Birthday
.
.
.
Birthday
.
.
.
Oo, birthday ko na nga sa makalawa.. Geez.
At ang nagpapaalala sa akin ng araw na iyon?
Sino paba?? Edi etong mga baliw na nasa kwarto ko at nagpaplano para sa araw na yun.
"Osige. Ganto nalang, mas maganda kung maraming pink na balooooon tsaka, tsaka, violet na ribbons.. Waaaahhh.. Gusto ko ng ganung party." excited na suhestyon ni Petronia at nagtatalon na sila ni Tatiana sa kama ko..
"Hoy!! Tigilan nyo nga yan. Baka masira kama ko. Hala baba!!" . Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Nakakagulo lang sila.
"Parang hindi naman bagay yun sa personality ni Zhoe." tama.. Tama Tatius.. Sino ba naman ang gugustuhin ang isang childrens party..
Tumango tango ako sa sinabi ni Tatius.
"Magandang ideya kaya yun. Tapos gumawa tayo ng unicorn.. Waaah.. Cute yon. Maganda din kung nanakacostume tayo.. Waaaah" hulaan nyo kung sino nagsabi nun.
Walang iba kundi ang may saltik na si Jace. Unicorn?? Costume?? As if!!
"Mas bagay kay Zhoe kung isang adult party or formal party with gowns and suits.. Yah. Dapat yun nalang." tumatango tangong sabi ni Maxima..
"Oo nga. Makinig kayo sa my laabzz ko.. Maganda yun. Diba nga Zack?" si Zack? Ayun kanina pa naglilibot sa kwarto ko na parang sinusuri bawat sulok nito. Problema nun?
"Hoy Zack. Kanina kapa paikot ikot. Nakakahilo kana ha."
Lumingon naman ito sa dereksyon namin saka tumango at umupo sa harap ng study table ko.
"Waaahh.. Excited na kami!!!" sigaw nung dalawa. Si Livia? Ano pa aasahan nyo sa maarteng yon? May mas mahalagang bagay pa daw syang gagawin kesa ang tumambay sa isang walang kwentang lugar. Bakit? Sino ba may sabing papapasukin ko sya dito??
"Tara ihanda na natin ang mga kakailanganin."
"Tama yan Petronia.. Lumayas layas na kayo dito. Nakakaistorbo lang kayo." ngumuso lamang sila sa'akin pero tumayo din at dumeretso sa pintuan.
"Byeee Zhoeeee!! Advance Happy birthdaaaaaaayy." sabi pa nila bago tuluyang lumabas.
"Sige Zhoe. Alis nadin kami. Bye." saka sumunod si Tatius, Maxima, at Claud.
"Oh bakit hindi kapa lumabas?" tanong naman ni Jace kay Zack na tahimik parin na nakaupo sa study table ko.
Hindi sya sinagot ni Zack kaya lumapit si Jace sa kanya at hinawakan sya sa balikat.
"sige na bro. Umalis kana." seryosong sabi ni Jace.
Marahas na tinapik lamang ni Zack ang kamay ni Jace saka tumayo at nagtungo sa pintuan pero bago ito lumabas ay nagtapon ito ng isang makahulugang tingin sa akin. At tuluyan na ngang nilisan ang kwarto ko. Ano yun??
"At ikaw?" baling ko kay Jace na ngayo'y nakahiga na sa kama ko. " wala kabang balak umalis?"
"Mamaya na. Tinatamad pa ako. Tara higa muna tayo." pag aaya nito.
"Talaga lang ha." tsaka labas ko ng dagger sa drawer at nilaro laro ito sa mga kamay ko. "hindi ka talaga aalis Aetius?" malademonyo kong sambit sa kanya. Eto ang paraan ko sa pagpapaalis sa kanya at lagi itong epektibo. Nanlaki naman ang mata nya ng makita ang dagger.
BINABASA MO ANG
Mageia Academy: Bring back to Myth
FantasyA Fictional Story with A Touch of History. Dito magbubuklod ang Nakaraan at ang Kasalukuyan. Gusto mo bang makakilala ng iba't ibang nilalang? Madiskubre ang taglay mong kakayahan? Tara, let's begin the journey. Enter to MAGEIA ACADEMY.. Where time...