Chapter 28
"Pakawalan nyo kami!" sigaw ni Petronia matapos syang halos ihampas ng isang kawal sa napakataas na pader ng kastilyong pinagdalhan sa amin.
"Wag nyong saktan ang kapatid ko!" wala akong magawa dahil hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung paano naging ganto ang takbo ng lahat.
Hindi ako nagkakamali, bumalik ako sa nakaraan at ang mga kasama ko, tila nagging ibang tao sila. O siguro ay ito sila bago ko pa sila makilala.
"Iharap sila sa hari at reyna." Utos ng namumuno sa mga kawal. Maxima.
"Kelan ba matatapos ang lahat?" pabulong kong tanong sa aking sarili.
"May sinasabi ka ba binibini?" tanong ni Maxima.
"Don't mind me." Hindi na lamang ako nito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Kinaladkad nila kami habang nakakadena at tila mga presong may malaking sala na nagawa. Dinala nila kami sa isang napakalaking silid na sa dulo ay may dalawang trono ang nakatayo.
Pinilit kaming paluhudin sa harap ng dalawang trono sa harap ng isang lalaking hindi pamilyar sa akin. Sa palagay ko ito ang tinuturing na hari ng kanilang bansa. Nakaharap ko na ang mga Dyos ng Olympus ngunit bakit sa hari na ito ay tila kinakabahan ako?
"Mahal na hari, sila ang mga taksil na gumamit ng kanilang kapangyarihan sa kabila ng pagbabawal ng bansang ito ng paggamit ng kahit ano mang abilidad na may kinalaman sa kanilang kapangyarihan." May paggalang na ulat ni Maxima. Nagkakamali sila kung inaakala nilang gumamit ako ng kapangyarihan ng Terra dahil kahit isa akonng anak ng kadiliman, ni hindi ko alam kung may kapangyarihan ba ako o ano.
"Paparating ang mahal na reyna. Lahat ay magbigay galang." Lahat ng kawal sa loob ng silid ay nagsitunguhan bilang tanda ng kanilang paggalang.
Sa isang dako ng silid ay may isang magandang babae ang pumasok. Nakasuot ito ng isang magarang damit na nagpapatanda na isa syang ginagalang na tao. Hindi ko syqa nakilala nunng una ngunit ng umupo ito sa tabi ng hari ay duon ko lamang sya natitigan ng maayos. Duon ko lang napagtanto kung sino ito.
"Petronia-aaaww!" naramdaman ko ang pagtarak ng isang matulis na kutsilyo sa aking balikat ng banggitin ko ang pangalan ng babaeng nasa aking harapan.
"Wala kang galang sa reyna." Sigaw ni Maxima at nuon ko lang napagtanto na tinarakan ako nito ng isang matulis na kutsilyo sa aking balikat.
"Shit! What's your problem?" tanong ko dito.
"Isa kang lapastangan upang tawagin ang reyna sa kanyang pangalan!" sigaw nito at pinagsisipa ako sa harap ng trono. Napadapa ako sa sahig at halos ingudngod ako nito sa sahig. Ang magkapatid na Stavros ay nakatingin lmang sa akin, ang lalaking nagpapakita ng awa at ang babaeng hindi maitago ang takot.
"Itigil mo iyan aking kapatid!" utos ng reyna na kilala ko bilang Petronia Daisy Floros ang makulit at isip bata na kapatid ni Maxima Rose Floros na sumugat sa aking balikat. Pero pinipilit kong itago ang kirot na dulot ng hiwa, kelan ba ako masasanay sa sakit?
"Ngunit mahal na reyna-" angil ni Maxima ngunit hindi nito ito pinakinggan.
Lumapit si Petronia sa aking pwesto at tinulungan akong tumayo, kahit hirap ay piinilit ko, kinaya ko. "Kumuha kayo ng gamot at inyong gamutin ng sugatan nyang braso." Nagmadali namang sumunod ang ilang kawal sa kanyang utos.
"Aking reyna." Narinig ko ang malalim na boses ng kanina pa tahimmik na Hari sa kanyang trono.
"Aking Hari, ipagpaumanhin mo ang aking kapangahasan ngunit ang iyong itinalagang babaylan ay may silnabi sa akin bago ako magpunta sa silid na ito."
![](https://img.wattpad.com/cover/40019521-288-k344466.jpg)
BINABASA MO ANG
Mageia Academy: Bring back to Myth
FantasiaA Fictional Story with A Touch of History. Dito magbubuklod ang Nakaraan at ang Kasalukuyan. Gusto mo bang makakilala ng iba't ibang nilalang? Madiskubre ang taglay mong kakayahan? Tara, let's begin the journey. Enter to MAGEIA ACADEMY.. Where time...