Chapter 5 - Symbols

6.6K 266 5
                                    

"You're not supposed to be here." cold na sabi nya at nakatingin lamang deretso sa mata ng mga leon.

Tinignan ko naman ang tinitignan nya. Ngayon ko lang napansin, ang mata ng leon, gawa ito sa dalawang pulang pulang Rubi stone. Ang ganda nila. Kamangha mangha.

"Get out of here." muli ay kinilabutan na naman ako sa boses nya. Ano bang meron sa likod ng malaking pintuan na ito ay tila'y hinihila ako paloob? Nandito kaya ang hinahanap ko?

I unconsciously stretch my right hand and try to touch the lions eye, I was fascinated by it's beauty that I forgot the tension I felt earlier. Not until a hand reach for mine and it's enough to remind me of the dangerous creature beside.

Sa ilang ulit ngayong araw ay nakaramdam na naman ako ng kilabot sa buong katawan.

And before I knew it, he was dragging me out of the place. Nang makarecover ako'y nasa isang pasilyo na kami malayo sa lugar na iyon. At ngayo'y nakabalik na ako sa katinuan.

Hinila ko ang braso ko na mahigpit nyang hawak. Geez. Kung manipis lang ang suot ko, panigurado magmamarka ang kamay nya sa braso ko.

"I'm warning you." again with his voice. Kailangan ko ba talagang pigilan ang sarili ko? This people were obviously treating me as a weak stuff. At ayaw ko nang minamaliit ako.

"Should I be scared?!" muntik ko nang takpan ang bibig ko dahil sa pagkagulat. Nasabi ko ba talaga yun??

Lalong nagdilim ang mukha nya. Siguro ay ayaw nyang hindi sya nasusunod.
Geez. Vitus!! Ano ba naman tong pinasok mo?!

.

.

Bigla naman akong nakaramdam ng matinding init sa katawan.. G-ginagamitan nya ako ng ability.
Naalala ko ang sinabi ng kambal sa akin, Zack Nero Titus, element of Ignis.

Oh yeah. The man in front of me is no other than the Silent Prince. And as I thought, he's quite dangerous.

.

Ang init...

.

Hindi ko na kaya kaya napaluhod nalang ako sa harap nya.

.

"I-is that your way to make people obey you?! Oh sh¡t!!" I manage to utter a word and course the hell out of it.

Mas tumindi pa ang init na nararamdaman ko. He can burn me as easy as nuts, pero bakit nya pa pinapatagal?? Gusto nya ba akong pahirapan?

"Once warning is enough, Or else—

Pinutol ko na ang nakakasawang boses nya at tapang tapangang nagsalita, "You're going to kill me, aren't you??!" and in an instant, nawala ang init na nararamdaman ko.

I can't believe. Ano yun biglang nagising?? "I don't kill." matigas at walang emosyon nitong sambit bago tumalikod at tuluyang umalis.

"Damn you."  I murmured. Geez. Ano bang meron sa lalaking yun? He is really a dangerous one. I should be careful with him.

And what's with that door? Parang masyado syang protektado doon? To think na ginamitan nya pa ako ng kakayahan nya para lang balaan? What's with that? What's with this school? Nandun ba ang hinahanap ko? I should know.

Tumingin ako sa daan papunta sa pasilyo kung saan ko nakita ang pinto.
'Mapapasok ko rin yan. But for the meantime, I'll just have to do background check about everything—everyone."

Lalabas pala ng walang galos ha?
Baka nga bago pa ako makalabas patay na ako. tsk.
Hirap na hirap akong tumayo at naglakad. Hindi ko man alam ang patungo dun, alam kong alam ng mga estudyante na makakasalubong ko.

.

.

.

The Great Library.

Kailangan ko munang malaman kung anong meron sa mga simbolong nasa pinto.

Hinanap ko ang mga sibolong nakita ko. Sa kabila ng napakaraming librong hinalungkat ko luckily, I found the four symbols na nasa apat sa pitong sulok ng bituin.

Ang simbolo na may nakatapat na number three— it stands for Mars, Four—Sun, Five—Venus, Six—Mercury.

Kung itatapat naman ito sa mga Dyos, ang Mars stands for Ares the god of war, bloodshed, and violence.
Appolo is the god of sun, knowledge and healing.
Venus for Aphrodite the goddess of love and beauty. And lasty, Mercury for Hermes the god of boundaries, travel and communication.

Pero anong koneksyon nito sa mga Dyos na iyon? At ang tatlo pang simbolo, isa dun ay inukit sa itim na marble. Ito ay yung simbolong nasa pinaka ibaba. Wala ito sa mga libro.

Ano kaya ang mga yon?

Nagresearch na ako ng Nagresearch at wala nang balak bumalik sa klase. Alam kong pangalawang araw ko pa lamang pero kailangan ko itong gawin upang hindi na ako magtagal sa kasuklam suklam na lugar na ito.

Ibinalik ko ang libro sa dating lagayan nito at may balak na sanang umalis dahil nagugutom na ako, hanggang sa may isang libro ang nakatawag pansin sa akin.

Sa lahat nang libro, parang eto lang ang hindi dinadapuan ng alikabok. Alam kong posible namang kakukuha lang nito pero, masyadong malinis para sa posibilidad na iyon.

Kinuha ko ito at sinubukang buksan, pero ayaw, tila ay may baging na nakakawit mula sa harap hanggang sa likod na sa palagay ko'y pampigil sa kung sino man ang magtatankang magbukas nito. Mukhang lumang luma na ang librong ito, may nakaukit din ditong nilalang na may tatlong ulo. Ang Cerberus. The hound of Hades that guarded the entrance to the underworld.

Anong ginagawa ng isang gantong klaseng libro sa lugar na ito?

.

.

Dala narin ng kuryosidad ay lihim kong pinasok sa damit ko ang libro at inusenteng umalis.
Alam ko namang hindi nila ako papayagang ilabas ang librong ito, at baka magduda pa sila sa pakay ko kung ipapaalam kong nakita ko kukunin ko ito.

Dumeretso na ako sa dorm to check out this book..

Habang tumatagal ako sa lugar na ito ay madaming namumuong katanungan sa utak ko, na dapat ay wala akong pakialam.

Isa na dun ang katanungang,

.

.

Anong meron sa librong ito?

Mageia Academy: Bring back to MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon