Epilogue

8.8K 237 113
                                    

NARAMDAMAN ko ang paghawak ng maliliit na kamay sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nasilayan ang mukha ng apat na taong gulang na batang babae. Suot niya'y kulay rosas na bestida. Sa kanyang mata'y nakikita ko ang sarili.

"Daddy," sabi nito at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "Natutulog ka po?"

Ngumiti ako at umiling.

Kumandong siya sa akin. "Daddy, sabihin mo po kay mommy bilisan niya po. Kasi po. . . it's getting late na, e."

Natawa ako sa sinabi niya. It's getting late, madalas niyang marinig sa akin ang mga katagang ito kapag pinapatulog siya o pinagmamadali sa pag-kain.

"Bakit? Ano pa ba'ng ginagawa ni mommy?" tanong ko.

"Nagbibihis po. Paulit-ulit bihis," nakakunot ang noong sagot nito.

"Halika, puntahan natin si mommy," sabi ko at binuhat siya. Nagtungo kami sa kuwarto. Doo'y nakita ko na abalang pinagmamasdan ng aking mahal na asawang si Claire ang sarili sa harap ng salamin, suot ang isang pulang bestida na hapit na hapit sa kanyang katawan.

"Hon, are you done?" tanong ko.

Humarap siya, nakasimangot. "Lahat ng damit ko hindi na kasya sa'kin. I'm getting fat."

"No, mommy. You're not fat po. You're sexy," sabi ng anak namin.

Nagkatinginan kami ni Claire at sabay na natawa. Nagkibit-balikat ako. "Well, kids don't lie!"

Muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin. Lumapit ako sa kanya at mula sa likod ay niyapos siya. Sinalubong ko ang tingin niya sa salamin. "Hon, hindi mo naman kailangang maging super slim. Sabi nga nila, chubby is the new sexy. Besides, kahit maging sobrang taba ka, hindi kita ipagpapalit. But of course, I don't want you to get so fat. That's unhealthy."

Ngumiti siya at humarap sa amin. "Thank you, honey!"

"Group hug!" sigaw ng aming anak na nakataas pa ang dalawang kamay. Sabay-sabay naming ikinulong ang isa't isa sa aming mga bisig. Ang sarap sa pakiramdam magkaroon ng buo at masayang pamilya.

***

NAGSIMBA kami sa Baclaran Church at pagkatapos ay dumiretso na sa Mall of Asia upang doon kumain at mamasyal. Namili kami ng mga gamit sa bahay at naisipan na rin naming bumili ng mga bagong damit.

Habang abalang nagpapabalik-balik sa fitting room si Claire ay nilibang ko naman ang sarili sa pagbabasa ng magasin. Ang anak nami'y nasa tabi ko lamang, naglalaro ng manikang binili namin sa Baclaran kanina. Paminsan-minsan ay hinihingi ni Claire ang opinyon ko tungkol sa damit na sinusukat niya.

Maya-maya'y napansin kong wala na ang aming anak sa tabi ko. Tumayo ako at kumatok sa fitting room. "Hon, nandiyan si Onay?"

"Ha? Kasama mo, 'di ba?" tugon nito.

Kinabahan akong bigla.

"Miss, napansin mo ba 'yong anak kong umalis?" tanong ko sa saleslady.

"Hindi ko po napansin, sir."

Dali-dali akong lumabas ng store.

"Hon, bakit?" narinig kong sigaw ni Claire. Hindi ko na iyon pinansin at dali-dali lamang naglakad. Bawat masalubong ko ay tinatanong ko kung may napansing batang babae na nakakulay rosas na bestida subalit lahat sila'y wala raw napansin.

Nagpalinga-linga ako at paglingon ko sa kaliwa ay natanaw ko, sa 'di kalayuan, ang isang batang babae na may hinahabol na isang dalaga. Nakatalikod man ito sa akin ay nakasisiguro akong ito na ang anak ko.

Nakita kong hinila ng anak ko ang laylayan ng damit ng dalaga. Napalingon ang dalaga at naupo upang pumantay sa liit ng anak ko. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila. Nakita kong inabot ng anak ko sa dalaga ang isang coin purse.

"Thank you!" narinig kong sabi ng dalaga at kinuha ang coin purse na iniaabot ng anak ko. "Ang bait mo namang bata. Kaso. . . bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang mommy at daddy mo?"

"Onay!" tawag ko.

Napalingon ang anak ko. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin at agad naman siyang tumalima. Paglapit niya'y binuhat ko siya. "Bakit bigla-bigla kang umaalis sa tabi ko? Hindi mo ba alam sobrang nag-alala si daddy? Huwag mo nang uulitin 'yun, ha?"

Hinawakan ako sa pisngi ng anak ko. "Sorry po, daddy. Huwag ka nang magalit," malambing niyang saad at niyapos ako. Napangiti ako sa sinabi niya. Parehong-pareho sila ng mommy niya na magaling maglambing.

"Anak mo?"

Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na tinig nang dalaga at nagulat nang makita ang nakangiting mukha nito. "M-mansanas?"

Ngumiti siya. "Kumusta, unggoy?"

Natawa ako.

"Siya na pala ang baby mo? Ang laki na," sabi niya at lumapit sa amin. Tumingin siya sa anak ko na noo'y napalingon din sa kanya. "What's your name, baby?"

"Same as yours. . ." sagot ko, "Winona!"

Napatingin siya sa akin at ngumiti.

Ngumiti rin ako.

"By the way, where's Claire?"

"Oh, Claire? She's in the--" paglingon ko upang ituro kung nasaan ito ay nakita ko na itong humahangos papunta sa amin. "Oh! There she is!"

Nakangiting sinalubong ni Winona si Claire. Sandali silang nag-usap. Hindi ko na narinig ang mga pinag-usapan nila at pagkatapos ay lumapit na sila sa amin. Pareho silang nakangiti.

"Sorry!" sabi ni Winona. "Na-excite lang akong makilala ang misis mo kaya medyo napadaldal."

Lumapit sa akin si Claire. Inakbayan ko siya. "So, ngayong kilala niyo na ang isa't isa, let's have dinner together!"

Magiliw siyang ngumiti. "Gusto ko sana pero. . ." Inangat niya ang supot na naglalaman ng kanyang mga pinamili. "Bumili na kasi ako ng lulutuin para sa hapunan. Kung gusto niyo, sa bahay na lang din kayo mag-dinner?"

Sumulyap ako kay Claire at nang tumango siya, muli kong ibinalik ang tingin kay Winona. "Sure!"

"Great!" nakangiting sabi ni Winona. "Para naman. . . makilala niyo rin ang husband ko."

"Kasal ka na?" tanong ko.

Ipinakita niya ang gintong singsing sa daliri niya at tumango. "Just got married. . . last month!"

"So. . . sino naman ang masuwerteng lalaki?" nakangiting tanong ko.

"Si Robert."

"Robert?"

"Santiago," nakangiting sagot niya. "Kilala mo siya!"

~*~

Author's Note:

*virtual hug*

Sorry for making you cry or even disappointed sa ending. Actually, this story is just an introduction about Winona's life as a policewoman. If you want more and if you're looking for a happy ending, feel free to read Policewoman: Book II.

Thank you! 😘

The PolicewomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon