"Back to being a bitch." Umirap nalang ako sa hangin habang pinagmamasdan si Livia na kinakausap o mas tamang sabihing, nilalandi yung lalaking nakasalubong namin, upang malaman kung saan ang Ignis Dungeon.
Ignis Dungeon ang tawag sa kaharian ng ignis dahil nagmistulan na itong kulungan para sa mga mamamayan nito. Walang sino man ang basta basta nakakalabas o nakakapasok dito. Mahigpit sila sa pagpapatupad ng batas at minsan ay hindi patas sa pagpapatw ng parusa. Sakim ang mga tao sa lugar na iyon, kaya nararapat lamang na mag ingat kami.
"Sa kabilang bundok ay may madadaanan tayong lawa at paglampas ng lawang iyon ay isang desyerto na maghahatid satin tungo sa kulungan na iyon." Sambit ni Livia matapos nyang kausapin ang lalaki.
"Minsan pala ay may pakinabang din ang pagiging bitch mo." Hindi ko mapigilang mapangise nang tumingin ito saakin ng masama.
"I'M NOT A BITCH!" tinaasan ko sya ng kilay as if mocking her to what she've said. "Sort of." Pag aamin nya sa huli. What the heck with this gal.
"Ano pang tinatayo natin? Simulan na natin at baka abutan pa tayo ng dilim." Nakakuha na kami ng mga gamit mula sa bayan ng Aquallius. Tubig at pagkain na kakailanganin namin, damit at kung ano ano pang matatagpuan sa mga sinaunang tindahan.
Bago mag takip silim ay agad naman kaming nakarating sa lawang sinasabi ni Livia. Napakaganda ng tanawin dito dahil nagrereflect ang palubog na araw sa lawa.
Napagpasyahan naming dito na magpalipas ng gabi at simulan ang paglalakbay sa umaga.
"Napakaganda diba?" Tanong ni Livia habang ibinababa ang mga gamit nya.
"Napakapayapa." Hindi ko napigilang mapapikit at damhin ang hangin na dumadampi sa akin.
Ngunit sa pag mulat ko ay hindi ko inaasahang nakatingin pala sa akin si Livia. Seryoso ito at halatang ang lalim ng iniisip.
"Alam mo Zhoe..." kinabahan ako sa tono ng boses nya. "Napansin kong hindi ko pa nakikitang ginagamit mo ang kapangyarihan mo?" Hindi pa nga pala nila alam na wala akong kapangyarihan.
Muli kong ibinaling ang aking tingin sa lawa sa harap namin. "Wala akong kapangyarihan."
Mukhang hindi na ito nagulat sa sinabi ko. Wala akong narinig na reaksyon mula sa kanya ng mga ilang minuto. Ngunit ng lumingon ako sa kanya ay agad din nyang pagtayo.
"Ilalabas natin ang kapangyarihan mo." Seryoso nitong sabi habang nasa harap ko sya. Ang pagtakip ng kanyang pigura sa sinag ng araw ay nagpadagdag ng kaseryosohan sa senaryong ito.
"Paano mo gagawin iyon?" Malaki ang pagtataka ko at hindi paniniwala sa sinasabi nya, dahil walang mailalabas na kapangyarihan sa akin, pero maliit na parte sa loob ko ang umaasa na meron sana akong naitatagong kapangyarihan ng sagayon ay kaya kong protektahan ang mga kaibigan ko.
"Tinuro ito saakin dati ni tita Decima bago ito mamatay. Sabi nya, isang beses ko lamang ito magagawa kaya't piliin kong mabuti kung sino ang mapag aalayan ko ng kakayahang ito." Nabahiran ng lungkot ang mga mata nya sa pag alala sa ina ni Tatius. Ngayong naalala ko? Nasaan kaya sya ngayon? Maayos kaya ang lagay nya?
Hindi na ako tumanggi pa kay Livia at agad na humarap sa lawa. Tinitigan ko ang sarili kong repleksyon, habang palibog ng palibog ang araw ay tila kinakain ako ng dilim. Nakaramdam ako ng lamig sa buong katawan, tila ay binabalot ako sa force ng tubig. Duon ko namalayang kumikilos na si Livia.
Dahan dahan akong binuhat ng tubig sa gitna ng lawa. At duon ay nakaramdam na ako ng pag bigat ng aking talukap. At hindi ko namalayang nakatulog na ako.
Sa pag mulat ng aking mata ay isang pamilyar na lugar ang nadatnan ko.
"Prinsesa." Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang Reyna ng mga Amazona na derektang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Mageia Academy: Bring back to Myth
FantasyA Fictional Story with A Touch of History. Dito magbubuklod ang Nakaraan at ang Kasalukuyan. Gusto mo bang makakilala ng iba't ibang nilalang? Madiskubre ang taglay mong kakayahan? Tara, let's begin the journey. Enter to MAGEIA ACADEMY.. Where time...
