Chapter 24 - Gods

5.4K 190 6
                                    

" He who looks in the mirror of the water, first sees his own image. He who looks at himself, risks to meet himself. The mirror does not flatter, it shows accurately what is reflected on it, namely that face that we never show the world because we hide it by the persona, the mask of the actor.."
- a quote from Carl Gustav Jung.
Source: w3.soul-guidance.com/houseofthesun/alchemy%201.htm

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

"Tumakbo na tayo Vitus." Hinila nya ako paalis ng lugar. hindi na ako pumalag pa at nagpadala nalang sa kanya.

Nang makarating kami sa tabi ng isang ilog ay binawi ko ang kamay na kanina nya pa hilahila.
"So ano? Ito yung sinasabi mong you're a part of me?" Pagtatanong ko na matotonohang may kasamang galit.

"I am your server Vitus. I am Sergius. Your light." Saad nito na nakatingin sa malayo, tila malalim ang iniisip. Yeah, Lucius Spade, My light.

"Why did you keep this from me?"

"Natakot ako." Simple nitong sagot sa tanong ko. Kita mo nga ang pangambang sinasabi nya, ngunit saan?

"Anong ikinatatakot mo?"

Nagulat ako nang bigla syang tumingin sa aking mga mata. The intimacy in his eyes. God, I can't breath.

"Natatakot akong baka mawala ka sakin ulit." Halata ang hinagpis sa kanyang ekspresyon. Kung hindi ko lang alam na matapang si Spade baka isipin kong umiiyak sya ngayon. Oh baka ako lang ang nag iisip na matapang sya.

"You know what? Hindi kita maintindihan. Lagi mo nalang pinaparamdam sakin na parang matagal na tayong magkakilala at napakalaki ng kasalanan ko sayo." Tumalikod ako upang hindi nya makitang naaapektuhan ako sa mga tingin nya.

"I'm sorry, I didn't mean to-"

"To what? Spade, right from the start alam mong niloloko na ako ng mundo, and yet you continued decieving me too." Humarap ako sa kanya na puno ng galit. Hindi ako makapaniwala na naging mahina ako, akala ko wala nang mas sasakit pa kesa ang itakwil ka ng sarili mong pamilya, pero mas masakit pala ang lokohin at paglaruan ka ng mga taong pinagkatiwalaan mo. "Nagtiwala ako sayo- sainyo! Tapos ano? Kayo pala yung manloloko sakin sa huli? Ganto ba talaga kasaklap ang maging anak ng kadiliman? Wala ba talaga akong karapatang maging masaya?" Hindi ko namalayang tumulo na pala ang masaganang mga luha mula sa aking mga mata. Ang sakit. Para akong pinapatay ng paulit ulit.

"I-I'm really sorry. Natakot lang ako na baka sya na naman ang piliin mo kesa sakin. Natakot akong mawala ka. Mahal na mahal kita Aether. Nag hintay ako ng ilang libong taon para lang sa pagkakataong ito at ayaw kong masayang yun."

"Ano bang mga pinagsasabi mo? Sinong pinili ko? Ano?" Naguguluhan na naman ako. Sumasakit ang ulo ko at pakiramdam ko sinasabunutan ako ng pagkalakas lakas.

"Ayaw kong mawala ka ulit Aether. Hindi ko alam kung gaano pa katagal ang mahihintay ko makasama ka lang. Sana intindihin mo naman ako." Patuloy lang sya sa pagsasalita habang ako ay nasasaktan na. Sa lahat ng mga nangyayari.

"Napakamakasarili mo Spade. Kung sakaling totoo nga ang mga sinasabi mo, sigurado naman akong hindi ko hiniling sayo na hintayin mo ako. Kung hindi kita pinili noon, ano sa tingin mo ang dahilan para piliin kita ngayon?" Hindi sya nakasagot. Nakatingin lamang sya sakin at walang kibo. "Wag kang mag alala, kung sino man ang pinili ko noon, hindi sya ang dahilan kung bakit hindi kita pipiliin ngayon. Hindi sya, hindi ikaw. Wala sa inyong dalawa ang pipiliin ko."

Umalis na ako at iniwan syang nakatayo lang don. Dinala ako ng sphinx dito upang makilala ko ang sarili ko at hindi ang saktan lang ako ng mga pangyayare. Ngunit kahit anong kumbinse ko sa sarili ko na kailangan kong magpakatatag, pag naaalala ko ang lahat, si Ina, si Jace, ang reyna, ang grupo, si master, si Zack at si Spade. Lahat sila niloko nila ako. Ang buhay ko, lahat ng meron ako, lahat ng ito kasinungalingan lang. wala ni isa sa pagkatao ko ang totoo. Lahat ng ipinakita nila sa akin. Ang paglapit ni Petronia sakin nung first day, ang galit ni Livia, ang punishment, ang missions, lahat ng iyon pawang palabas lamang.

Mageia Academy: Bring back to MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon