masaya talaga ang Noche buena namin, paminsan minsan din ay nahuhuli ko ang mga tipid ngunit halatang masayang ngiti ni Elijah. Tahimik lang naman sya pero alam ko na masaya sya.

Pagkatapos naming kumain ay sa sala kaming lahat, we exchange gifts. Binigay ko ang regalo sa bawat isa sa kanila. Kay Elijah lang talaga ang hindi ko inabot dahil nasa kwarto ko iyon. Mamaya ko na siguro ibibigay dahil nahihiya ako.

Lahat kami ay may regalo sa isa't Isa. Si Ace ay binigay din ang regalo sa daddy nya, tuwang tuwa ako ng tanggapin iyon ni Elijah at ibulsa.

Pagod ang lahat matapos ang masayang christmas eve. Alas dos na ng pumasok kami sa kanya-kanya naming kwarto. Si Ace ay mabilis na nakatulog dahil sa pagod. Pero kahit ganun ay binihisan ko parin ito para maging komportable ang pahinga nya.

Hinalikan ko sa noo si Ace matapos lagyan ng dalawang unan ang magkabilang gilid nya. Lumapit ako sa kabinet ko at kinuha ang regalo na para kay Elijah, wala syang regalo para saakin. Pero ayos lang, basta meron akong ibibigay diba.

Walang ingay akong lumabas ng kwarto ko at naglakad papunta sa kwarto ni Elijah. Mahina rin ako'ng kumatok sa takot na baka may gising pa at makita ako sa tapat ng kwarto ni Elijah.

Saglit lang matapos kong kumatok ay bumukas na ang pinto. Bumungad saakin si Elijah, basa pa ang magulong buhok at tanging pajamang gray lang ang suot. Kitang kita ko tuloy ang pandesal sa tiyan nya! Kagigil!

Nilakihan nya ang bukas ng pinto at pinapasok ako. I heard him lock the door before walking towards my direction. Nakaupo ako sa paanan ng kama at tumayo naman sya sa harap ko.

"Why are still up? You can't sleep?" malambing na tanong nya.

Napamura ako sa isipan ko. Hindi ako sanay na malambing sya, pero sa tingin ko dapat masanay na ako, Hindi ba?

"Uhm..." Napakamot ako sa ulo at nahihiyang nag angat ng tingin sakanya.

"M-may ibibigay kase ako..."

Trapped to Mr. Billionaire (Good at Pretend #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon