Chapter 10 - Themiscyra

6.2K 237 8
                                    

"Tao po..." mahinang pahayag ni Tatiana..

"Oo. Grabhe maririnig ka nyan." komento ni Claud.

Hindi naman talaga sya maririnig. Sa laki ng tarangkahan na ito, baka nga kahit magsisigaw kami ay hindi maririnig.

"Eh kung ikaw kaya magtawag." reklamo ni Tatiana.

"Oh. Amber. Chill ka lang.. Kaya na yan ni Prince Terrence .. Diba?? Diba??" kumikinang na sabi ni Petronia. Wala na tong pag asa.

Pero.. Shet lang.. Hindi parin ako makamove on sa mga itsura nila..
Wahahah!!

Si Tatius kasi naka---bwahaha. Suot ang mini skirt at Hanging blouse ni Petronia.. With matching short black  wig.  Wahahaha..

Si Claud, Bwahahaha.. Ang sexy nya sheeet!! Fitted na royal blue dress ang suot at kulot na white wig.
Ang kinis nang legs. Galing kay Maxima ang damit.  Hahah. Namumula pa dahil kakawax lang namin kanina.

Pero ang pinaka matindee..
Si Zack!! Ang silent Prince, ang kinatatakutan ng lahat. Suot ang damit ni Tatiana..
Nakadress na longsleeve at below the knee pero backless.. With matching heels pa yan at classic curly hair na wig.. Hahaha.. Halos mabali na yung heels sa kanya, pero Infairness, ang ganda ng tayo nya. Deretsong deretso at babaeng babae..  Pisti ang ganda nya.. Wahahaha..XD

Halos ikamatay ko pagtawa kanina.. Hahaha. Nawawala ang pagiging matigas ko sa mga toh. Pano ba naman kasi, hindi ko alam na susundin pala nila ang payo ko na magbihis ng pambabae makapasok lang sa lugar na ito..

Si Claud ang pinakamahirap ayusan. Look out nalang daw sya kesa mabawasan ang pogi points nya.
Hahaha.. Bagay naman sa kanila ang maging babae.. Hahaha.. Maiiyak nako sa kakatawa..XD

Pero natigil ako sa pagtawa sa ko sa isipan nang may magsalita mula sa itaas ng tarangkahan.

"Sino kayong mga pangahas na naglakas loob pumunta sa teritoryo namin." sabi ng isang magandang babae na nakasuot ng armor at may hawak na sibat.

"Mga manlalakbay lamang po kami na gustong makaharap ang reyna."malakas na sambit ni Maxima upang marinig sya.

"Anong kailangan nyo kay Reyna Aegea?" tanong pa nito.

"Gusto namin syang makausap ukol sa isang importanteng bagay na ipinaguutos ng Eskwelahan ng Mageia." sabi pa ni Maxima.

"Mga estudyante ba kayo ng paaralang iyon?"

"Oo. At napag-utusan lamang kami ng nakatataas." si Maxima na lang ang nagsasalita. Dito naman sya magaling eh.

"Ilahad nyo ang inyong pagkakakilanlan."

"Mga estudyante ng Mageia Academy.. Maxima Rose Floros." pag uumpisa ni Maxima sa pagpapakilala.

"Petronia Daisy Floros."

"Tatiana Amber Stavros."

"Titania Virginia Stavros." - si Tatius na pinatinis ang boses para magboses babae sya.

"Claudia Argyris." si Claud.

"Livia Rufina Zabat."

"Faustina Titus." si Zack. Wala kami maisip na iba eh.

"Zhoe Vitus Severina." ako ang huling nagpakilala..

Ang babae sa tarangkahan ay tila nagulat sa narinig nya at nagmamadaling bumaba..

Ilang minuto lamang ay nagbukas ang tarangkahan..
Lahat sila ay nakatingin saamin ng masama at parang ano mang oras ay maaari nila kaming atakihin.

Nakita namin ang babae kanina at pinasunod kami sa palasyo.
Ang laki ng palasyo nila, gawa ito sa purong ginto.

Sa isang trono ay may nakaupong napakagandang babae, may mahabang buhok, katamtamang kulay ng balat, mahahabang pilik mata, basta maganda sya. Alam na namin kung sino ito.
Yumuko kami at nagbigay galang sa Reyna ng mga Amazona, si Reyna Aegea..

Mageia Academy: Bring back to MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon