Chapter 8 - Hyperborea

5.9K 241 0
                                    

Parang ang bagal ng oras.

Halos tatlong araw palang ako sa eskwelahang iyon ang dami na agad nangyari, marami rin akong natuklasan, mga katanungang hindi ko alam kung may kasagutan ba.

Mga gulong pinasok ko, tulad nalang
Nung Pangengealam ko sa gulong ginawa ni Livia, pagkakapadpad ko sa pasilyong iyon, sa pagkakatuklas ko sa libro ng Cerberus, yung mapasama ako sa misyong ito, at ngayon naman, nandito ako sa Hyperborea para maghanap ng kwintas.

Geez. Hindi pa pala ako nakakapagreport. Katakot na sermon aabutin ko nagkita kami. Tsk.

"Tara guys. Magtanong tanong tayo." suhestyon ni Claud.

"Anong itatanong natin? Saan nakatira yung anak ni Erebus? Mag isip ka nga Claud. Malamang ay hindi nila alam yun. Tsk." inis na komento naman ni Livia. Etong babaeng to talaga ang hilig komontra.

"eh anong gagawin natin? Sige nga? Mag isip ka nga?" iritadong tugon naman ni Claud. Mukhang may namumuong tension na sa kanilang dalawa.

"Pwede nating itanong kung may pamilyang Aurelius dito.." pagsingit ni Tatius.

"Oo tama. Ang alam ko, isang Stavros ang nagpaanak sa babaeng nagdadala ng anak ni Erebus. Kaya iyong apilyido narin ang ginamit ng bata." pagpapaliwanag naman ni Tatiana. Gaya nga ng sabi ng kambal, matalino sya.

"Osige. Maghiwa hiwalay muna tayo upang makapagtanong sa mga bahay bahay." suhestyon muli ni Claud.

Si Livia, ayun dumikit na naman sa dark prince nya. Si Claud naman, hinigit agad si Maxima. Sasama sana ako kay Petronia kaya lang,

"Ahh. Terrence.. Sama ako sayoooo." ngiting ngiting aya ni Petronia kay Tatius. Haaay nako naman. Ano nga bang aasahan ko kay Petronia. Geez.

"Sige. Tara dun tayo." nakangiti namang pag payag ni Tatius.

"S-so.. A-ah. Z-zhoe.. T-tayo n-nalang magkasama?" nakayuko at nahihiyang pag aaya naman ni Tatiana. Nauutal pa sya. Bakit kaya?

"Sige, pero, bakit ka nahihiya ha Tatiana?" may halong pagtatakang tanong ko.

Bigla naman itong nagtaas nang tingin at tinignan ako na para bang may nasabi akong kamangha mangha. Problema nito?? "B-bakit?"

"T-tinawag mo kong Tatiana.." mangha parin nitong sabi.

"oh? Yun naman pangalan mo diba?" naguguluhan na ako sa babaeng ito. Naaalala ko sa kanya si---

"Mga kaibigan ko lang ang tumatawag sakin nun."

"A-ahh. So, gusto mo tawagin nalang kitang Amber?" sorry naman. Malay ko ba diba??

"H-hindi.." yumoko itong muli at parang nahihiyang sabihin ang ang gusto nya. "G-gusto kong maging kaibigan ka. K-Kung pwede lang naman!!"

E-Eeeh??
"Hahaha. Bakit naman hindi. Yun lang pala. Kinabahan naman ako sayo Tatiana.. Hahah." tawa ko nalang dito.
Grabhe. Parehong pareho talaga sila. Sana nandito din si Jace, namimiss ko na yung mokong na yun.

Napangiti nalang ako sa naalala ko at sa senaryong ito ngayon.
"Talagaa?? Waaaaahhhh .. Salaamaaaatt.." sigaw nito at saka yumakap sa akin.

"Hahaha.. Sige na. tara na? Gusto ko ring libutin ang lugar na ito eh."
At naglakad na nga kami.

Ang ganda sa lugar na ito. Malalago ang mga halaman, matitibay ang mga puno.
May dalawang bundok din na pinaiibabawan ng araw. Ang gandang tanawin.

Nagtanong tanong narin kami. Halos lahat walang kilala sa pamilyang hinahanap namin, maliban sa isang bahay sa dulo ng bayan.

*tok* *tok* *tok* *tok*
Agad naman itong bumukas at bumungad sa'amin ang isang uugod ugod na matanda.

Mageia Academy: Bring back to MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon