Chapter 12 - Terra Key

6K 225 2
                                    

Hating gabi na pero gising na gising parin ako.

Tinititigan ko lang ang mga bagay na nasa lamesa ko.

Ang Libro na kinuha ko sa The Great Library

.

.

Ang Necklace na bigay ni Tsong.

.

.

At ang Susi na bigay ng Reyna ng mga Amazona.

Anong meron sa mga bagay na ito? Tila may kakaiba sa kanila.

Hinawakan ko ang kwintas, "Sabi ni Tsong sa ika-labing walo kong kaarawan?" oo nga pala. Ang kaarawan ko, kailan nga ba ulit? Matagal narin nung huli akong nakapagsaya sa araw na iyon. Buhay pa ang aking ina.

Ang ama ko? Hindi ko alam. Wala narin naman akong pakialam.

Sumunod ko namang sinuri ay ang libro..

Kung titignan mo ay isang simpleng libro lang na napag iwanan ng panahon.

Pero kung titignan mo ng mabuti, ang Cerberus, nakakatakot ito. Parang pagpumasok ka sa tritoryo nito'y walang pakundangan kang papatayin gamit ang mga matutulis na ngipin ng bawat ulo nito..

At ang huli,

Ang susi na ibinigay ng Reyna sa akin. Isang gintong susi na may simbolong naka ukit sa hawakan at sa gitna ng simbolo ay isang Emerald stone. Pakiramdam ko'y nakita ko na ang simbolong ito pero hindi ko matandaan kung saan.

Ang sabi pa ng Reyna nang ipagkaloob nya sa'akin ito.
"Kunin mo ito, Aether. Ang susi sa iyong nakaraan. Lagi mong pagtiwalaan ang plano ni Zues."

Aking nakaraan? Plano ni Zeus?

Wala akong naintindihan sa lahat ng pinagsasabi nya..

Wala akong maintindihan sa lahat ng pinagsasabi ng mundo sa akin!!

.

.

.

.

.

"Hoy!! Aether!! Mag gising ka nga." pagbabalik katinuan sa akin ni Maxima. Kahit wala pa akong tulog, marami parin ang tumatakbo sa isip ko, isa na yan,

Tinignan ko sya ng masama, "Wag mo akong tatawiging ganyan." madiin kong sabi sa kanya na nagpabakas ng gulat sa kanyang mukha, pero sandali pa ay nakabawi na ito at tinitigan ako ng seryoso.

"Sino kaba talaga Zhoe?" hindi maaari ito. Nagdududa na talaga sya.

Sa halip na patulan ko ang pakikipagtitigan nya ay itinuon ko ang atensyon ko sa pagkain ko, "Ako si Zhoe Vitus Severina, kaklase nyo and that's what all you need to know."

"Hoooyy guuyss. Anong pinag uusapan nyo at parang ang seryoso nyo??" pagtatanong ni Petronia na kadarating palamang kasama si Tatiana.

"Wala. Kumain kana Daisy. Ang laki mo na inaalagaan parin kita." nagpout naman si Petronia sa sinabi ng kambal nya.

Para talagang bata, parang itong katabi ko na kanina pa nakatitig sa akin na may kumikinang na mata.

Tinaasan ko sya ng kilay, "Bakit?" mataray kong tanong.

"Woloooo looong... Hihihihi.." at patuloy parin akong tinititigan, "Hindi ako makapaniwala na may kaibigan akong kasing ganda mo.." again, with her shinning, shimmering, glimmering eyes.

Mageia Academy: Bring back to MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon