Kabanata 17 - Sa Ospital

4.9K 158 29
                                    

NAKARINIG ako ng mga usapan na siyang dahilan ng pagkagising ko. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at nasilayan ang puting kisame. Ipinihit ko ang aking ulo sa kanan at nakita sina daddy, Joshua, at Jerome. Biglang bumukas ang pinto at pumasok naman sina tita Jess at Jake.

"Glad you're awake, hijo!" bungad ni tita Jess.

Kunot-noo akong napatingin sa kanya at saka iginala ang tingin. "What happened? Nasaan ako?"

"You don't remember?" tanong ni daddy.

Sandali akong napaisip at unti-unti, bumalik sa alaala ko ang lahat. Nabaril ako. Sinubukan kong umupo mula sa pagkakahiga subalit pakiramdam ko'y napakabigat ng katawan ko.

"Mahiga ka lang, kuya," pagpigil ni Joshua sa akin.

"Nasaan si Winona?" marahang sambit ko.

"Pinauwi na muna namin siya at pinagpahinga. Isang araw ka nang tulog matapos tanggalin ang bala sa katawan mo. Sa mga oras na 'yon ay hindi siya umalis sa tabi mo," sabi ni daddy. "Salamat sa Diyos at wala namang organ mo ang tinamaan."

"For Pete's sake, Rogin, ano ba'ng pumasok sa kukote mo at sinundan mo sila?" bulyaw ni tita Jess. "Alam mo namang Police operation 'yun, di ba? Delikado para sa isang sibilyan."

"Mom..." saway ni Jake. "Huwag mo nang pagalitan si kuya. Nangyari na ang nangyari. Maybe kuya already learned his lesson."

Hindi ako umimik dahil hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa ang ginawa ko. Isa lang ang alam ko at sigurado ako, gusto ko lang masiguro noon na ligtas si Winona. At kahit ngayong nabaril ako, wala akong pinagsisisihan. Maluwag sa kalooban kong tinatanggap ang mga pangyayari. Masaya ako na kahit papaano'y may nagawa naman ako para kay Winona.

"Rogin, anak..." tawag ni daddy. "Huwag mo nang uulitin iyon, ha?"

Tumingin ako sa kanya.

"Alam mo bang pinag-alala mo kami," pagpapatuloy niya. "Ang alam namin eh nasa bahay ka ng mommy mo tapos biglang bubungad sa amin ang ganoong balita."

"Alam na po ba ni mommy ang nangyari?" tanong ko.

Tumango si daddy. "I already called her. Maya-maya'y darating na rin iyon."

***

TATLONG araw pa raw akong mananatili rito sa ospital upang masiguro ang tuluyang paghilom ng sugat ko. Hindi pa 'ko makatayo kaya't may catheter na nakakabit sa akin na siyang dinadaluyan ng ihi ko. Ang hirap pala ng ganito na hindi mo maikilos ang katawan mo. Kahit sa pag-kain ay kakailanganin mo pa ng tulong ng ibang tao. Sa lahat pa naman ay ito ang pinaka-ayaw ko. Pero may magagawa pa ba ako?

Bawat araw na nagdaraan ay nagsasalitan lamang ang pamilya ko sa ama't ina sa pagbabantay sa akin. Paminsan-minsan naman ay may mga dumadalaw sa aking katrabaho at kaibigan. Subalit ang pinakahihintay ko ay ang pagdalaw ni Winona.

Sa ika-apat na araw ko sa ospital ay dumating si Winona kasama ang ilan pang mga pulis. Kinamusta nila ang lagay ko at sinabihang magpagaling. At pagkatapos ay umalis na rin. Naiwan si Winona kaya't nagkaroon pa kami ng oras na makapag-usap. Ngayon na lang ulit kami nakapag-usap matapos ang ilang linggo niyang pag-iwas sa akin.

"Gin, pasensiya ka na pala sa hindi ko pagpaparamdam noon, ha?" malungkot na saad niya. "Gusto ko lang kasing mapag-isa muna para makapag-isip-isip."

The PolicewomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon