"Ang kapatid ko..." sigaw ng reyna habang pinipilit syang ilayo ng mga kawal sa kaguluhan. Maging ang hari ay pinoprotektahan ng kanyang mga taga sunod.
"susundan ko sya." Sabi ko at akmang lalabas naring ng kwarto pero may pumigil sa akin sa braso.
"Huwag kang sumunod, delikado." Sabi ni Tatius habang hawak hawak ang aking braso.
"But I need to! She'll die!" sabi ko dito like it was the very obvious thing at this moment.
"She's not a general for nothing. She's a legend." Singit naman ni Tatiana na pilit akong hinihila palayo sa lugar.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalamang sa kanila. Dumaan kami sa isang tagong pasilyo ng palasyo. Hindi ko na malaman kung nasan si Petronia at ang hari.
"Those are the knights of the Ignis Kingdom." Sabi ni Tatius habang tumatakbo kami upang makalayo sa kaguluhan sa labas.
"Bakit sila narito? Bakit nila sinasalakay ang kaharian ng terra?"
"They are into every key." Sagot nito sa aking katanungan.
"Key?"
"Mageia Keys. Ang mga susing magsasara at magbubukas sa pintuan ng kaharian ni Hades, ang Impyerno." Dagdag pa ni Tatius.
"Terra key, Aer key, Aqua key and the Ignis key. Those keys hold the part of the stone who will complete the crest."
"What crest??" desperada man pero gusto ko ng kasagutan.
"The crest of ti-" hindi na natapos pa ni Tatius ang kanyang sasabihin nang napatigil sya sa pagtakbo at bumulagta sa sahig.
"Tatius!!" sigaw naming pareho ni Tatiana.
Agad na lumuhod si Tatiana upang tignan ang kalagayan ng kanyang kapatid. "Kapatid ko!" pareho kaming nagulat sa dugong patuloy na tumutulo mula sa kanyang likod na makikita ang napakalaking paso.
"Hulihin sila!" sigaw ng isa sa mga kawal ng Ignis.
Maraming bolang apoy ang nagsiliparan sa aming dereksyon. Nabigla kami sa mga atakeng binabato nila sa amin.
"Arrrrrggggh!" sigaw ni Tatiana bago may malaking ugat ang sumira sa pader at humarang sa pagitan namin ng mga kawal.
"*cough* ka-kapatid ko." kahit nahihirapan ay pinipilit paring pakalmahin ni Tatius ang kanyang kapatid sa pamamagitan ng pagabot sa kanyang pisngi. Isang napakagandang eksena kung hindi lang sana unti unting nawawalan ng buhay ang matapang na lalaking matagal ko ring nakasama sa ibang panahon. Gusto ko ring umiyak at sumigaw, kahit paano nagging parte sya ng buhay ko pero wala akong karapatan. Wala ako karapatang magpakita ng kahinaan sa mga ganitong oras. sa mga ganitong pagkakataon, hindi ako maaaring maging mahina para sa mga taong itinaboy ko.
"I'm sorry." Mahina kong sabi.
"Wag mo akong iwan kapatid ko." ayaw ko man pero alam kong ito ang gusto ni Tatius. Pinilit kong itayo si Tatiana mula sa pagkakaluhod nya at hinila sya palayo sa nanghihinang si Tatius. Gusto ko syang buhatin at dalhin paalis dito pero alam kong alam nya na hindi namin makakaya. "Bitawan mo ako!! Ang kapatid ko! hindi ko sya pwedeng iwan!"
"Tara na Tatiana! Wala na tayong magagawa!" sigaw ko dito. Habang papalayo kami ng papalayo sa katawan ni Tatius ay unti unti ko ring nakikita ang buhay nya sa hinaharap. Salamat-ang huling salita na naibigkas nya bago tuluyang mawalan ng buhay ang kanyang mga mata at bumagsak ang kanyang kamay sa sahig.
"Habulin nyo sila." Kasabay ng pagkawala ni Tatius ay ang pagkawala rin ng lakas ni Tatiana kaya ang kaninang ugat na humaharang sa mga kawal ay nagging abo nalang ng bigla.
Isinampa ko sa aking likod ang nanghihinang si Tatiana, kailangan naming makaalis dito.
Wala akong magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanang darating din ang araw na ito, ang mababawasan kami. Darating ang araw na makikita namin ang aming sarili sa salamin ng hindi na kumpleto.
Nagtago kami sa isang liblib na kwarto sa dulo ng pasilyo at duon ay may natagpuan kaming isang sikretong daanan sa ilalim ng kamanng nakapwesto sa gitna.
"hindi ko maaaring iwanan ang aking kapatid!" pagpupumilit ni Tatiana.
"Tama na Tatiana. Wala na tayong magagawa."
"Hindi. Alam kong nanduon pa sya... babalikan ko sya!" akma syang lalabas ng kwarto pero pinigilan ko sya.
"Tatiana stop it. He's gone." Pinipilit kong ipaintindi sa kanya, alam kong masakit pa sa ngayonn pero kailangan nyang tanggapin at kailangan naming makaalis dito.
"Paano mo nasasabi yan?! Ni hindi ka namin kilala! Sino k aba ha?! Wala kanga lam sa amin, wala kang alam sa nararamdaman ko!" bumuhos ang masaganang luha sa kanyang mga mata.
"That's it! Hindi mo ako kilala so don't tell me what I should know and what I didn't. Alam ko ang pakiramdam! Alam ko kung paano ang mawala ang taong mahalaga sayo sa harap mo mismo! Na ako ang dahilan kung bakit nangyari yun sa kanya pero anong magagawa ko?? hindi ko kayang bumuhay ng patay! Hindi na sila babalik! Mahirap tanggapin pero ang katotohanan ay katotohanan! Wala na sya!" pinagdiinan ko talaga ang mga huli kong salita. Natigilan sya sa mga sinabi ko at lalong bumuhos ang mga luha nya. Si Tatiana isa lang syang batang walang alam sa mundo, hindi sya inosente pero alam kong totoo sya sa sarili nya pareho sila ng personality ni Petronia pero sa lugar at panahon na ito, isang matapang na Tatiana ng nakilala ko. Nagulat ako sa unang bungadd nya sakin ng magising ako sa pagkakatulog ko, alam kong sya si Tatiana pero tila iba ang pagkatao nya ng mga orass na iyon pero dito? Sa kinatatayuan namin, nakita kong muli ang Tatianang nakasama ko sa Academy, ang Tatianang mahina, isip bata at iyakin.
"Narito sila!" rinig kong sigaw ng isang kawal sa labas ng silid na pinagtataguan namin.
Tinitigan ko si Tatiana na hanggangngayon ay tulala parin. Inabot ko ang kamay nya at nagsalita, "Magkikita pa kayo, maaaring hindi sa panahong ito pero alam kong mangyayari yon. Magiging masaya kayo ng kapatid mo. Magiging pinakamatalino kayong dalawa sa buong Academy, masasali kayo sa Mageia Royalties at madami pa kayong pagdadaanan. Pero sa mga oras na ito, nasayo agn desisyon kung sasayangin mo ang sakripisyo ng kapatid mo at magpahuli sa kanila, o papangalagaan mo ang buhay na pingalagaan ng kapatid mo at hihintayin ang panahon na magkikita kayonng muli. Ikaw ang magdisisyon." Unti unti kong binitawan ang kanyang kamay at akma nang papasok sa sikretong daanan.
Tinitigan ko sya sa hulingpagkakataon. Malapit nang matagpuan ng mga kawal ng Ignis ang aming kinalalagyan ngunit hanggang ngayon ay nakatulala parin sya sa kawalan.
"Wala na akong magagawa." May misyon pa ako sa lugar na ito kaya hindi nila ako maaaring mahuli. Patawarin mo ako Tatius ngunit ang kapatid mo na mismo ang nagdesisyon.
Pumasok na ako sa sikretong daan at tinakbo ang maliit na espasyong nakakonekta sa palasyo at sa kung ano mang nasa dulo ng daang ito.
Wag nyo akong husgahan na kaya kong iwanan ang mga kaibigan ko sa gitna ng pangangailangan. Kahit tinraydor nila ako sa kabilang mundo may pakealam parin ako sa kanila. Ngunit mahirap mabuhay sa maling desisyon, alam ko kung gaano ka miserable, at kung nagdesisyon man syang mabuhay sa impyerno ay baka hindi nya kayanin kaya hinayaan ko syang magdesisyon. It's between getting left behind or moving forward.
"Not that way!" narinig ko ang malamyos na boses ng isang babae bago may humarang na malaking ugat sa dapat kong daraanan.
"Tatiana!" at sinundan ko sya sa daang kanyang nilikuan.
"I will see him. His laugh, his smile and even his tears. I will see him." Then she choose to move forward. It's a hard way but she'll make it.
Unti unti naming narating ang dulo nng daanan at bumungad sa amin ang kasukalan ng gubat.
"Tatius." Huling lingon ang ibinigay ni Tatiana sa lugar kung saan bumagsak ang mga pangarap nilang magkapatid. Ang nasusunog na kastilyo ang iniwan namin bago kami naglaho sa madilim na gubat.
"I'm sorry." I said knowing more that he can hear me. We run through the forest with a hope in my heart that the remaining two; Maxima and Petronia were safe.
.
.
.
.
.
"At saan nyo balak pumunta?"
BINABASA MO ANG
Mageia Academy: Bring back to Myth
FantasiA Fictional Story with A Touch of History. Dito magbubuklod ang Nakaraan at ang Kasalukuyan. Gusto mo bang makakilala ng iba't ibang nilalang? Madiskubre ang taglay mong kakayahan? Tara, let's begin the journey. Enter to MAGEIA ACADEMY.. Where time...
