Chapter 6 - The Necklace

6.5K 252 1
                                    

Dahil sa ayaw magbukas nung libro ay napagpasyahan kong itago nalang muna ito.

Kailangan ko pang pumunta sa opisina ni Maestro Aegeus para sa next duty ko.

Nang makarating ako doon ay naabutan ko ang maestro at ang lalaking yun na tahimik at hindi nagkikibuan.

"Oh. Miss Severina. Nandito kana pala." nakangiting pagbati ni Maestro nang mapansin nya ako.

Nginitian ko nalang sya kahit hindi ko maintindihan kung bakit nandito ang lalaking ito.

"Please sit down miss Severina." umupo naman ako sa harap nung Zack kung tawagin. "Miss Zhoe Vitus Severina. You know? I can't hide the amusement not just about your second name but your way to protect your beliefs. You can handle a situation without using physical actions." nakangiti at manghang mangha nitong sabi.

"Bakit sir? Yan po ba ang pag uusapan natin ngayon? Tungkol sa pangalan at paraan ng pagtatagol ko sa sarili ko?" makangise kong sabi. Mukhang nakahalata naman sya.

Natatawa syang nagpatuloy sa pagsasalita, "So deretso ka palang tao miss Vitus. Sige, I'll be straight forward, but before that, I want to inform you that this school made a background check of you." oh my.. Kinakabahan na ako ngayon. Ano kaya ang mga nalaman nila?? Alam na kaya nila ang pakay ko dito?? No Vitus, wag kang mag isip ng ganyan. Hindi nila pwedeng malaman.

Tinago ko ang pagkagulat ko, hindi ako pwedeng magpahalata. Until he proceed, reading his papers.
"No family history, Damage history, medical records, location registration, hindi ka rin nagpapakita ng ability mo sa iba- or should I replace that with a question? Bakit hindi ka nagpapakita nang ability sa iba? Kung may ability ka nga miss Severina?" duda nitong tanong sa akin. What?? Paano naging malinis lahat ng records ko? Haaay! Sino pa nga ba ang gagawa? Sya lang naman. Nakoo. Mas pinapahirapan nya pa ako dito sa loob. Tsk.

Pero sa tanong ni Maestro ay matagal na akong nakapaghanda. "Dahil ayaw ko. I'm cannot control it yet. Kaya Bakit pa nila kailangang makita?"

"Well, we should. Miss Severina. Para masabi namin kung nababagay ka ba talaga dito." pinagpapawisan na ako. Akala ko ba gagana ito? Curse that man!!

"A-ah. Eh" napadako ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko. Nakatitig lang sya sa'akin na parang kinikilatis bawat reaksyon ko. Bigla akong nakaisip ng edeya. "I'm under terra element. A metal carrier. I have a woderful connection in any metal, specialy to weapons with a body of it." walang emosyon kong sabi. Tinago ko ang lahat upang hindi nila matunugang nag aalala ako.

Tinitigan ako ng maigi ni Maestro Aegeus pati narin nung Zack. Pinilit ko nalang hindi sila pansinin. I'm good in hiding emotions, kaya nga ako ang pinadala nila dito with my full enhanced combat skills. Ako ang pinaka capable sa misyong ito sa mga alaga nya. "I'm well convinced miss Severina. Pero kailangan mo parin patunayan yun. That's why nandito si Mr. Titus" sabay turo nito sa lalaking kanina pa nakatingin sa'akin, hindi pa ba sya nakakamove on sa nangyari kanina? Geez. Magkakaproblema ako pag nangialam sya. "to assist you in your next duty."

What the heck??! Hindi pa nga ako nakakarecover sa kanina eh. Masakit pa ang katawan ko. Tapos ngayon?? Baka mapatay na ako ng lalaking ito.
"The heck?? Anong klaseng duty ba yan at kelangan pa ng assistance??"

Tumayo sya sa kinauupuan nya tumalikod saamin upang dumungaw saw napakalaking bintana sa likod ng table nya. Matatanaw dito ang napakalawak na kagubatan ng Eastwood. "Alam kong masyado pang maaga para ipadala ka sa gantong klaseng duty dahil dalwang araw palang ang nabubuo mo sa paaralang ito. But, to find out what you really can do," natigil naman sya sandali at tumingin sa akin deretso sa mata. "we'll sent you for a mission."

Nagulat ako sa sinabi nya? What?? Agad agad? Mission?! Putek naman oh. Ngayon nagsisisi na ako kung bakit pa ako nakialam. Tsk!
"You'll need to find a sacred necklace."

And for Pete's sake. Ilang beses ba ako makakaramdam ng kaba at takot ngayong araw??

He handed me a photographic file ng isang kwintas with a Black stone pendant.

Gaya ito nung kwintas na bigay ni tsong, pero magkaiba ang batong nakalagay. Kung yung akin ay Red Ruby ang kwintas na ito'y may itim na bato.

"A-anong meron sa kwintas na to?" my ghad. Vitus. Stop stuttering. Anong nangyayari sayo?

"You don't need to know miss Severina." casual na sabi nito.

"What? Papagawan nyo ako ng isang mission na hindi ko alam kung anong purpose?" pagtutol ko.

"Sige miss Severina. I'll give you hint. That necklace is the key to Erebus's grave." Key to Erebus's grave? Bakit naman nila gugustuhing buksan ang himlayan ng Dyos ng kadiliman?

"Nahihibang naba kayo? May balak ba kayong patayin ang mundo?" pero imbes na sagutin ako'y tumalikod lang sya ulit bago sabihing, "That's all you need to know."

"P-pero-" aangal pa sana ako ngunit hinila na ako ng lalaking kanina'y nasa gilid ko lamang at dinala ako palabas.

"W-wait. Di pa ako tapos!!"

"Just stop it!!" nanigas nalang ako sa kinatatayuan ko ng sumigaw sya.

"Kailangan kong malaman ang pakay nila sa kwintas sa iyon!!" pagpoprotesta ko at akmang babalik sa opisina ni Maestro.

Kailangan kong malaman kung anong gagawin nila sa kwintas na iyon. Hindi nila pwedeng buksa-
"They'll need to get that away from Erebus's child." natigilan ako sa sinabi nya.

"What??" confused na tanong ko.
Pero yung tonong ginamit nya. Bakit parang may- hindi kaya--

"Go to your room. We need to go early tomorrow. Isasama natin ang iba." sabi ni to saka naglakad palayo.

"Sinong iba??" tanong ko, subalit hindi na ito lumingon dahil ipinagpatuloy nalang nya ang paglalakad. At tuluyan nang nawala sa paligid ko.

I'm very confused.

Bakit nila gugustuhing buksan ang kulungan ng nilalang na gustong sumakop sa mundo?

And what? Tama ba pagkakarinig ko?
Si Erebus, may anak? Sino?

And what's with that guy?

Sino ba talaga si Zack Nero Titus?

Mageia Academy: Bring back to MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon