"Zhoe Vitus Severina. 17."
I said coldy.
Uupo na sana ako sa pwestong alam kong walang nagmamay ari nang biglang magsalita ang teacher, "Miss Zhoe bago ka umupo, mind telling us kung saang element ka under?"
Element. Yeah. Nasa Mageia Academy na nga pala ako.
School of magic, myths, abilities, and what so ever.
Naalala ko pa kung paano ako napadpad dito.
"Lumayas ka!! Salot ka sa bahay na ito!! Dun ka sa amain mong mamamatay tao!!" galit na sigaw ng tsaing ko. Bakit ba lagi nya nalang akong sinisisi sa lahat ng kamalasan sa buhay nila??
"Mabuti sana kung sinasabi mo kung nasaan sya, edi sana matagal nang walang salot dito sa basura mong pamamahay." walang emosyon kong sabi sa kanya.
"Sumasagot ka pa talagang bata ka!! Wala ka nang binigay kundi sakit sa ulo! Wala kang respeto. Pinalamon kita, binihisan, pabigat ka lang simula nung nama---"
Pinutol ko na sya dahil alam ko na ang susunod nyang sasabihin, "simula bung namatay ang tunay kong ina ay kinupkop nyo na ako.. At nagkanda-leche leche ang buhay niyo ng dumating ako. Okay. I get it. Paulit ulit ka nalang.." hindi ko sya nililingon. Ayaw kong makita sya sa gantong sitwasyon. Kahit sinasagot sagot ko sya pinapahalagahan ko ang tsaing ko. Sila ang kumupkop sakin kahit nung wala akong mapuntahan.
"Ikaw!! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko. Simula nung dumating ka nag kasakit na sya, nawalan kami ng pera sa pagpapagamot nya," ako ang sinisisi nya sa pagkawala ng lahat sa kanila. Hinahayaan ko nalang sya sa gusto nya. Iniisip ko pag binuhos nya sa'akin lahat ng galit nya, Baka hindi na sya masaktan, baka hindi na sya umiyak tuwing gabi. "Salot ka talaga!! Anak ni Hades!!" pero ang sumunod na ginawa nya ang hindi ko inaasahan..
*slap*
*slap*
*slap*
*slap*
Pinag sasampal nya ako ng sunod sunod.
kaliwa at kanan.
Hindi na ako lumaban. Hinayaan ko nalang syang patuloy akong sampalin.
Sakto naman ang pagdating ng tsong ko upang masaksihan nya ang munting pananakit sa aking ng kanyang asawa. Dali dali nya naman itong pinigilan. Hindi inaalala ang pagkain na pinaghirapan nya na ngayo'y nasa sahig at natapon lang.
"Tama na Cintia!! Tigilan mo na yan!! Tama na." pag pipigil ng tinuturing kong ama sa asawa nyang nagwawala sa galit.
"paalisin mo yang salot na yan dito!! Ayaw kong makakita ng kampon ni Hades sa pamamahay na ito!!" pag susumigaw parin ng babaeng tila'y pinag iwanan na ng pagkakataon upang masilayan ang tunay na buhay, dahil masyado syang abala na ibuhos lahat ng hinanakit nya sa babaeng walang ginawa kundi intindihin sya, wala syang oras para sulyapan ang ganda ng buhay.
"Zhoe!! Sige na. Palipas ka muna. Ako na bahala sa tsaing mo."
Nanlambot ako sa narinig ko. Oo, pinapaalis na nga nila ako.
Lalakad na sana ako palabas ng bahay ng muli akong tawagin ng lalaking walang ibang ginawa kundi ipakita sa akin na mahalaga ang buhay kaya hindi dapat ito sayangin.
"Zhoe. Kunin mo ito. Dapat sa ika-labing walong kaarawan mo pa sana ibibigay yan, pero... Babantayan ka nyan.." inabot nito sa'akin ang isang kwintas na may pendant na may tamang laking pulang bato. Kung titiganan mo ang bato ay kulay dugo ito pero kung lalaliman mo ang tingin ay para kang hinihigop paloob. "Gabayan ka sana ni Hemera at Nyx. Pati na ang gabay ni Zues."
"Hey. Miss Severina. Still there?" mr. Teacher snap me out of my thoughts.
"Oh yes?" I asked.
"I said.. Oh nothing. Umupo ka nalang sa unoccupied chair sa tabi ni Mr. Cato."
Hindi ko na pinansin ang mga komento ng mga estudyante sa kung saan ako pinauupo. Ang iba sa kanila'y mahinang nagtatawanan.
Dumeretso nalang ako sa upuan sa likuran katabi ng binatana at katabi ng isang Matabang lalaki na tinatawag kanina nung teacher na Cato.
"Hello. He-he. New seat mate ako pala si Porcius. He-he-he." sabi nito habang kalat pa ang chocolate sa mukha nya. At nag abot ito ng kamay na puno din ng natunaw na chocolate na halata namang hinimud himud nya.
"Nice name for a wise man. Your appearance suits your name very well." then I smirk at binaling nalang ang tingin ko sa labas ng bintana.
Hindi ko mapigilan ang magkomento.
Siguro'y nainsulto sya sa sinabi ko pero ano bang pake ko? Hindi naman ako magtatagal sa lugar na ito.
Sa labas ng bintana, sa ground field ay may mga nag eensayo na mga estudyante.
Hinahasa nila ang kanilang Mageia.
May apat na basic elements ang Magea.
Ang Terra o Earth. The element of solid state.
Under nito ang ability na may kinalaman sa Rock, Nature, Soil, Metal, and Wood.
Nakokontrol nito ang paglago ng halaman, buhay at pagkawasak nito.
Ang element of Aer or Air. The element of Gaseous state.
Under nito ang wind, sound, music, and vibrations.
People with this kind of ability can easily feel what an ordinary senses can't recognize.
They have an enhanced and sensitive senses, they can feel danger whenever it's near. Hear things from a distance.
Next is Aqua or Water. The element of Liquid state.
Under this ability were Ice, snow, steam, fog, and mist.
Kaya nitong i-suffocate or o tanggalan ng tubig ang katawan ng isang tao.
In short, mabagal na pagkamatay.
At ang Ignis or Fire. The element of Plasma state.
Konti lang ang ability na under sa gantong element, kaya itinuturing itong mejo rare at para sa kanila ito ang pinakamakapangyarihang elemento.
Heat, and Flame related abilities are under the element of Ignis.
They can burn you down right where you stand, humans body consumes heat and they can easily manipulate it, hotter and hotter. Hindi narin nila kailangan ng apoy sa paligid upang magamit nila ang kanilang kapangyarihan dahil kaya nilang gumawa ng apoy gamit lang ang init sa katawan nila.
Yan ang apat na elemento. Pero konti lang ang nabibigyan ng full element ability ng Mageia. Yung mga hindi nakakuha ng full ability ay iisa lang kayang gawin, it's either, pagpapagalaw ng bagay na under sa element mo, or what so ever.
Ang element na matatapat sayo ay nakadepende sa alignment ng stars nuong ipinanganak ka. So that means ang element ng isang nagtataglay ng Mageia ay inborn at hindi mapapalitan.
Pero beside sa apat na element ay may naririnig akong pang limang elemento. Wala itong pangalan dahil sa hindi pa ito napatutunayang totoo, yung iba tinatawag itong the Lost magic. Wala pang lumalabas na tao na nagc-claim ng kakaibang ability.
Pero meron ding two forbidden Mageia's, masyadoong malakas at delikado ang mga kapangyarihang iyon, wala itong katumbas na elemento. Very rare ang mga nakatatanggap ng ganitong kapangyarihan, kaya itinuring itong Forbidden Mageia dahil magugulo nito ang mundo pagnagkataon.
Ako? Anong element under ang ability ko?
Sorry to inform you this but, I don't have any ability, ang tawag saamin ay The Losts. Isa ako sa mga ipinanganak na sa kamalas malasan ay may nag iisang bituin sa kalangitan. At hindi sapat ang isang butuin para makabuo ng alignment.
Isinunod nga ang pangalan ko sa pangalan ng bituin na yon eh.
Pero tinatago ko ang pangalan na yun dahil sa isang malalim na dahilan.
Kung bakit ko alam ang lahat ng ito kahit wala akong ability?
Oh well, kahit naman ampon lang ako nila tsong hindi nila ako pinalaking mang-mang. Pinag aral nila ako sa isang simpleng paaralan, pero nang mawalan sila nang pera, hindi ako tumigil sa pag aaral dahil sa ang tsohin kong ang nagtuturo saking ng mga bagay bagay.
Alam ko. Matalino ako para sa isang simpleng tao.
Pero kahit alam ko ang lahat tungkol sa Mageia,
Ang mundong ito, ang mga kapangyarihan, ang mga bagay bagay sa loob ng paaralan na ito,
These are all new to me.
These is a new world for me.
» π A/N π «
™ ΦgreekΦ
Mageia or Magikos - magic in ancient greek.
Thanx sa pag babasa at pagttyaga. Kung may mali po sa info, pakisabi nalang. ^____^
Halo halo po kasi ang kinunan ko ng info. Nd lang Greek.
Okay. Thanks ulet.. :*
@Decode_062
BINABASA MO ANG
Mageia Academy: Bring back to Myth
FantasyA Fictional Story with A Touch of History. Dito magbubuklod ang Nakaraan at ang Kasalukuyan. Gusto mo bang makakilala ng iba't ibang nilalang? Madiskubre ang taglay mong kakayahan? Tara, let's begin the journey. Enter to MAGEIA ACADEMY.. Where time...
