Chapter 11 - Amazons

6.2K 227 5
                                        

"Yoleeeeehhhiiiii hooooowwww!!!" sigaw nilang lahat.

Nagkakasiyahan kami sa salosalo na pinahanda ng Reyna. Madaming pagkain,

"Pre!! Ang daming chix!!" bulong ni Claud kay Tatius pero siniko lang sya nito.

"Umayos ka. Baka marinig ka." bulong pabalik ni Tatius.

"Malamang naman na puro babae dito.. Amazona nga diba?? Tanga ka talaga." singit naman ni Maxima..

Pansin ko sa mga araw na ito, tumatapang si Maxima pagdating kay Claud. Ano bang meron sa kanila?

Kagabi pala, sa kwarto ako ni Molphadia natulog.. Inanyayahan nya ako.. Nagkwento sya tungkol sa nawawalang prinsesa.. Maganda daw ito at mabuti, laging nakangite..

Pero nung itanong ko kung bakit ito nawala, ang tangi nyang sagot, "dahil yun ang tadhana nya."
Tinanong ko rin sya kung bakit ganoon nalang ang pakikitungo ng Reyna sa akin, pero hindi ako nito sinagot.

"Tigil!!" sigaw ni Molphadia na ikinatigil ng lahat. "Magsasalita ang kamahalan."  sabi pa nito ..
Lahat ay nanahimik at hinihintay ang sasabihin ng Reyna..

"Gusto kong ipakilala sa ating mga panauhin ang mga magigiting na Capitan na namumuno sa pagtatanggol sa Themiscyra.. Molphadia, papasukin sila."

At gaya nga ng utos ng reyna ay binuksan ni Molphadia ang pintuan sa gilid ng trono ng reyna.

Pamasok ang Tatlong kababaihan na may suot ng magagarang baluti. Ang dalawa sa kanila ay kulay pilak ang suot na baluti, samantalang ang nasa gitna ay ginto ang suot. Lahat sila ay mukhang matatapang at hindi mo gugustuhing makalaban.

" Ang dalawa sa gilid ay si Hippothoe at Celaeno. Silang dalawa ang namumuno sa pagbabantay at kapayapaan sa buong kaharian," tukoy ng Reyna sa dalawang may Pilak na baluti..

"at nasa gitna ay si Atalanta.." natigil ito sandali na parang nagiisip, "Narinig nyo na ba ang kasaysayan sa pagkapatay sa Calydonian Boar?" tanong nito na ikinatango naman namin..

Oo natatandaan ko yun, it is the history where the maiden Atalanta wounded the beast, and a hero named Meleager finally killed it. Although it had been Atalanta who halted
the monster, because she was a woman, it was Meleager who was awarded the prize. Yun ang dahilan kung bakit naging mailap ang maraming kababaihan sa mga lalaki.

Dahil sa hindi makatarungan ang pagkilala kay Meleager bilang ang dakilang pumatay sa Calydonian boar, bumuo ng alyansa ang mga babae upang patunayan na hindi lamang mga lalaki ang may kakayahan sa pakikipaglaban. Pinaniniwalaan nilang sakanila dapat napunta ang papuri at pagkilala.

"Ang ninuno nya ang Atalanta. At ngayon ay naglilingkod ito sa kaharian upang bigyang katarungan ang kapahangasan ng mga traydor na lalaki." dagdag pa ng Reyna.

"Mawalang galang na mahal na Reyna. Pero hindi po ba ay nagiging marahas na ang pagkilala nyo sa mga lalaki?" lakas loob akong nagtanong..

Lahat ng Amazon ay nagulat sa sinabi ko maliban kay Atalanta. Alam kong maling kwestyunin ang paniniwala nila, pero hindi ba panahon na para buksan naman nila ang kanilang pinto para sa iba?

"Anong ibig mong ipahayag, prinsesa?" eto na naman sa prinsesa thingy, pinaliwanag na ito ni Molphadia kagabi na sa'akin daw naaalala ng Reyna ang nawawalang prinsesa.. Nakakairita lang na kung ituring nila ako ay prinsesa. Gayong ayaw kong mapunta sa lugar na binubuo ng hinanakit.. Ayaw ko na ulit.

"pagpasensyahan nyo na ang kapangahasan ko mahal na Reyna pero hindi lahat ng lalaki ay katulad ni Meleager. Si Meleager ay may sariling takbo ng pag iisip kaya nagawa nya sa inyo ang ganong pagtataksil sa tulong ng paniniwala ng gobyerno nila. Hindi po ba masyado na kayong nagiging sarado sa pagkakataong magmahal o kung ano pa man?" pahayag ko.

Mageia Academy: Bring back to MythMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon