Chapter 2 - First Day, First Mess

9.4K 302 2
                                        

Tapos na ang una kong klase para sa araw na ito.

"Hi." may lumapit sa akin isang babaeng may maikling buhok.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy na ako sa pag aayos ng aking gamit.
"ako nga pala si Petronia.. Petronia Daisy Floros." masigla at nakangiti nitong sabi.

Hindi ko parin sya pinapansin. Hanggang sa may isa pang babae ang lumapit sa amin, mahaba at itim na itim ang buhok nito.
At napansin kong magkamukha sila.

"Daisy.. Wag mo na nga syang abalahin. Tara na sa Cafeteria. Nagugutom na ako." saka nito hinila ang babaeng maikli ang buhok na sa palagay ko'y kambal nya, palabas ng silid.

Nang makaalis sila'y bigla akong may naisip. Nagugutom na ako at hindi ko alam kung saan papunta ang cafeteria.

Napasulyap ako sa pintuan kung saan lumabas ang dalawang babae.
At nagmamadaling tumakbo.

Sinundan ko ang dalawa papunta sa cafeteria. Pero nang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ay bigla silang tumigil.
Nagulat ako nung lumingon sila at nakita ako.

Nako paktay. Baka akalain nila, may binabalak akong masama.

Lumakad yung babaeng maikli ang buhok sa deresyon ko at saka nagcling sa braso ko.

"Ano kaba Zhoe. Wag kanang mahiya pwede ka namang sumabay sa amin eh. Diba Rose?" nakangiti parin nitong saad.
Nang tinignan ko ang babaeng may mahabang buhok nakita kong seryoso sya, pero mamaya lang ren ay ngumiti ito ng malapad at naglakad din palapit saamin at nagcling din sa isa ko pang braso.
Ngayon ay mukha nakong babaeng may dalawang batang nakakapit sa'akin para hindi sila mawala. Tsk.

"Of course. Pedeng  pede. Hahahaa." Malakas na tawa nito na parang hindi ako sinungitan kanina. " sorry pala kanina, Akala ko kasi masungit ka, yun pala nahihiya ka lang." sabi nito.

"Ikaw kasi Rose. Napaka-judgemental mo. Bleh." yung babaeng makulit na sa pagkakatanda ko'y Daisy ang pangalan.

"Manahimik ka na nga lang dyan Daisy!" pagsasaway nung Rose sa kapatid nya. "By the way, I'm Maxima Rose Floros. At yang makulit na yan, ay kambal ko." pagpapakilala nito.

"Nahalata ko nga." sabi ko.

"Ahh. Talaga? Pano mo nahalata??"
Pagtatanong ni Daisy na mukhang manghang mangha.

"Wag ka ngang tanga Daisy! Malamang naman magkamukha tayo diba??! Geez. Pano ba ako nagkaron ng kambal na tatanga tanga." iritadong sabi ni Maxima. Mas prefer ko silang tawagin sa first name.

"ang mean mo talaga Rose!!" nakapout na pagmamaktol naman ni Petronia. "Osya. Tara na nga sa Cafeteria, tas mamaya tour ka namin dito. Tas punta tayo sa dorm mo, tapos mag bo-bonding tayo, tapos----"

Blahblahblah. Wala na akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila.
Tama bang mapalapit ako sa kanila? Hindi ako magtatagal dito, kailangan kong makita ang bagay na iyon.  Baka makasagabal pa sila sa plano ko.

Pero sa kabilang banda, Kailangan ko rin ng mga taong magtuturo sa'akin ng mga pasikot sikot sa lugar na ito.

‹ Sa cafeteria ›

Hindi ito isang simpleng cafeteria. Para itong isang reception ng kung anong event sa isang hotel.
Ang masasabi ko lang ay ang Elegante ng lugar na ito.

Pero ano bang aasahan ko sa pang mayamang paaralan na ito? Ito na ata ang pinaka marangyang lugar sa buong kasaysayan ng lugar namin.

Lahat ng nandito, puro luho, kayamanan, pera. Wala sa kanila ang may pake alam sa mga mahihirap na nasa kabilang bahagi ng mga pader na nagkukubli sa paaralan na ito.

Mageia Academy: Bring back to MythMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon