APAT na oras na kaming bumibiyahe. Nakatulog ako at nang magising ay nakahilig na ang ulo ni Winona sa balikat ko. Sinalo ko ang kanyang mukha dahil sa tuwing pumipreno ang bus ay nahuhulog ang ulo niya mula sa balikat ko.
Maluwag na ang bus, marami na ang bumaba. Hindi ko alam kung saan kami bababa. Maya-maya'y nagising na si Winona at tumingin sa bintana. "Ortigas na pala. Tara, bababa na tayo!" sabi niya. "Kuya, sandali lang ho! Bababa kami!"
Kinuha ko ang backpack niya na nasa itaas ng aming upuan at ako na ang nagbitbit noon. Nauna na siyang bumaba. Pagkababa namin ay naglakad pa kami mula sa tapat ng Robinson papuntang footbridge.
"Saan ka ba, Nona?"
"Las Piñas."
"Ang layo mo pa pala. Doon ka nagtatrabaho?"
"Oo, doon ako nadestino eh. Ikaw ba?"
"Sa Taguig."
"Ah, eh 'di maghihiwalay na pala tayo pagdating sa Bicutan? Kasi pa-Alabang pa 'ko eh."
Nag-aalangan akong tumango. "Ahhh... Nona, okay lang bang sumama na lang ulit sa'yo?"
Natawa siya sa sinabi ko. "Hindi ka pupuwede dun eh. Bed spacer lang ako."
"Ano ba 'yung bed spacer?"
Natawa siya. "Bed spacer! 'Yung marami kang kasama sa kuwarto. May kanya-kanya lang kayong higaan."
"Oh? May ganoon pala? Puro babae naman kasama mo?"
"Oo naman. Female dorm kasi iyon."
"Ah... okay."
"Yayamanin ka kasi kaya hindi mo alam 'yun eh," natatawang sabi niya.
"Yayamanin?"
"Rich! Ano ba 'yan?"
"Sorry. May pagka-ignorante kasi ako," natatawang sabi ko at saka napabuntong-hininga. "Kinakabahan ako."
"Bakit?"
"Hindi ko alam kung ano'ng mas nakakatakot. 'Yung madatnan si Claire sa bahay o 'yung madatnan ang bahay na wala na si Claire."
"Kaya ba gusto mong sumama sa'kin para makaiwas?"
Hindi ako sumagot.
"Bakit ka naman matatakot harapin siya? Hindi ba dapat siya nga ang makaramdam niyan kasi siya ang nanloko?"
"Hindi ko alam ang gagawin kapag nakita siya. Baka lahat ng sinabi mo sa'kin malimutan ko lang at bumalik na naman ako sa pagpapakatanga."
"Teka nga... Wala pa ba kayong formal closure?"
Umiling ako. "Noong umalis ako, nandoon pa rin siya sa apartment ko. She didn't packed her things. She acts as if nothing happened. I don't know what's in her mind kaya ako na lang ang umalis. Hindi ko rin naman magawang palayasin siya dahil alam kong wala siyang mapupuntahan. Nasa probinsiya ang mga magulang niya. You know what... I don't know why I still care despite of what she did to me."
"Mahal mo pa nga siya."
"Siguro nga mahal ko pa siya. Pero gusto ko nang kalimutan ang pagmamahal na iyon."
Natigil ang pag-uusap namin nang makarating kami sa footbridge at umakyat doon. Bumaba kami sa sakayan ng bus pa-South.
"Don't you believe in second chances?" tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Kapag minsan mo nang nagawa, magagawa mo pa ulit. Siya mismo ang nagsabi sa akin niyan. 'Yung ginawa niya sa akin, sobrang sakit. Para akong kumain ng paborito kong isda. I was enjoying its taste... its goodness, but all of a sudden, natinik ako. Nawala ang focus ko sa sarap ng isdang kinakain kundi ay natuon na lang sa sakit na nararamdaman ko nang dahil sa tinik."
BINABASA MO ANG
The Policewoman
General FictionMaraming beses nang nabigo sa pag-ibig si Rogin. Kaya't nang lokohin ng huling naging kasintahan ay pinagtangkaan niyang kitilin ang sariling buhay. Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon, nakilala niya ang isang dalagang nagbigay ng panibagong pag-as...