Eto po ung buong part ng chapter 7.. Delete ko na po ung isa, mey maling info rin po napunta dun eh.. Sorry mggng sbaw toh.. On focus po kc aq dun sa malayoooo nang chapter kaya wala po aq sa wisyo ng irewrite ko to.. Sorry.. >______<
~~~~
Sariwa pa ang mga bagay na natuklasan ko kagabi.
Ang Kwintas.
"That necklace is the key to Erebus's grave."
"They'll need to get that away from Erebus's child."
Kasama ang mga narinig ko kaninang umaga sa mga maestrong nauusap..
"Papabalikin na daw ang headmaster? Pero bakit pa? Naging maayos naman ang eskwelahan nung wala sya hindi ba?"
Lalo akong naguluhan. Bakit nasan ba ang headmaster?
"Zhoe!! Tara na!" tawag ni Petronia na nasa harap na ng sasakyan.
Hindi ako pumayag na ang mga kampon lang ni Titus ang kasama, kaya eto sinama ko ang dalawa. Mahirap na baka pagpinagtulungan ako, mabuti na ang may back up.
Kaya nga ba tinanghali kami eh. Kaya narinig ko pa ang usapan ng ilang maestro.
"HOY ZHOE!! sasakay ka ba o ano??!" nabalik ako sa kasalukuyan ng sumigaw si Maxima na mukhang naiinip na.
"V.I.P. tsk." rinig kong bulong ni Livia tinignan ko naman sya ng masama pero nginisian lang ako. 'bumulong kapa' sabi ko sa isip ko.
Sumakay na ako sa sasakyan. Katabi ko ang dalawa sa likod. Nasa unahan namin ang kambal at si Zack, si Cloud ang nagmamaneho, nasa passenger seat naman si Livia. Kawawa naman. Ayaw katabi ng prinsipe nya. Whahahah.. Ay nang iinsulto na ako. Tss. >:D
Pero ang isa pang pinagtatako- kahit naman marami akong pinagtataka sa mundo- Bakit hindi sila nagpadala ng sasama sa amin? Like duh? Mga estudyante lang ang pinadala nila sa isang delikadong misyon? Wala manlang assistance??
Ah ewan. Tiwala naman ako sa weapon skills ko. Nagdala ako ng tatlong dagger at dalawang baril.
Ako lang ata ang kailangan ng weapon makatagal lang sa laban. Tsk.
Nang kompleto na ang lahat ay.. Nagsimula nang paandarin ni Claud ang sasakyan.
"Yeeeesss!! Makakalabaas din tayoo!! Yeheey!!" excited na sigaw ni Petronia.
"Bakit? Hindi ba kayo pinapalabas sa academy?" pagtataka ko.
"Hindi eh. Ipinagbabawal ng Academy ang pagpapalabas ng mga estudyante na nakapasok na rito." sabi naman ni Maxima na nasa tabi ko.
"Bakit naman?"
"Hindi daw namin magagampanan ang tungkulin namin sa hinaharap kung malalaman namin ang kalagayan sa labas." anong tungkulin ang tinutukoy nya?
"Anong tungkulin?" pagtataka ko. Ang daming misteryo ang bumabalot sa eskwelahan na ito.
"Wag na natin pag usapan yan sa ngayon.. Makakalabas narin tayo yun ang mahalaga." ang sabi naman ni Petronia. Bakit parang may iniiwasan sya? Bigla syang naging seryoso.
.
"Miss beautiful. Pede bang pakikuha nung bottled water sa compartment sa likod?" rinig kong sabi nung Claud habang nagdadrive at nakatingin sa rareview mirror.
Hindi ko ito pinansin.
"Gosh Claud. Iba na talaga taste mo sa babae, bukod sa walang kwenta ay bingi pa. Tsk." rinig ko namang komento ni Livia mula sa unahan.
Otomatikong napataas ang kilay ko sa sinabi nya. para kasing may pinapatamaan eh. Geez. Sakalin ko kaya to? Pigil Zhoe, alam mo kung pano magalit ang bruha.
"Miss Zhoe?" tawag nung Claud sakin..
"H-huh?" wala sa sarili kong tugon. Problema nito?
"Please.." nagpacute pa talaga. Geez. Nakakakilabot.
BINABASA MO ANG
Mageia Academy: Bring back to Myth
FantasyA Fictional Story with A Touch of History. Dito magbubuklod ang Nakaraan at ang Kasalukuyan. Gusto mo bang makakilala ng iba't ibang nilalang? Madiskubre ang taglay mong kakayahan? Tara, let's begin the journey. Enter to MAGEIA ACADEMY.. Where time...
