Kabanata 28 - Si Winona at Ako

4.9K 145 23
                                    

NANG magising si Winona ay kinamusta ko ang pakiramdam niya, ang sabi niya'y ayos na. Nagyaya akong lumabas upang mananghalian. Tinatamad daw siya pero sa pagpupumilit ko'y napapayag ko rin. Nagpaalam siyang maliligo muna. Lumabas muna ako ng kuwarto at naupo sa sofa na nasa sala ng dormitoryo. At doon siya hinintay.

"Hi," bati ng isang babae sa akin. Pag-angat ko ng tingin ay agad kong napansin ang pulang bestidang suot niya na tila kinapos sa tela. Maputi ang babae, balingkinitan, hindi ganoon kaganda ang mukha niya, at may awra siyang flirt.

"Hello," tugon ko at agad na nag-iwas ng tingin. Naupo siya sa tabi ko. Umurong ako nang kaunti mula sa kinauupuan upang magkaroon siya ng sapat na espasyo. Nag-de-kuwatro siya dahilan upang lalong lumantad ang mapuputi niyang hita. Dumampot siya ng magasin sa mesa at dahan-dahang binuklat ang pahina nito. Muli akong napatingin sa kanya. Nagkasalubong ang tingin namin. Ngumiti siya at kumindat. Napalunok ako. Is she flirting with me?

"You know what," umpisa niya, "may resemblance kayo ni Xian Lim."

Iniharap niya sa akin ang magasin na may larawan ni Xian Lim. Napangisi na lamang ako at yumuko. Marami na ring nagsabing kamukha ko si Xian Lim pero kapag ako ang titingin, hindi ko makita ang pagkakahawig namin. Sabi nila, pareho kami ng mata lalo na kapag ngumingiti. Naitanong ko na ito kay Winona nang minsa'y mapanood namin ang trailer ng Bride for Rent. Sandali niya akong tinitigan at saka seryosong sinabi na mas kamukha ko si Empoy.

"Pero mas lalaki kang tingnan sa kanya," dugtong ng babae with a smirk on her face.

"Well, thanks. I'll take that as a compliment," sagot ko.

Pilya siyang ngumiti. Inalis ko na ang tingin sa kanya. Maya-maya'y napaigtad ako nang maramdaman ang kamay niya sa hita ko. Tumukod siya sa hita ko at ibinalik sa mesa ang magasin. Nang mapansin niya ang naging reaksiyon ko ay nakangiti siyang nag-sorry. Pakiramdam ko'y biglang uminit ang paligid. Napapunas tuloy ako sa aking sintido sa pag-aakalang pinagpawisan ako. Buti na lamang, bago lumabas si Winona ay umalis na ito sa tabi ko.

Subalit hindi nakalagpas sa tingin ni Winona ang babae. Kunot-noo niya itong sinundan ng tingin na noo'y papasok na ng kuwarto.

Tumingin sa akin si Winona. "Kinausap ka?" she mouthed.

Nag-aalangan akong tumango.

Lumapit siya sa akin at nang makapasok na sa kuwarto ang babae ay inusisa ako. "Ano'ng sabi sa'yo?"

"Wala naman. Bakit?"

"Ahh wala," umiiling niyang tugon.

"Sino ba iyon?"

"Si JR, anak ng may-ari nitong dormitoryo."

"JR?" kunot-noong tanong ko.

Natawa siya. "Francisco Jr. kasi siya."

Muntik na akong mapamura sa gulat. "Bakla iyon?" pabulong kong tanong.

Natatawa siyang tumango. "Napeke ka ba?"

"Hindi naman," tanggi ko.

"Tara?" tanong niya at tumayo na. Magkasunod kaming lumabas ng dormitoryo pero hindi pa rin ako maka-move on. Muntik na ako doon.

***

NAGTUNGO kami sa Southmall dahil ayaw ni Winona na lumayo masyado sa Las Piñas. Dito na lamang daw sa malapit kami mananghalian. At ewan ko ba kung bakit ipinipilit niya sa akin na tikman ko ang paborito niyang bibimbop o bibimbob? I don't remember the exact name but it sounds like that. Korean food daw at healthy ito dahil maraming gulay. Ayaw ko sana dahil maselan ang taste buds ko sa pagkain, lalo pa't hindi ito pagkaing Pinoy pero dahil mapilit siya, sige pagbigyan.

The PolicewomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon