Chapter 19 - Revelations and Jealousy

5.5K 212 2
                                        

"Faustus is already found."Maestro Aegeus said.

"Then?" taas kilay kong tanong.

"May tinuro syang isang tao, nasakanya ang hinahanap natin."

"Ano nga bang hinahanap natin?" all this time wala parin akong ideya kung san papunta ang misyon na ito. Tinanggap ko lang naman ito dahil sa impormasyong ipinangako nila sa akin. At isa pa, aalamin ko narin kung nasaan ang pakay ko dito.

"The key of Fire. Or ignis key." nabato ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko kung ano ang hinahanap nila..

"What the heck?! Ano bang nagagawa ng mga susing yan??" mukhang nagulat naman ang iba sa pagsigaw ko.

"Z-zhoe." si Tatiana na hanggang ngayon nag aalangan paring lumapit sa akin dahil sinisisi nya ang sarili nya sa nangyari sakin sa Calydon.

"For now," hindi pinansin ni Maestro Aegeus ang demand ko for information. Nagpatuloy lang ito sa pagsasalita na parang walang narinig, "pupunta kayo ng Amaseia." again nagulat na naman ako.

"Amaseia??" dun ako—kami ni Jace nanggaling, nandun si Master. On the second thought, hindi ko pa pala nakakaharap ng personal si master.

"Yes. Nandun ang tinuturo ni Faustus. Sa isang lumang ampunan." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga naririnig ko ngayon.

Tumingin ako kay Jace na nasa kabilang dako ng upuan. Parang wala lang sa kanya ang mga naririnig nya. May alam ba sya?

"Hindi ako sasama." I tried my best to look civil, no emotions.

"That's it for now. You can go back to your businesses." nagsitayuan na sila, aalis na sana ako nang tawagin ako ni Maestro, "Ms. Severina, please stay, I have to talk to you."

Ginawa ko naman.. Gusto ko rin naman syang makausap.

"Please settle yourself." umupo ako sa harap ng lamesa nya.

Tumayo sya at nagtungo sa bookshelf, hinawi nya lahat ng libro at binulgar nun ang nasa likod ng mga libro.. Isang wall case. Binuksan nya ito at kinuha ang laman.

Inilapag nya ang mga bagay na kinuha nya sa lamesa.

Ang Libro ng Cerberus, ang dalawang susi na nakuha ko.

"Nasayo pala yan? Sinong kumuha? Si Zack? Inutusan mo syang halikan ako ganun?" I felt something broke inside me when I voice out the last question.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa miss Severina.." umpisa nito na inindyan ang mga tanong ko. "Ang libro ng Cerberus ay ang listahan ng mga lugar at kaluluwa na nasa mundo sa ilalim. Ang underworld. Nakasaad din dito kung saan nila ipinatapon si Erebus. Kailangan malaman ng organisasyon kung saan sya nahihimlay dahil sa isang malalim na dahilan. Ngunit sa kasamaang palad isang dyos lamang ang may kakayanang magbukas nito. Walang ibang nakakaalam kung san tayo dadalhin ng nilalaman ng librong ito."

"Oh? Anong kinalaman ko dyan? At bakit ba gustong gusto nyo malaman kung nasan ang demonyong iyon? Hindi ba pwedeng hayaan nyo na syang manahimik sa impyerno kung san sya nararapat?" bored kong tanong. Ano ba kasing pakialam ko diba?

"Sa kasamaang palad miss Severina. Dapat matupad ang propesiya. Dapat bumalik sa ayos ang mundo."

"Sa tingin nyo maaayos ang mundo sa pagpapakawala sa dyos ng kadiliman?! Are you and your freaking organization were out of your mind?! At isa pa, anong papel ko dyan?!" I'm so irritated. This conversation sucks!

"Hindi sa pamamagitan ni Erebus, kundi sa pamamagitan ng anak nya na kausap ko ngayon. Sya lamang ang makakasagot ng lahat." oh gosh.. This is crazy!! Headache shet!

Mageia Academy: Bring back to MythMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon