Chapter 27 - Way back into Past

4.9K 156 5
                                    

Chapter 27 - Deja vu

Déjà vu. Yan ang nararamdaman ko ngayon.

Isang malaking lawa na napalilibutan ng napakaraming iba't ibang kulay ng bulaklak. Mga nagtataasang puno sa paligid at ang mga huni ng mumunting mga ibon sa paligid. Isang lugar na hindi ko alam pero napakapamilyar ng pakiramdam. Katulad ito nung lugar kugar kung saan ko unang nakilala si Spade pero tila ito'y nasa ibang panahon. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganto. Nakauwi na ba ako?

May naramdaman akong paggalaw ng mga halaman sa likuran ko. "Sino yan?" pagtatanong ko. "Mga kasama? Petronia, hindi kayo nakakatuwa. Maxima?" kinakabahan ako sa kung anong maaaring bumungad sa akin sa likod ng mga paggalaw na yon.

Lalong lumaki ang mga paggalaw sa likod ng mga halaman at sandali lamang ay niluwa niyon ang isang batang lalaki. Napakapamilyar ng kanyang itsura, tila nankita ko na sya ngunit hindi ko lamang mawarian kung kalian at kung saan.

"Ma-magandang umaga..." nauutal nitong sambit. Maging ang boses nya at napakapamilyar.

"Magandang umaga rin sayo munting ginoo. Maaari ko bang malaman kung anong ginagawa mo sa lugar na katulad nito?" lumapit ako sa kanya at bahagyang umupo upang mapagmasdan ko sya ng mabuti.

Hindi ito nagsalita, bagkus ay ipinakita nito sa akin ang magagandang bulaklak na tinatago nya sa kanyang likod. "Napakaganda ng mga bulaklak na iyan. Ano ang gagawin mo at namitas ka ng mga yan?" saan? Saan ko say nakita?

"Ibibbigay ko sa-sa babaeng aking magugustuhan. At- at sa babaeng mamahalin ko ng lubos pag dating ng tamang panahon." He's looking everywhere but me.

"Ganun ba? Ang sweet mo naman." Nagulat ito sa aking sinabi kaya napatingin saya sa akin ng deretso sa mata at dun ako nagkahinala sa kung sino sya. Maaari ba itong mangyari?

Namumulang inilahad nya sa akin ang mga bulaklak, hindi ko maintindihan kung bakit nya ito ibinibigay sa akin. "P-para sa'yo. H-hantayin mo ako hanggang sa ako'y lumaki na. p-papakasalan kita...." Wala sa sarili kong inilapat sa noo nya ang aking noo. My mind is telling me to run away and never look back to him, but this thing, it felt so right. Dahan dahan kong inabot ang bulaklak sa kanyang mga kamay at nang makuha ko ito'y bigla syang nagtatakbo palayo.

"Sandali! Anong panagalan mo?" sigaw ko nang makatayo ako. Sana mali ako, sana hindi totoo ang mga naiisip ko.

Lumingon ito nang nakangiti at isinigaw ang kanyang pangalan, "Lucius! Lucius ang aking pangalan." Nagtatakbo muli ito hanggang sa tuluyan na itong nawala sa aking paningin.

"Lucius, Oo, tama Lucius ang pangalan mo." Hindi ko man gusto pero mukhang tama nga ako. Tinitigan ko ang mga bulaklak na bigay sa akin ng bata, "Hindi ko maipapangakong magiging iyo ako sa panahong iyon pero alam kong magkikita pa tayo. Hihintayin ko ang pagkakataong iyon, Lucius. Hihintayin kita, Spade."

Ayaw ko nang manatili sa lugar na ito kahit na pakiramdam ko dito ako nararapat. Kailangan kong alamin kung nasaan ako, maging ang mga kasamahan ko. kaya heto ako naglalakad palabas nang gubat kung saan naroon ang lawang aking pinanggalingan.

Sa aking palalakad lakad ay nakarating ako sa isang mataas na bangin, mula rito ay makikita mo ang isang lumang bayan na wari ko'y napaglipasan na nang panahon.

Paano ako makakarating sa bayan?

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay humampas ang isang napakalakas na hangin na nagging dahilan ng pagkahulog ko sa bangin. Ramdam na ramdam ko ang sakit na dulot ng pagkakabagsak ko sa isang magalagong halaman. Naramdaman ko ang mga tinik ng halaman na tumutusok sa aking balat bago ako tuluyang bumagsak sa batong nakaabang sa ilalim at tumama ng bahagya ang aking ulo.

Mageia Academy: Bring back to MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon