"Zhoe... bakit tayo nandito? Mahigpit na ipinagbabawal para sa mga estudyante ang magpunta sa lugar na ito..." mahinang sabi ni Tatiana nang marating namin ang lugar.
"Para sa mga normal na estudyante, oo. Pero ang lugar na ito ay ginawa para sa pagdating ng araw na ito, ang pagdating natin."
Ako, si Petronia, Maxima, Tatiana, Tatius, Claudius, Livia at Zack, hindi ko man gustong tanggapin ngunit kaming walo ang nakatakdang pumasok sa lugar na ito. Ang pinto na puno ng mga simbolo ng mga dyos, ang pintong ito na itinayo para sa araw na ito, ang pagkatuklas namin sa aming kapalaran. Hinihintay na kami ng kung anong nakakubli sa likod nito.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Tatius na halata namang kanina pa inoobserbahan ang mga nangyayari.
"Hindi maaaring ako lang ang maglaro sa larong inihanda nyo, isasama ko kayong lahat sa kapalaran ko." At agad kong tinawag si Sergius. "Bilang taga sunod ng anak ng kadiliman, Serguis, inuutusan kitang buksan ang pintuan ito." Utos ko sa aking taga sunod.
"Masusund aking kamahalan." Sabi nito bago pumasok sa dalawang pulang rubi na nagmimistulang mata ng leyon na nakaukit sa pinto. "Kailangan ko ang kapangyarihan ng apat na elemento." Rinig kong sambit ni Sergius mula sa dalwang magkadikit na konkreto.
"Anong dapat naming gawin?" lakas loob na tanong ni Maxima na kanina pa nananahimik. Siguro'y iniisip nito na galit ako nang marinig ko ang kanilang pag uusap.
"Kung maaari lamang ay ilapat ninyo ang inyong mga palad sa bawat simbolo na nakaukit sa pinto." Rinig kong muli sa boses ni Sergius.
Agad namang nagsi lapitan ang lahat sa pinto. Maliban kay Zack na patuloy lang sa malamlam nyang pagtingin sa akin. Ibinalik ko ang tingin nya na tila sinasabi kong 'gawin mo nalang'.
Maya maya lamang, matapos ang mahabang titigan ay ibinaling nya ang tingin nya sa pinto at lumapit dito. Ang pitong simbolo ng mga dyos sa bundok ng Olympus. Hinawakan nila ang bawat isang simbolo at maya maya pa ay tila hinihigop nito ang kanilang kapangyarihan.
"Ahhhhhrrrghh!!" sigaw ni Petronia at Tatiana habang si Maxima ay tila tinitiis ang sakit. Si Claudius at Tatius naman ay halatang nahihirapan din. "Why am I doing this?!" pasigaw na daing ni Livia habang si Zack naman ay tila wala lang sa kanya. Siguro ay sanay na ito sa sakit, hindi naman ito magiging leader ng royal group ng mga Geotist ng wala lang, hindi ba?
Tumagal ng halos isang minuto ang paghigop sa kanilang kapangyarihan. At sa loob ng isan minutong yaon ay wala akong nagawa kundi ang pagmasdan lamang kung paano sila unti unting mawalan ng lakas at manghina.
Maya maya lang ay biglang bumukas ang pinto, revealing an elegant yet dreadful room. It was an empty room, wala kahit anong gamit bukod sa isang tila isang batong hugis kupita. Nilapitan ko ito at dun ko nakita ang bagay na nag dudugtong sa aking nakaraan at kasalukuyan. Isang gintong orasan na nakalublob sa tubig ng tila kupitang bato.
Inilublob ko ang aking kamay sa tubig upang ito ay abutin, ngunit hindi inaasahang malalim pala ang tubig kayat hindi ko to basta basta maabot. Paulit ulit ko itong sinubukan hanggang sa halos abot kamay ko na ito nang bigla akong mahulog sa tubig.
Sinubukan kong umahon ngunit tila may humihila sa akin pailalim. Ang kupitang ito ay hindi tulad nang nakikita ko sa labas na maliit lamang. Ang loob nito ay tila isang malawak na balon, madilim at malamig.
Nakaramdam ako ng kawalan ng hangin kaya hindi sinasadyang bumuka ang bibig ko at makainom ako ng tubig. Nalulunod ako. Hindi ako makahinga. 'tulong', sigaw ko sa aking isip ngunit tila walang sasagip sa akin sa madilim na lugar na ito. Walang nakakarinig sa sigaw ng aking isip. Wala akong kahit anong maaninag hanngang sa unti unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata.
Ito na ba ang katapusan ng buhay ko? dito na ba matutuldukan ang mga paghihirap ko? sana nga ito na ang katapusan ng lahat. Pagod na akong lumaban, pagod na akong labanan ang kapalaran ko, pagod na akong maging mahina at manipulahin ng iba, pagod na akong magbuhay. Di ko na kaya. Wala nang dahilan para magpatuloy pa...
" Zhoe..." nakarinig ako ng boses. San nanggaling yun? Gusto ko sanang buksan ang aking mga mata upang hanapin sana kung san nanggaling ang boses ngunit di ko na kaya. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Gusto ko nalang matulog.
"Zhoe, ayos ka lang ba?" nakarinig muli ako ng boses.
"Ang tapang mo Zhoe, hinahangaan kita." Si Tatiana ba iyon?
"Pangitiin mo ulit sya Zhoe..." nakita ko sa isip ko ang ngiti ni Livia.
"Vitus? Ang ganda naman ng meaning ng pangalan mo? 'Buhay'." Bat parang narinig ko na ang mga salitang iyon?
"Babe si Rosey Honey oh sinasaktan ako!" kilala ko ang makulit na boses na iyon, Claudius.
"Yehey! May kaibigan na ako..." bakit napakasaya ni Petronia? Ano bang nangyayari?
"Kaibigan namin si Zhoe." Kaibigan?
At biglang bumuhos sa akin ang mga ala ala. Ang pagkakapadpad ko sa Mageia Academy, ang eksena sa hallway, ang misyon, ang Themiscyra, ang Reyna, ang birthday ko, si Jace, maging ang eksena sa Calydon at ang mga nangyari sa ampunan. Hanggang sa dumako ang isip ko sa kung gaano kaganda ng Mount Olympus.
"Kapatid..." kilala ko ang boses na iyon, Demeter.
"Anak..." Ina?
"Vitus..." agad akong nagmulat dahil sa boses na aking narinig. Nero.
At sa pagmulat ko ay bigla kong naalala kung sino ako. Ako si Zhoe 'Vitus' Severina. Buhay ang ibig sabihin ng pangalan ko at hindi ako maaaring magpatalo sa kamatayan.
Sa di kalayuan ay may liwanag akong naaaninag. Sa kabila ng pagod at kakapusan ng hininga ay pinilit kong makarating dito. Lumangoy ako ng lumangoy hanggang sa nakikita ko na kung anong bagay ang nakakublli sa liwanag na ito.
Abot kamay ko na ang orasan na may simbolo ng Academy ang nakaukit. Sa palagay ko ay ito na ang Mageia Crest na matagal ko nang hinahanap.
Konti nalang at maaabot ko na ito, konting konti nalang.
At nang magawa ko tong mahawakan ay bigla itong nagliwanag ng nakakasilaw. "Ahhhhrgh!" sigaw ko kahit may takot ako na baka makainom muli ako ng tubig ngunit sa pagbuka ng aking bibig, imbes na nakalulunod na tubig ang malunok ko ay sariwang hangin ang aking nahigop. Binuksan ko ang aking mga mata at nagulat sa aking nakita,
.
.
.
.
.
.
"Nasan ako?"
BINABASA MO ANG
Mageia Academy: Bring back to Myth
FantasiaA Fictional Story with A Touch of History. Dito magbubuklod ang Nakaraan at ang Kasalukuyan. Gusto mo bang makakilala ng iba't ibang nilalang? Madiskubre ang taglay mong kakayahan? Tara, let's begin the journey. Enter to MAGEIA ACADEMY.. Where time...
