Hindi ako makapaniwala..
Ang akala kong iniwan ako, nandyan pa pala.
Ang akala kong wala na, nananahimik lang pala.
Ang akala kong patay na, buhay pa pala.
Pano nila nagawa to sakin?? Lahat sila, lahat sila nilinlang ako. Lahat sila pinaniwala ako sa isang malaking kasinungalingan!!
Ngayon, sino sa kanila ang totoo?!
"Walang hiya kayo!!" susugod na sana ako kay master hawak ang isang dagger, pero nagulat nang tumalsik ang hawak ko dahil sa lakas ng hangin na dumapo dito..
Saan galing yun?
"Tama na Aether." maauthoridad na sabi ni Jace.
"Jace." I gritted my teeth.. Geez. Isa sya sa mga pinagkakatiwalaan ko.. Akala ko napaka inusente nya. Ang akala ko pa wala syang ability pero tinatago lang pala nya.
Hindi ako nagpapigil kaya sinugod ko ulit si master gamit ang isa pang dagger.. Pero humampas lang ako ng malakas sa pader..
"Hayaan mo na sya munti kong prinsipe. Mukhang natutulog parin hanggang ngayon ang diwa ng prinsesa." malalim na sabi ng lalaking yun..
Kaya pinulot ko ang dalawang dagger na nahulog ko at walang ano ano'y sinugod sya.. Pero madali syang nakaiwas.
Nakaramdam ako ng sakit nang tapunan nya ako ng napakalaking bolang apoy..
"uurrrgh!!" pinipigilan kong sumigaw. Ayaw kong ipakita sa kanila na kaya nila akong kontrolin hanggat gusto nila.
Sumugod uli ako ...
Pero sunod sunod nya akong tinapunan ng apoy nya..
Halos hindi na ako makatayo..
Kakayanin ko pa ba?
Pero tumayo ako at akmang susugudin sya..
Diterminado ako sa gagawin ko.. Kailangan kong maghiganti sa buhay ko.. Ngunit natigilan ako sa boses na tumawag sa akin..
"A-aether..." nanlambot ako, nabitawan ko ang mga dagger na hawak ko.. Tunog lang nito ang umalingaw ngaw sa buong silid.
I turn my heels around. Tila nagunaw ang mundo ko nang makita ko sya.. Ang Ina ko. Wala ang matatamis nyang mga ngiti, ngunit kitang kita ko ang mala dyamante nitong mga luha na kusang bumabagsak sa kanyang mga mata..
"I-Ina.." hindi ko namalayan na pati ako ay umiiyak na..
"T-tama na a-anak.." lumapit ako sa kanya.. Binitawan sya ni Octavia at muntik na itong masubsob sa sahig kung hindi ko ito nasalo..
"I-Ina.." niyakap ko ang mala buto nyang katawan. Bakas ang paghihirap na dinanas nya ng matagal na panahon..
"P-patawarin mo ako a-anak." nahihirapan itong magsalita.. Hinawakan ko ang dalawa nitong pisngi at iniharap sa akin.
"I-ina.. A-ano bang si-sinasabi nyo?" wala na akong maintindihan.
"S-sana hindi nalang kita k-kinuha s-sa R-reyna.. P-patawarin mo ako anak." nasasaktan ako.. Nasasaktan akong makita sya na ganito-umiiyak, nasasaktan ako sa mga sinasabi nya..
"Oo, prinsesa. Inutusan ko ang babaeng iyan upang kunin ka sa Reyna ng mga Amazona. Ngayon naiintindihan mo na ba?"
"W-wala akong naiintindihan.. Hindi ko kayo maintindihan!!" hindi ko na mapigilan ang patuloy na pagtulo ng mga luha ko. Tama na, pakiusap tama na!!
BINABASA MO ANG
Mageia Academy: Bring back to Myth
FantasyA Fictional Story with A Touch of History. Dito magbubuklod ang Nakaraan at ang Kasalukuyan. Gusto mo bang makakilala ng iba't ibang nilalang? Madiskubre ang taglay mong kakayahan? Tara, let's begin the journey. Enter to MAGEIA ACADEMY.. Where time...
