Chapter 15 - Her Servant

5.6K 193 6
                                    

"Okay lang ba sya? Bakit hindi parin sya gumigising?"

"Magiging okay din sya."

"Nag aalala na ako."

Nagising ako sa mga boses na naririnig ko sa paligid.

"Uhh. Ano ba. Ang ingay nyo. Tss." I murmured.

"Oh my God Zhoe!! Gising kana!!"
Boses ni Maxima.

"Zhoeeeeeee!!!" sigaw nung dalawang baliw at sabay na dumamba sa higaan ko.

"Ano ba!! Ang ingay nyo!! Natutulog yung tao eh!!" reklamo ko. Ang iingay nila kainis! Pagod ako tapos gaganyanin nila ako. Geez.

"Hoy bruha ka!! Isang linggo kanang natutulog. Tama na yun!"

"Pwede ba Max. Magbiro kana sa lasing wag lang sa hindi pa nagigising." sabay taklob ng unan sa ulo ko.

"Aether!! Hindi nagbibiro si Rose. Kaya bumangon kana jan!" what?? Seryoso ba si Jace?

Napabangon ako ng wala sa oras kaya,

*booogsshh*

"Araaaay!!" parehas naming sigaw ni Jace. Hindi ko naman kasi alam na nakatapat pala ang mukha nya sa mukha ko. Geez.

"Ano ba. Ang sakit ha. At ano na naman bang ginagawa nyo sa kwarto ko?"

"Eeh dinadalaw ka lang namim Zhoeee!! Ang tagal mo kasing tulog eeeh!!"

"Seryoso ba yan Tatiana?" what? That's impossible.

"Oo Zhoe. Almost one week ka nang unconscious. Dinala ka na namin sa healers pero wala silang makitang mali sayo. Maging ang mga maestro walang makitang magikos na ginamit para makatulog ka ng ganyan." pagpapaliwanag ni Tatius. Ow so, mukhang kailangan ko nang maniwala, pero

"Pero, kanina lang gising ako.."
Oo tama, gising ako. Nakausap ko pa nga yung lalaki.

"Aether... Aether... Gising na. Marami nang nag aalala sayo.." naalimpungatan ako dahil sa isang malambing na boses ng isang lalaki ang tumatawag sa akin.

Marahan kong binuksan ang aking mga mata at tumambad sa akin ang hindi pamilyar na mukha ng isang lalaki.

"S-sino ka?" I murmured.

"I am nothing, ... for now." what does he mean?

"What do you mean?" tanong ko.

Hinaplos haplos nya ang pisngi ko. Ewan ko pero hinayaan ko lang sya. I feel safe, cared, needed, and loved?

"Gumising kana. Marami nang naghihintay sayo." nakangiti nitong saad at muling nagpatuloy, "dito na mag sisimula ang lahat." ang huli kong narinig bago ako muling lamunin ng antok at tuluyang nakatulog.

Panaginip lang kaya yun?

"Anong pinagsasabi mo babe? Kanina pa kami nakabantay sayo. Grabhe haba ng tulog mo ha. Akala ko mawawalan na ng sexy sa lugar nato. Tsk. Araaaaaaaayyy!!" piningot lang naman po sya ni Maxima. Napatawa nalang ako..

"Aetius. Totoo ba?" seryoso kong tanong kay Jace. Tumango lamang ito at seryoso ang mukha.

"Si Zack ang kasama mo nung mga oras na yon." and in just a snap, nagbalik sa'akin lahat ng nangyari nung gabing iyon.

Napayuko nalang ako dahil pakiramdam ko. Namumula na ako.

Sandali..

Ang kwintas ko..

Oo tama.

.

.

Hinanap ko agad ang kwintas ko and luckily, nakakabit parin ito sa akin.

Mageia Academy: Bring back to MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon