Chapter 35 - The Bitch has Fallen

1.7K 37 33
                                        

"Saan natin sya hahanapin?" Pang basag ko sa nakabibinging katahimikan na namamagitan sa aming dalawa ni Spade.

"H-hindi ko alam. Pero kelangan na nating magpatuloy. Makita man natin sya o wala." Deretso lamang ang tingin nya sa daan at hindi manlang sya tumitingin sa akin. Napakalalim ng iniisip nya at alam ko kung bakit. I felt the guilt ng maalala ko na naman ang nangyari.

"Aether, I Love You.. " he said between our kisses.

"Spade... " I replied

Then something or someone crossed my mind. It happened before, with someone I knew, someone I nearly forgot. Zack Nero Titus. My brother?

"Spade... Stop..." He stopped and looked at me questioning. "I-I.. I'm sorry.. "

"A-aether, may nagawa ba akong mali? " hindi ko sya magawang matitigan sa mata, sobra ang pag tataka at pag aalala nya, it's like he's hopes suddenly crashed.

"No. It's just... I need you to leave me for now. "

Matapos ang nangyari ay hindi na kami nag uusap ng maayos ni Spade, puro nalang tungkol sa misyon namin sa panahong ito at sa pagkawala ni Livia.

Oo, nawawala si Livia. Bumalik na kami sa lawa kung saan huli namin syang nakita pero wala kaming matagpuang bakas nya. Ilang araw narin pala ang nakalilipas, Sana ayos lang sya.

Patungo na kami ngayon sa bayan ng Ignis upang makakuha ng impormasyon ukol sa lagusan patungong Hades. Pakiramdam ko ay nalalapit na ang paghaharap namin ng aking ama. Kailangan ko syang maibalik sa kulungan sa panahong ito upang hindi na sya makagawa ng kaguluhan sa hinaharap.

Patuloy lang kami sa pag lalakad ng bigla syang mag salita, "Dapat mapag aralan mo nang kontrolin ang kapangyarihan mo."

Bigla akong natauhan sa sinabi nya,
Ano nga bang kapangyarihan ko? Hindi ko manlang alam na meron non. Nakatitig lang ako sa mga kamay ko na tila hinihintay na may mangyari at makita ko kung anong sinasabi ni Spade na dapat kong pag aralan.

"Aether... Space. You hold the space in your hands, you can be the light of this world or you can be it's darkness. Ang kapalaran ng mundo ay nasayo."

"By space you mean..." Tanong ko dahil naguguluhan parin ako.

"Space between things, time, darkness and light. In short nasayo ang forbidden Mageia." Forbidden mageia? Naririnig ko lang yung kay tsong noon. Halos hindi ako maniwala pero ngayon? Nasakit pala yun?

"Pano mangyayari yun, eh nung pinanganak ako ay walang bituin sa langit na maaaring mag bigay sakin ng kapangyarihan?"

"You don't need stars because you already are..." Seryoso nyang sambit.

"Anong ibi—"

"Lumayas ka nga dito! Nakadidiri ka, ang baho mo!!" Naalintana ang pag uusap namin ng may narinig kaming sumisigaw sa labas ng isang tent na nadaanan namin.

"Parang awa nyo na, gutom na gutom na ako." Nagmamakaawang sambit ng isang babaeng naka belo habang nakahawak ito sa paa ng Nang aalipusta sa kanya. Sobrang dumi nito at punit punit na ang damit.

"Wala akong pag kain! Umalis ka dito!" Sinipa sya ng babaeng mataba. Napalakas ang pag sipa neto sa kanya kaya tumilapon ito sa malapit sa aming harap.

Bago pa sya bumangon ay nakaramdam ako ng kakaibang kirot sa dibdib ko na hindi ko alam kung san nanggaling.

Unti unti nyang inangat ang katawan nya habang nakayuko parin sa lupa. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

"Perwisyong nilalang! Bakit ba gumawa si hades ng mga tulad nyong walang pakinabang." Sabi ng matabang babae at pumasok sa kanyang tent.

Nag simulang gumapang ang babae palapit samin habang nangangapa sa lupa. Hindi ko maintindihan parang kinakabahan ako sa kanya. Pakiramdam ko may kakaiba sa kanya. Bakit hindi sya tumayo at lumakad? Bakit sya nangangapa?

hinila ako ni Spade sa likod nya na tila ako'y pinoprotektahan sa babaeng palapit na ng palapit samin. "Aether, lumayo ka sa kanya."

Sa di malamang dahilan, bigla nalang huminto sa pag kilos ang babae. Nakayuko parin sya at tila natatakot na tumingala at makita kami.

Dun lumadlad ang puting puti nyang buhok. Unti unting umangat ang kanyang tingin. At dun ko nakita at nakilala kung sino ang nasa harap ko.

"Hindi..." Hindi ko napigilan ang pag tulo ng luha sa aking mga mata. Parang gumuhong muli ang mundo ko.

Ang mga labi nyang laging mapula ngayon ay puno ng sugat, ang pisngi nyang matambok na ngayo'y sobrang nangayayat, ang madungis nyang katawan at sira sirang damit. Maging ang buhok nyang pula na sumisimbolo sa pangalan nya ay naging puti.

"H-hindi... b-bakit..." Ang mga mata nya, ang mga asul nyang mata bakit naging puti nalamang? Halos hindi ko sya makilala.

Pano nangyari to??

Napaluhod nalamang ako sa harap nya, sobrang nanghihina ako. gusto ko syang yakapin pero hindi ako makagalaw.

"Pangitiin mo ulit sya Zhoe."

"A bitch will always be a bitch"

"Mukha bang isusugal namin ang buhay namin para sa isang bagay na walang kasiguraduhan? Nagtitiwala kami sayo Zhoe, alam naming kaya mo."

"Nagtitiwala kami sayo Zhoe..."

"I hate you,"

"L-Livia..." Walang tigil ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Hindi ako makapag isip ng maayos.

Anong ginawa ko sa kanila, anong ginawa ko sa mundo at bakit nangyayare ang lahat ng ito?

"Z-Zhoe..." Nakatingin sya sa mga mata ko na tila nakikita nya ako sa kabila ng pagkabulag ng kanyang mga mata. Ibang iba sya sa Livia na kasama ko nung isang araw lang.

"Anong nangyari sayo?" Sigurado akong nabakasan nya ang pagkabasag ng boses ko dahil sa di ko mapigil na iyak.

May tumulong luha sa kanyang mga mata pero pinilit nya paring ngumiti. Lalo akong naiyak sa nakikita ko, sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanya nagagawa nya parin akong ngitian na parang walang pag sisisi sa kanya na nakikipag laban sya para sakin.

Niyakap ko sya habang humahagulgol sa iyak. Alam kong hindi naging maganda ang naging simula namin pero, si Livia, sya yung totoo lang sya sa sarili nya. Hindi sya plastik sa ibang tao, kung anong maisip nya sinasabi nya, mukha syang matapang pero ang totoo kailangan nya ng kaibigan. At binigo ko sya. She's more than a friend to me, para akong nawalan ng kapatid.

"I'm sorry Zhoe," niyakap nya ako ng mahigpit...

.

.

.

"Hindi na ako makakasama sa pag lalakbay mo."

~~~•

Sorry, maikli lang ang update nato.
Sobrang emosyonal ako habang ginagawa ito
Ang sakit lang mawalan ng kaibigan. :)

—loadingbrain

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Dec 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mageia Academy: Bring back to MythMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon