Chapter 30 - Aer Castle

3.9K 119 1
                                        

"Aether..."

May tumatawag sa akin?

"Aether..."

Isang malamyang boses.

"Aether..."

Kilala ko ang boses na iyon.

"Ina?"

"Aether anak..."

"Ina nasaan ka?" sinusubukan ko syang hanapin sa madilim na lugar kung nasaan ako ngayon.

"tulungan mo ako anak." Bakit sya nanghihingi ng tulong?

"Bakit ina? Nasaan ka?" mula sa kadiliman ay naaninag ko ang isang nagliliwanag na pigura ng isang tao.

"Aether anak..." muli kong nasilayan ang mukha ng aking ina.

Maaaring nabuo ang galit sa akin nang malaman ko kung anong ginawa nya ngunit sa loob ko ay hindi ko magawang mamuhi sa babaeng ito.

Ganun naman talaga kapag mahal mo ang isang tao diba? Gaano man kalaki ang kasalanang nagawa nya, hindi mo parin kayang mapoot ng lubusan dahil alam mo sa sarili mo, deep down inside of you, love is still there.

"Diba patay ka na?"

"Ayaw kaming patahimikin ng ama mo." Muli ay may tumulong uha mula sa gilid ng kanyang mga mata.

"Kami?" sino ang tinutukoy nya?

Maya maya pa ay may iba pang pigura ang nagpakita.

s-sandali, ang aking tiyo at tiya? "Tsong?" tawag ko sa aking tiyuhin.

"Iligtas mo kami Zhoe..." nahihirapan nitong bigkas.

"Sinong may gawa nito sa inyo?" tukoy ko sa iba't ibang sugat na nangingibabaw sa kanilang mga katawan. Para akong nakikipag usap sa mga ligaw na kaluluwang tila pinahirapan muna bago mamatay.

"Aether..." tawag pa ng isang pigura sa tabi ng aking Tsaing.

"J-jace? A-anong nang--?" halos hindi ko nakilala si Jace dahil sa basag basag ang mukha nito na muntikan ko nang ikasigaw. Nakilala ko lamang sya dahil sa tatong ahas sa kanyang leeg.

"Zhoe." Isa na namang multo ang lumitaw sa tabi ni Tsong.

"Tatius, paanong-" hindi ko mahanap ang mga salitang aking dapat gamitin.

"Ituloy mo ang laban aking Prinsesa," panimula ng isang magandang babae na papalapit sa akin.

Maputla sya at walang buhay, ngunit nanginigbabaw parin ang kanayang ganda.
"Inang Reyna."

"Maaaring kami ay wala na sa kasalukuyang panahon na kinalalagyan namin. Ngunit hanggang nagyon ay bihag parin kamin ng ama mo sa ibabang kaharian. Ikaw lang ang pag asa ng mga kaluluwang bihhag nya sa ibaba. Ikaw lang ang makapagliligtas sa amin aether." Sabi ng reyna.

"Hanapin mo ang landas mo Anak, gagabayan ka ng iyong mga kapatid sa itaas." At sa huling sinabi ng aking ina ay bigla na lamang silang hinigop paibaba ng napalakas na apoy.

Maririnig mo ang hiyawan ng napakadaming kaluluwang sinusunog sa ibaba. Lahat sila ay nagsisisi at gustong bumalik sa buhay ngunit wala ng pag asa. Hindi na sila makakatakas sa kinatatakutang impyerno. Ang kaharian ni Hades.
Isang kamay ang bigla na lamang humila sa paa ko dahilan para ako'y matumba, "T-tulungan mo ak-"

"Aaaaaarrrrrgghhh!!" hindi ko napigilang sumigaw dahil sa takot na dulot ng panaginip na iyon. Panaginip?

Tinignan ko ang paligid kung nasaan kami. Hindi pamilyar ang lugar ngunit napakaganda ng halimuyak ng hangin sa lugar na ito. Napakasariwa at napakalinis. Si Tatiana?

"Narito tayo sa kaharian ng Aer." Marahang hinanap ng mga mata ko ang nagsalita. At nadako ang aking paningin sa nakadungaw sa labas na si Tatiana.

"Anong lugar ito?" tanong ko dahil nagyon lamang ako nakakita ng ganitong klaseng lugar. Isang kwarto na tila nakalutang sa hangin.

"Ang tawag nila sa ganto ay glider." Tumayo ako at lumapit sa kanya. At nang dungawin ko kung saan sya nakatingin ay namangha ako sa nakita ko.

Akala ko pakiramdam ko lang na lumulutang kami, pero pagtingin ko sa labas ay napakaraming kwarto o bahay ang lumulutang nga sa ere. Tumingiin ao sa baba ngunit sa sobrang layo namin sa lupa ay hindi ko na ito maaninag.
"Nakamamangha diba?" bigla nyang sambit.

"Tila hindi ka natatakot? Bihag nila tayo." Nadako ang tingin ko sa isang malaking kastilyo hindi malayo sa kinalalagyan namin.

"Matagal nang panahon ang nakakalipas, pero simula nang iligtas nang bansa ng Aer ang kalahati ng bansa ng Terra ay nagkaroon na ng di matinag na samahan ang dalawang bansa. Ngunit nang malaman ng bansa namin na binalak nila na pasukin din ang Garden of Hesperides ay dun na nasira ang matibay na samahan ng dalawang bansa. Pero wala kang dapat iipag alala. makatao ang mga mamamayan ng bansang ito. Hindi sila basta basta pumapatay ng may sala. Kilala sila bilang ang mga manlilitis." Habang nagsasalaysay sya ay hindi ko maiwasang mapansin ang nangingibabaw na lungkot sa kanyang mga mata.
Magkaiba man sila sa nang Tatiana na nakilala ko sa panahon ko alam kong sya parin si Tatiana na kilala ko. Lumalambot ang puso nya para sa mga taong mahalaga sa kanya.

"Minsan kailangan nating magsakripisyo para sa ibang tao. Kailangan nating iwan yung mahahalaga sa atin para lang makausad tayo. Dahil hindi habang panahon nandun ka sa lugar kung saan ka masaya, darating yung araw na kailangan mo ding lumabas at tuklasin ang mundo sa ibang pananaw. Pero kahit kalian hindi nasasayang ang bawat sakripisyong binibitawan. Hindi man halata pero unti unti may magbabago." Sabi ko.

Yun ang ginawa ni Tatius para sa kambal nya. Sinakripisyo nya ang buhay nya para sa kapatid nya. Gusto nyang ipag patuloy ni Tatiana ang buhay nito kahit wala na sya. Gusto nyang matuto itong tumayo sa sarili nyang mga paa. Dahil hindi habang buhay, magkasama sila.

Tumingin ako sa nakatulalang si Tatiana sa kawalan. Hindi maipagkakailang magaanda sya, pero ngayon ay nababalot ng luha aang kanyang mga mata. Mga luhang hindi nya mailabas sa sobrang sakit.

And it suddenly hit me. Kung bakit nya ginawa yun, yung eksena sa Calydon. Oo tama, para saakin din ang lahat. Binigyan nya ako ng hint sa aking kapalaran. Gusto nya akong makausad, gusto nya na malaman ko ang tadhana ko at mapaghandaan ko ito. Pero naging mahina ako, sinakripisyo ni Tatiana ang tiwala ko sa kanya para sa akin ngunit hanggang ngayon hindi parin ako nakakausad. Madaming tao na ang nadamay sa guhit ng aking kapalaran pero heto ako, ako parin ang dating Zhoe. Ang Zhoe na mahina at mababaw. Ako pariin yung dating salot sa bawat pamamahay na nilulugaran ko. ako parin ito at hindi na iyon magbabago.

"Pinapatawag kayo sa kaharian." Kaharian na naman. Kelan ba ito matatapos?

Gamit ang hiwaga ng Aer ay nakarating kami sa kaharian.

Duon ay naghihintay ang isang napakagandang babae katabi ng isang makisig na lalaki. Ang sarap tumira sa panahong ito, ang daming magagandang tanawin. (insert*evillaugh)

"kung gayonn kayo pala ang mga takas na bilanggo ng sarili nyong bansa?" sabi nung sa palagay ko ay hari.

Hindi sya gaanonng nakakatakot. May aura sya na parang pamilyar sa akin.

"Nasa inyo ba ng susi?" tanong naman ng reyna.

"wala sa amin." Matipid na sagot ni Tatiana.

Sa totoo lang, parang mali yung sinagot nya. Dahil na saakin lahat ng susi. Pero malay ko ba kung iba pa ang tinutukoy nila, ang mga susing ito ay galing sa panahon ko at hindi sa kanila.

"Ganon ba." Simpleng sagot ng reyna.

"Isang papalarin, isang tatakasan ng swerte. Tawagin ang prinsipe." Sambit ng hari.

At pumasok na ang lalaking pinaka inaasahan ko. ano pa nga ba?

Claudius Argyris.

"Matagal na kaming humahanap ng tamang babae para sa aming anak. Swerte ang isa sa inyo dahil mapapangasawa nyo ang prinsipe ng kahariang ito." Deklara ng hari at sinabayan pa ng ngise ng mayabang na lalaking iyon.

"Bangungot kamo." Bulong ko. ayaw kong nang paglakasan dahil baka matrobol na naman ako.

.

.

.

"simulan na ang pagpili."

Mageia Academy: Bring back to MythMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon