"ikaw?"
Umupo sya sa tabi ko sa ilalim ng puno.
"Oh bakit parang gulat na gulat ka?" tumawa sya ng malamyos. Ang sarap pakinggan ng boses nya.
"A-ano palang pangalan mo?"
"Hindi pa nga pala ako nagpapakilala, how rude of me." ngumiti sya. "Lucius Spade."
"Ahh. Ang ganda ng meaning ng name mo ha. Light. Spade nalang itatawag ko sayo pwede?" hindi ko alam pero parang ang komportable nyang kausap. Parang matagal ko na syang kilala.
"Sure.. Nice to finally meet you Aether." nakangini parin nyang saad at nilahad ang kamay nya sa'akin. Kinuha ko naman ito at nakipagkamay.
"Pano mo nga pala ako nakilala? At anong ginagawa mo sa panaginip ko?" tanong ko. Paano nga pala sya napunta sa panaginip ko? Pano nya ako nakilala?
"I just did."
"Huh?"
"Balang araw maiintindihan mo rin Aether—"
"Vitus nalang pwede? Hindi ako sanay na tinatawag ako ng iba na Aether." nahihiya kong suhestyon. Si Jace lang ang pinahihintulutan kong tawagin akong ganun. Wala eh. Kahit ilang saksak gawin ko sa kanya makulit parin.
"Vitus o buhay.. Yah. Ang ganda." nailang naman ako nang titigan nya ako..
"A-ah.. Ano.. Estudyante kaba dito?"
"Ako? Hmm. Hindi ko masasabing estudyante ako dito pero hindi rin naman ako taga labas. Kagaya mo lang ako, hindi alam kung saan nararapat." nakangiti parin ito. Ang gwapo nya lalo na pag nakangiti.
Hindi alam kung saan nararapat? Saan nga ba ako nararapat?
"h-hindi alam—"
"Tama na yan.. Tara sumama ka sa'akin. May ipapakita ako sayo.." walang dalawang isip na sumama ako sa kanya..
.
Nakarating kami sa kabilang dulo ng lawa kung saan napakadaming Iba't ibang kulay ng bulaklak ang namumukadkad..
"Ang ganda.." hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagkokomento. Sobrang ganda ng lugar..
"Oo. Ang ganda nga.." tumingin ako sa kanya na saktong nakatingin naman sa akin..
He stretched his arms and reach for my cheek with his hand and touch my heart with his soul.. I feel safe and loved.. I unconsciously closed my eyes and feel his every touch.. Ang sarap sa pakiramdam.. Pinatong nya ang noo nya sa noo ko. Walang ibang nasa isip ko kundi ang taong nasa harap ko ngayon.
"Please ... Choose me this time." bulong nya na huli kong narinig bago naging madilim ang lahat
.
.
.
.
"Aether. Gising." naramdaman ko ang marahang pagyugyog sa'akin.
Marahan ko namang binuksan ang aking mga mata. "Jace?" tanong ko ng maaninag ko ang mukha ng taong yumuyugyog sa akin.
"Okay ka lang ba?" nag aalala nitong tanong..
"A-anong nangyari?" tanong ko habang tumatayo sa pagkakahiga.
"May nakakita sayong isang estudyante na walang malay sa garden. Anong nangyari sayo?"
Garden? Naalala ko yung nangyari kanina.
"Spade.." i murmured.
"Spade? Sinong spade?"
BINABASA MO ANG
Mageia Academy: Bring back to Myth
FantasyA Fictional Story with A Touch of History. Dito magbubuklod ang Nakaraan at ang Kasalukuyan. Gusto mo bang makakilala ng iba't ibang nilalang? Madiskubre ang taglay mong kakayahan? Tara, let's begin the journey. Enter to MAGEIA ACADEMY.. Where time...
