Chapter 31 - Another Death

3.6K 111 8
                                        

"Ito na ang pinakahinihintay ng lahat. Ang taunang paligsahan nang mga kababaihan kung saan makikipaglaban sila para mabuhay at ang mananalo ay may chansa na mapangasawa ang prinsipe Argyris!" rinig na rinig sa kwartong kinalalagyan namin ang hiyawan ng mga tao sa labas ng arena.

Sa kwartong ito nila kami dinala, kasama ang mga babaeng nakasuot nang baluti. Kami naman ni Tatian ay binigyan lamang nila ng magandang damit at armas. Hindi patas ang laban na ito dahil ang iba ay nakapaghanda samantalang kami ay napadpad lamang sa sitwasyong ito.

"Lumabas na ang mga unang sasalang sa labas." At nagsitayuan na ang tatlong babae na may malalaking katawan. At paglabas nila ay lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao.

Siyam na babae ang napilig lumaban sa paligsahan na ito at kasama kami sa bilang ng mga malas na babae. At masasabi kong malas ang napuntahan kong grupo, kasama namin ni Tatiana sa grupo ang isang babaeng mukhang mahinhin. Kung ang kasama kong Tatiana ngayon ay ang Tatianang una kong nakilala nuon, I hate to say this pero wala na talaga kaming pag asa.

Tumingin ako kay Tatiana, sa porma nya ngayon parang hindi manlang sya nangangamba. "Igaganti ko sya. Babangon ako para sa kanya." mahina nitong pahayag ng hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya at malalim ang iniisip.

Siguro kung may pagkakapareho kami ni Tatiana sa panahong ito? Siguro yun ay pareho kaming may ipinaglalaban. Ang pinagkaiba lang ay alam nya kung ano ang yon para sa kanya, samantalang ako, wala akong ideya kung bakit ba nagpapatuloy pa ako at kung may saysay baa ng lahat ng ito. Basta ang alam ko lang, kailangan kong lumaban at mabuhay.

"Lumabas na ang susunod na grupo." Wala pang ilang minuto ay tinawag na nila ang susunod na grupong lalaban.

Oo tama, ganun lang kadali magwakas ang mga buhay ng mga babaeng sumasabak sa isang Battle Arena. Ganun kadali nagtapos ang mga istorya nila.
Pero ako, hanggat nakaupo pa ako sa upuan ito ay may pag asa pa. yun ay kunng pipiliin kong tumakbo at takasan nalang ang lahat ng ito.

Gustong gusto ko nang sumuko pero meron sa loob ko na nagsasabing hindi pwede at kailangan kong magpatuloy kung hindi malaki ang mawawala hindi lang sa akin kundi pati sa lahat.

At tila napakadali ng mga minuto. Bawat bangkay ng mga babaeng pinapasok nila sa kwarto ay nakakapagbigay pangamba sa amin. At gaya ng inaasahan ko, sandali lamang ay kami na ang tinawag.

Hindi man namin gusto pero wala na kaming ibang pagpipilian. Nandito kami upang lumaban at wala na kaming ibang mapupuntahan kundi ang tadhanang ito.

Bago pa man kami makalabas ng kwarto ay may isang babaeng nakataklob ng belo sa kanyang ulo ang lumapit sa akin. "Totoo bang ikaw ang magliligtas sa amin?" tanong nito. Hindi ako nakasagot agad dahil maging ako hindi ko alam ang kasagutan.

"Sabihin mo, ikaw ba ang Aether?" nagulat ako sa sinabi nito. Ako? ang ano? "Kung ganun ay poprotektahan kita." Huli nitong sambit bago ako hilahinn ni Tatiana upang sumabak sa arena.

"Ang huling grupo, labas na." tawag sa amin ngunit hindi ko agad ito narinig dahil iniisip ko parin ang sinabi nung babae.

Aether? Kung ako daw ang Aether ay poprotektahan nya ako? pero ako si Aether, panagalan ko lamang iyon ngunit anong kahulugan nito sa kanila?

At kung ako man ang magliligtas sa kanila bakit nya pa ako kailangang protektahan?

Lumabas kami sa arena at halos mabingi kami sa lakas ng sigawan ng mga tao. Kanya kanyang komento at bulungan.

Inaamin ko, kinakabahan ako sobra. Pero sa pagkakataong ito, gustuhin ko man ay hindi ko na magagawang tumakas.

"Nangyon ay ilabas na ang kanilang makakaharap." Sabi ng nagmimistulang announcer ng laban. "Ang Hydra."

Mageia Academy: Bring back to MythMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon