"Pakawalan nyo kame!!"
"pagkain!! pagkain!!! pagkain!!"
"Aaaaarrrrgggghhhh!!" daing ng mga taong nakakulong sa mala dungeon na lugar na ito.
Lahat sila ay napatawan ng kaparusahan sa paggawa ng mga hindi kanais-nais na bagay.
Meron sa kanila, mga mamamatay tao, mangungurakot, taga benta ng mga ipinagbabawal na sandata, pakikipag kalakal sa kaaway na bansa ng syudad na ito. Dito, pag hindi kana kailangan, patay ka. Pero pag may impormasyon pang makakalap sayo mabubuhay ka sa impyerno na mas gugustuhin mo nalang mamatay.
Yan ang trabaho namin dati. Kami ang humuhuli sa mga taong ito, kami rin ang nagwawakas ng buhay nila.
Oo. Mamamatay tao ako. Ginagawa ko ito upang maipaghiganti ang kapatid at ang ina ko. Simula ng mapadpad ako dito'y sinanay na nila ako sa mga armas kahit na musmos palamang ako. Pero nung pagbalik ko dito after akong palayasin ng mga kumupkop sa akin ay dun na ako nagsimula sa trabaho.
Minsan naaawa nalang ako sa mga batang nandito. Paglaki nila magiging katulad nila ako. Pero anong masama dun? Lahat ng bata na nasa itaas, lahat sila naulila dahil sa pagpatay ng buong pamilya nila. Pag natikman na nila ang lasa ng paghihiganti ay mahihirapan na silang bumalik.
Nakaharap kami ngayon sa isang pader sa dulo ng mala dungeon na lugar na ito.
"Oh? Akala ko ba pupuntahan natin si master?" pagtatanong ko.
Yumuko lamang si Octavia sa amin bago may abutin na kung ano sa pader, isa iyong nakausling kadena. Maya maya pa ay umangat ang pader at ibinulgar nito ang mas madilim na bahagi ng lugar.
Tumingin ako kay Jace, "Alam mo ba to?" tanong ko na sinagot nya lang ng isang kibit balikat. Geez.
Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang isang bakal na pinto na may mga kakaibang mga simbulo ang nakaukit.
"Master. Nandito napo ang Young Lady at ang Young Master." sabi ni Octavia sapat para marinig sa kabilang bahagi ng pinto.
At nakarinig kami ng isang napakalakas na pagsabog mula sa loob na nagdulot ng konting pagyanig ng lupa.
Bumaling sa amin ang tingin ni Octavia. "Maaari na po kayong pumasok." sabi pa nya.
Nakaramdam naman ako ng marahang pag akyat ng takot at kaba sa katawan ko. Eto na, makikita ko na ang tao sa likod ng lahat ng ito.
Binuksan na ni Octavia ang pintuan. Bawat sigundo ay tila bumabagal sa pag bukas ng pinto.
"Yumuko kayo." nung una hindi namin naintindihan ang sinabi ni Octavia pero nung makita namin kung ano ang paparating agad kaming yumuko..
Nagulat kami. Ang bilis nang pangyayari.
Yung pader sa likod namin ay bahagyang nawasak dahil sa tindi ng apoy na sumalubong sa amin sa pagbukas ng pinto..
Grabhe. Ang lakas nun.
Pumasok kami sa loob. Bawat hakbang na ginagawa ko parang pabigat na pabigat ang pakiramdam.
Nangmakapasok kami, kusang nanginig ang tuhod ko ng biglang magsara ng malakas ang pinto sa likod namin.
Ang dilim.
.
Wala akong makita
.
Kahit sarili ko hindi ko maaninag.
.
Pitch black.
.
.
BINABASA MO ANG
Mageia Academy: Bring back to Myth
Viễn tưởngA Fictional Story with A Touch of History. Dito magbubuklod ang Nakaraan at ang Kasalukuyan. Gusto mo bang makakilala ng iba't ibang nilalang? Madiskubre ang taglay mong kakayahan? Tara, let's begin the journey. Enter to MAGEIA ACADEMY.. Where time...