"NONA, sandali!" sigaw ko nang matanaw siya sa labas ng restawran. Hindi siya lumingon. Mabilis siyang naglalakad at ang mga mata'y nakapako lamang sa nilalakaran.
"Nona!" Mas binilisan ko pa ang lakad upang maabutan siya. Nang malapit na ako ay hinawakan ko siya sa balikat. "Ano ba'ng problema?"
Tinabig niya ang kamay ko. "Iwan mo muna ako, Gin. Gusto ko munang mapag-isa."
"Umiiyak ka ba?" tanong ko at kinabig siyang paharap sa akin. Itinago niya ang kanyang mukha. Hinawakan ko ang baba niya upang silayan ang kanyang mukha subalit muli niya lamang tinabig ang kamay ko.
"Gin, please. Iwan mo muna ako."
"Paano kita iiwan kung nagkakaganyan ka nang hindi ko alam ang dahilan? Nona, magkaibigan tayo, 'di ba? At ang magkaibigan, nagdadamayan."
Nanatili lamang siyang nakayuko.
"Puwede mo naman akong gawing human tissue, Nona. Iiyak mo lang lahat sa akin. Sabihin mo lahat, makikinig ako."
Walang sabi-sabi ay yumakap siya sa akin nang mahigpit. Tumugon ako sa yakap niya at hinalikan siya sa ulo habang hinahaplos siya sa likod. "It's okay to cry, Nona."
Maya-maya'y narinig ko na ang mga hikbi niya habang nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito, Gin. Nang makita ko ang lalaking iyon, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Hindi kaya... siya na ang tunay kong ama?"
"Pero ibang pangalan ang binanggit niya."
Umiling siya. "Ang pangalan na iyon, para bang nagpapaalala sa akin ng pangyayari sa buhay ko na nalimot na sa haba ng panahon. Gustuhin ko mang maalala ng buo, hindi ko magawa. It's vague."
"Tell me, ano ang naalala mo?"
"Naaalala ko noong bata pa ako, may isang lalaki na tinatawag ako sa pangalang iyon. At kapag narinig ko iyon, tuwang-tuwa akong tatakbo palapit sa kanya. Nakabukas ang mga bisig niya at hinihintay ang paglapit ko. Ikukulong niya ako sa mga bisig na iyon at bubuhatin. Nakangiti siya habang pinakikinggan ang kuwento ko tungkol sa laruang hawak."
"Natatandaan mo ba ang itsura ng lalaki sa alaala mo?"
Umiling siya.
"Sa tingin mo ba'y siya rin ang taong iyon?"
"Hindi ko alam, Gin. Ayaw kong mag-assume."
"Kung gusto mong maliwanagan, bakit hindi tayo bumalik sa restawran at kausapin 'yung lalaki? Baka sakaling naroon pa siya?"
Seryoso siyang napatingin sa akin at umiling. "Natatakot ako, Gin. Paano kung siya nga ang tunay kong ama?"
"Hindi ka pa ba handang kilalanin ang tunay mong ama?"
"Natatakot akong masaktan sa malalaman ko."
"Wala kang dapat katakutan sa katotohanan, Nona. Dahil kahit ano'ng gawin mo, hindi mo na mababago ito. Pipiliin mo na lang bang maging mangmang sa katotohanan dahil lang natatakot kang masaktan?"
"What you don't know won't hurt you," mahinahon niyang saad.
"Sorry to say this but... what you don't know makes you stupid."
Inis siyang napatingin sa akin at lumakad nang palayo.
"Oh c'mon, Nona! Why don't you just give it a shot?" saad ko habang sinusundan siya. "There's nothing to lose."
"Don't tell me how I would live my life, Gin."
"Yan! 'Yan ang mahirap sa iyo eh. Masyado kang ma-pride. Gusto mong ipakita sa mundo na kaya mo, na malakas ka, kahit ang totoo'y nasasaktan ka na. Ang hirap mong intindihin dahil ikaw mismo, pinaplastik mo ang sarili mo."
BINABASA MO ANG
The Policewoman
General FictionMaraming beses nang nabigo sa pag-ibig si Rogin. Kaya't nang lokohin ng huling naging kasintahan ay pinagtangkaan niyang kitilin ang sariling buhay. Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon, nakilala niya ang isang dalagang nagbigay ng panibagong pag-as...