"...may mga pagkakataon na ang katotohanan ngayon ay isang malaking kasinungalingan na lamang bukas."
Ang tanga tanga ko! Naniwala ako sa lahat ng ipinakita nila! Naniwala ako na totoo yung pagkakaibigan namin..
Naniwala ako sa kasinungalingan nila. Nagpadala ako sa palabas nila! I feel livid about the world!
"Shh. Don't be afraid. I am here." Sinusubukan nya akong patahanin. Ngunit huli na ang lahat. Masyado na akong hinihila ng mundo pababa, wala na akong makapitan.
"You're one of them, aren't you?" Hindi ito sumagot, bagkus ay tinitigan lang ako. "Spade!" Pagbabalik ko sa kanya sa katinuan.
"No Vitus. I am a part of you." Lagi nalang ganyan ang sinasabi nya sa akin. Sakabila nang lahat, napakahina ko upang pagkatiwalaan ang mga salita nya. "Dadalhin kita sa lugar kung saan ka nararapat." Pagkatapos nya itong sabihin ay sumipol ito. Ilang sandali lamang ay naaninagan ko sa madilim na paligid ang isang pigura ng babae na may pakpak.
Nagpailaw ito gamit ang kulay gintong orb sa kanyang kamay kaya naaninagan ko nang mabuti ang anyo nito.
Hindi ako nagkamali, a half-bird, half-woman creature appeared behind the light she have made.
"Sphinx." Said Spade.
"H-huh?"
"The scourge of Thebes." Nagulat ako sa sinabi nito.
"Kung ganun bakit sya narito?!" Kung kaguluhan ang dala nya, anong pakay nito dito? Bakit nya pa ito pinapunta?
"I'm here to bring you to the mountain." It speaks. Wow. An ancient monster can actually speak.
"What mountain?" Hindi pa man nito nasasagot ang tanong ko ay binuhat na ako nito at nilipad palayo. "Wait! Si Spade!" Patuloy lang ito sa paglipad at hindi pinapansin ang mga daing ko.
"Prinsesa." Narinig ko ang boses ni Sergius at pagtingin ko sa kaliwa ay isang pamilyar na orb ang nakita kong sumasabay sa paglipad namin.
Agad kong naalala ang eksenang naiwan ko kanina. "Sergius." madiin kong sambit sa pangalan nito.
Pinabayaan ko nalamang sya at tinuon ang pansin sa aming tinatahak.
Lumampas kami sa mga ulap. Ang paglipad nami'y tila paglipad ng isang ibong malaya.
Sa di kalayua'y natanaw ko ang isang mataas na bundok na may kastilyong nakatayo. Nagulat ako sapagkat ang bundok ay nakalutang at nakapatong sa ulap. Parang pamilyar sa akin ang lugar. Isa sa mga librong nabasa ko.
"Mount Olympus." Simpleng sagot ni Sergius sa katanungang namumuo pa lamang sa aking isipan.
Mount Olympus? Ito na ba iyon? Napakaganda nito at napakalaki. Hindi ako makapaniwalang makakatapak ako sa lugar ng mga dyos.
Ibinaba kami sa tapat mismo ng matarik na bundok kung nasaan ang kastilyo. "Hanggang dito na lamang ako. Ang bugtong ay matagal nyo nang nasagot. Maaari na po kayong magpatuloy." Sabi nito bago umalis, ngunit bago ito makalayo ay nag iwan ito ng maikling kataga. "Utang ko sa Prinsesa ang aking buhay, salamat." At tuluyan na nga itong umalis. Naguluhan naman ako ngunit hindi ko na lamang ito pinagtuunan ng pansin.
Nagsimula na kaming maglakbay tungo sa kastilyo na nakatayo sa pinakamataas na bahagi ng Mount Olympus.
Sa layo nang nilakad ko ay nakapag isip isip ako sa mga nangyare at mga maaaring mangyare. Ang pagkakapadpad ko sa Mageia ay hindi aksidente, bagkus ito ay planado at tinawag nilang 'tadhana'. Ang pagkakatuklas ko sa tunay kong katauhan bilang anak ng kadiliman. At ang pagpapalaya ko sa aking master na sya palang headmaster ng paaralang tinitigilan ko at sa kasamaang palad, amahin ng lalaking iyon. Zack Nero Titus, you deceived me.
"Prinsesa!" Sa sobrang pag iisip ko'y hindi ko namalayan na wala na pala akong tatapakan, sapagkat ang hakbang na ginawa ko ay pahulog sa napakataas na bangin. Nakaramdam ako ng kirot sa tuhod nang gumasgas ito sa bato nang madulas ako. Buti ay nakahawak kaagad ako sa isang sanga ng puno.
Ngunit dala ang kamalasan ng aking pagkatao ay naputol ang sangang kinakapitan ko. Ito na siguro ang katapusan ko. Sana nga. Nang matapos narin ang paghihirap na dinaranas ko sa napakawalang kwenta kong buhay. Subalit dahil sa napakamalas ko ngang nilalang ay, imbes na bumagsak ako sa batuhan sa ibaba, ay sa kamay ng isang higante ako nakadapa ngayon. Pinagaralan ko ito ng mabuti. A one-eyed giant creature save me from falling into pieces literally. Cyclops. One of the sons of Gaia—personification of the earth (mother earth).
"Arges." Sabi nito sa tonong pagpapakilala. So he's the symbol of Brightness.
"Uh. Hi." Mukhang natuwa naman ito sa tugon ko dahil ngumiti ito at mistulan akong niyakap. "Aray." Daing ko ng ikuskos nito sa akin ang magaspang nyang balat.
"Arges. Patawad." Malungkot nitong tugon.
Tumawa nalamang ako ng pilit upang ipahayag na ayos lang at wala syang dapat ikahingi ng tawad. Muntikan na akong matumba ng ilagay ako nito sa kanyang balikat at dali daling umalis at walang kahirap hirap na umakyat sa bangin. Pakiramdam ko ako yung babae sa movie na KingKong. Gez.
"Prinsesa, mag ingat ka." Sabat naman ng maliit na orb na syang lumilipad sa gilid ko.
"Wag mo akong pagsabihan ng gagawin." Matigas ko paring sabi. Imbes na medyo nalilibang na ako sa mga nangyayare ngayon, nandyan sya at pinapaalala sakin ang sakit sa pagtatraydor sa akin ng mga tinuring kong kaibigan.
Umakyat ng umakyat ang heganteng Cyclops sa bundok hanggang sa marating namin ang isang kweba sa gitna nito. Pumasok ito dala ako. Nadatnan namin ang dalawa pang Cyclops na abala sa pagpapanday ng mga sandata gamit ang malaking apoy na nagbibigay liwanag sa kweba. Hindi ko akalain na may mga gantong nilalang sa sagradong lugar ng mga dyos.
Sandaling tumigil ang mga ito sa kanya kanyang gawain at tumingin sa amin. Una ay parehong nakatingin ang tig isa nilang mata sa nilalang na bumubuhat sa akin. Hanggang sa nadako ang tingin nila sa akin. Nakaramdam ako ng takot. Parang may iba sa tingin nila na hindi ako mapalagay. "Arges, dala prinsesa dito." Sabi ng Cyclops na bumubuhat sa akin.
"Steropes hindi gusto sya dito." Sambit nung isa sa kanila. Ang lightener.
Samantalang wala paring imik ang isa. "Brontes. Arges gusto sya dito." Tila pakikiusap ni Arges.
"Hindi." Tipid na sabi nung Brontes na sa tingin ko ay ang Thunderer. Tumalikod ito at naglakad papunta sa mas madilim na bahagi ng lugar. Nang tumalikod ito'y kitang kita ko ang napakahabang hiwa sa likod nito. Anong nangyare sa kanya? Sinong may gawa nun?
"Galit! Stropes galit!" Sabi nung Stropes at bigla na lamang sumugod sa amin.
Agad akong ibinaba ni Argeres at hinarangan ang kapatid nya. Lumilindol ang kweba sa laki ng mga galaw nila. Mukhang galit na galit talaga yung Stropes sa akin at tila nahihirapan na si Argeres sa pagpigil dito. "Alis na prinsesa!" Pagtataboy sakin ni Argeres. Ngunit tila nabato ako at hindi makagalaw.
Bigla namang lumitaw sa paningin ko si Sergius. Nagpasabog ito ng nakakasilaw na liwanag. Ilang sandali lamang, isang nakakagulat na pangyayari ang aking nasaksihan.
Hindi ito maaari. Hindi pwede. Anong ibig sabihin nito?! Pati ba naman sya?!
You're a part of me? Really—
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Spade?"
BINABASA MO ANG
Mageia Academy: Bring back to Myth
FantasyA Fictional Story with A Touch of History. Dito magbubuklod ang Nakaraan at ang Kasalukuyan. Gusto mo bang makakilala ng iba't ibang nilalang? Madiskubre ang taglay mong kakayahan? Tara, let's begin the journey. Enter to MAGEIA ACADEMY.. Where time...
