*knock*
*knock*
*knock*
Tamad na tamad akong tumayo ng kama ko para pagbuksan ang taong walang pakundangan kung makakatok sa pintuan ko.
And as I expected, sino paba bubulabog sakin ngayong umaga.
"Hoy!! Babae!! gising gising!! Masyadong maganda ang araw nato para tanghaliin ka ng bangon." bungad sa'akin ni Petronia.
"geez. Anong maganda sa araw kung kayo agad ang bubungad sa pinto ko??" iritadong sabi ko.
"Basta. Bilisan mo nalang at magbihis kana. First day ng punishment ngayon. Bawal malate.. Hala!! Larga!!" pag tutulak naman sa'akin ni Maxima. Mukha nawala na ang bakas ng pagdududa sa mukha nya. Better indeed. Mas mabuti nang wala silang alam sa tunay na pakay ko dito.
"kayo lang ata ang kilala kong paparusahan na't lahat, excited pa." napag isip isip ko na kailangan kong makisama sa mga tao dito kung gusto kong walang maghinala sa'akin.
Nag deretso na ako sa banyo. Naligo at nagbihis. Sa Breakfast Hall ang toka ko ngayong umaga. Mamaya ng tanghali sa field. Oo, ganda ng schedule ko sa tanghali. May balak ata silang sunugin ako ng maaga. Geez. At sa gabi naman ay magbabantay ako sa Eastwoods.
Nakarating na kami sa office ni Maestro Aegeus. At saktong pagdating namin ay pagdating din ng kabilang grupo.
"Buti naman at nandito na kayong lahat."
Yung dalawa kong kasama, bakas na bakas ang pagkaexcite, samantalang yung isang kambal ay nakangiti lamang. yung babaerong manyak, inaantok pa, pero panaka nakang kumikindat sa akin. Si Livia naman, walang pagbabago sa mukha, naka busangot parin. At yung Zack? Ayun, mukhang walang pakialam sa mundo.
Pinaliwanag na ni Maestro ang gagawin namin. Kaya nagtungo na ako sa first destination ko. Ang Breakfast Hall o ang Proino' Hall kung saan makakasama ko si Livia.
"Hoy. Babaeng walang kwenta. Hindi pa tayo tapos. Tandaan mo yan."
Pabulong nitong sambit sa'akin pero hindi ko nalang pinansin.
Eto na siguro ang tunay na parusa. Ang makasama ang babaeng ito.
"Oh. Kayo pala ang tutulong saamin ngayon?" tanong nung babaeng tagapamahala sa Proino'.
Tumango naman kaming dalawa.
"Kung ganon. Simulan nyo sa paglilinis ng table ng mga estudyante." binigyan nya kami ng mga gamit panlinis at umalis na upang magpatuloy sa pagluluto.
"Maglinis kana." utos naman ng katabi ko. Wow. Reyna lang?
Tinignan ko naman sya ng matalim.
"Bakit papalag ka?" nakangise nitong sabi at naupo nalang sa isang table.
Bumuntong hininga nalamang ako para makontrol ang emosyon ko. Pagbigyan. Wala namang mangyayari kung makikipag away pa ako. At alam ko nang hindi ko dapat kalabanin ni isa sa kanila.
Nagsimula na akong maglinis ng mga kalat na iniwan ng mga estudyante.
naririnig ko naman ang mga bulungan ng mga estudyante dito sa Hall.
"Diba sya yung naka away ni Livia kahapon?"
"Oo nga. Ang tapang nya ha! Para kalabanin ang isang Zabat."
"Hindi nyo sya masisisi. Ang pagkakarinig ko bago lang sya dito."
"Ah kaya pala. Wala pa kasing alam."
"Oh well. Wala naman syang laban kay Livia kung sakali. Ang swerte pa nga nya at tinulungan sya ni prince ahsgffk"
Napalingon ako dun sa huling sinabi nung babae. Sino? Sino yung tumulong sa akin?
"Oo nga. Oh my ged.. Kung ganun lang pala. Sana ako nalang yung nakabangga sa kanya.. Kyaaaaaahhh!!!!" impit na sigaw nung isang babae.
BINABASA MO ANG
Mageia Academy: Bring back to Myth
FantasyA Fictional Story with A Touch of History. Dito magbubuklod ang Nakaraan at ang Kasalukuyan. Gusto mo bang makakilala ng iba't ibang nilalang? Madiskubre ang taglay mong kakayahan? Tara, let's begin the journey. Enter to MAGEIA ACADEMY.. Where time...
