Chapter 32 - Aquallius

2.3K 71 1
                                        

Namulat ang aking mga mata sa isang napakadilim na paligid. Kahit ang apoy sa harapan ko ay hindi nakakatulong upang maaninag ko ang mga bagay.

"Zhoe..."

Panaginip. Sa puntong ito ay alam ko na.

"Tatiana..." tawag ko sa pangalan nya.

"Tulungan mo kami Zhoe... ayaw nya kaming pakawalan."

"Sino Tatiana?? Sabihin mo sakin, sino ang nagkukulong sa inyo??"

"Ikaw..."

"Ako? Anong sinasabi mo Tatiana?"

"Hindi mo pa ba makuha Aether?" biglang nagbago ang boses nya at naging boses lalaki. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat, ikaw ang dahilan kung bakit sila nagdurusa ngayon. Ikaw ng nagdala sa kanila sa sitwasyong ito. Ikaw ang dahilan ng lahat."

"HINDI !!!"

"IKAW!!!"

"TIGILAN MO AKO, SINO KA BA??"

"IKAW ANG DAHILAN NG LAHAT!!!"

"TUMIGIL KANA!"

"Zhoe!" tuluyan kong naimulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang mukha ni Maxima at Claudius na mistulang nag aalala.

"Si Tatiana?? Asan sya??" Alam kong hindi ko na dapat pa syang hanapin pero hindi ko parin kayang tanggapin na isa na naman sa kanila ang nawala.

"Zhoe." Tinignan ako ni Claus deretso sa mata saka umiling. Wala na akong ibang nagawa kundi ang yumuko at pigilan ang pagluha ko. Tama na Aether, ilang tao na ang iniyakan mo pero ni isa walang nabuhay dahil sa luha mo. "Zhoe kailangan mo nang kumain."

"Iwan nyo muna ako." Nagtinginan ang dalawa saka sila lumabas sa kwartong kinaroroonan ko. Alam kong naaalala na nila ang lahat mula sa kabilang panahon, hindi ko alam kung pano pero wala pa akong pakialam sa ngayon.

Kung sino man sya, baka nga tama sya. Ako ang dahilan ng lahat, ako ang nagdala sa kanila dito, kung hindi dahil sakin ay hindi sila mapapahamak.

Siguro ay panahon na upang gumawa naman ako ng tamang desisyon. Panganib lang ang hatid ko sa lahat, at hindi na makakabuti na manatili pa ako malapit sa kanila.

Kung ako nga ang magliligtas sa kanila, gagawin ko ito mag isa.

-----
Binaybay ko ang kasagsagan ng karagatan tungo sa kaharian ng Hudor or Aquallius kung tawagin nila sa panahong ito.
Agad kong nilisan ang kaharian ng aer at kumontrata ng maaaring mag hatid sa akin sa hiwalay na lupain ng Aquallius, para ito sa mga kaibigan ko upang hindi na sila mapahamak pa dahil hindi ko na hahayaang mawala pa ang isa sa kanila.

Mahirap pero kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa at gawin ito ng mag isa.

Ang ganda ng panahon, tila napakapayapa ng karagatan. Kung sana ay nakikita nila itong lahat panigurado matutuwa ang mga iyon.

Nakarating naman ako ng matiwasay sa aking paroroonan.

Ang kaharian ng Aqaullius ay isang tila isla na nakapaibabaw sa kalagitnaan ng karagatan. Malalaking pader ang nakaharang dito at dalawang malaking tarangkahan ang nasa harap ko ngayon.

Agad naman akong nakapasok dahil hindi naman sila nagduda sa itsura ko dahil mukha naman akong matino, kahit paano.
Pagpasok ko ay isang pamilihan agad ang bumungad sa akin. Masikip at maingay. Hindi tulad ng inaasahan ko, mukhang dumadaan sa kahirapan ang kaharian na ito.

Mageia Academy: Bring back to MythMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon