Kabanata 08 - Si Claire

6.1K 179 34
                                    

NABALOT ng katahimikan ang buong bahay. Wala nang nagsalita sa amin ni Claire. Pumasok siya sa kuwarto at nagsimulang mag-impake ng kanyang mga gamit. Nagpaikot-ikot siya roon habang iniisip kung ano pa ang dapat niyang dalhin. Pumasok din ako doon. Natigilan siya. Hindi ko siya pinansin at pabagsak lamang na nahiga sa kama. Tulala akong nakamasid sa kisame.

Mabuti na siguro ito para hindi na kami parehong mahirapan pa. Ginawa ko naman ang lahat para sa kanya pero hindi niya pinahalagahan iyon. Handa na akong palayain siya. Handa na akong palayain ang sarili ko. Handa na akong iwan sa nakaraan ang mga malulungkot at masasayang pinagsamahan namin. Besides, I don't want this to be filled with hatred. Sa anim na taon, hindi ko maikakaila na sobra niya rin akong napasaya. Pero kailangan kong tanggapin, kailangan naming tanggapin na hanggang dito na lang. Na baka nga hindi talaga kami ang para sa isa't isa.

***

CLAIRE is the sweetest girl I'd ever met. She's not sweet to everyone but at least she is to me. She has these charming eyes that could melt me down. She loves to put on a pink lipstick that made her look lovelier. I love the way her cheeks turn red as she giggle. She has this wavy brown hair which I love to play with while we were cuddling.

But Claire is a sensitive girl. She cries when she saw someone crying. She laughs on the things I thought was way too corny. And just like other girls, she has her ups and downs; her tantrums were out of this world, and she drives me crazy at times. Somehow, I find this hard to deal with, but I still put up with it simply because I love her.

Naalala ko pa noong nagkakilala kami. I was in the library, studying for my midterm exams. I saw her and she saw me. Sa una pa lang na nagtama ang mga mata namin ay may kakaiba na akong naramdaman. And from that very moment, nabihag niya ang puso ko. She was sitting alone in the corner of the library, taking down notes on the accounting book she was browsing. Actually, we were both alone. But together, we're not.

Naupo ako sa harapan niya. She just continued what she's doing. Inangat ko ang librong hawak malapit sa aking mukha at kunwari'y abala sa pagbabasa. But the truth is, I was stealing glances at her. Siguro'y naramdaman niya ang mga sulyap ko kaya't napatingin siya. I was caught red-handed pero laking gulat ko nang ngumiti siya. At ako, dahil nginitian ako ng babaeng natitipuhan, hindi ko na rin napigilan ang mapangiti.

Lalo siyang gumaganda kapag nakangiti. Lumalabas ang maliliit niyang biloy sa tabi ng kanyang labi. Pati ang mga mata niya ay kasabay nitong ngumingiti at kumikinang. Sabi ko sa sarili ko noon, hinding-hindi ako magsasawang pagmasdan iyon.

"Reviewing?" that's the first thing I heard from her lovely voice.

Tumango ako at muling inangat ang libro palapit sa mukha ko. Maya-maya'y may mga mahahaba at mapuputing daliri ang humawak sa libro ko. Marahan niyang ibinaba ang libro at nakita kong muli ang nakangiti niyang mukha. "You're a terrible liar, Rogin."

Bigla akong nabingi sa sinabi niya. O sadyang mahirap lang paniwalaan na tinawag niya ako sa pangalan? "A-anong sabi mo? Kilala mo ako?"

Umiling siya at may itinuro sa dibdib ko. "Nabasa ko lang."

Sinulyapan ko ang itinuro niya at napangiti nang makita ang nakalantad kong ID. Muli akong tumingin sa kanya. "Bakit mo naman nasabing... I'm a terrible liar?"

"Baligtad kasi ang librong hawak mo," natatawa niyang sabi at itinuro iyon.

Natawa na lang din ako sa sariling kapalpakan.

Simula noon, madalas na kaming magkita sa library. Kahit na wala naman akong gagawin doon ay pumupunta ako dahil alam ko na makikita ko siya roon. Di naglaon ay naging magkaibigan kami. Nalaman niya ang lahat tungkol sa akin at nalaman ko rin ang lahat tungkol sa kanya.

The PolicewomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon