ILANG linggo na rin kaming getting-to-know each other ni Winona. Sa totoo lang, natatawa ako sa terminong ito. Biruin mo, magwawalong buwan na simula nang magkakilala kami. Dumaan na ang unang pasko at bagong taon na magkasama kami, maging ang ika-dalawampu't pitong kaarawan ko noong Enero na sabay naming ipinagdiwang pero heto't getting-to-know each other pa rin kami. Ang gulo, hindi ba? Pinipilit ko na lang unawain... kahit ang totoo'y hindi ko pa rin talaga mawari kung bakit hindi niya gusto ang salitang ligawan. Eh... lahat naman talaga ng magkasintahan ay doon dumaraan.
Nitong mga nagdaang araw nga ay hindi ko siya maintindihan, napaka-moody niya. Minsan okay siya, minsan naman ang sungit-sungit niya. Minsan matino siyang kausap, minsan nama'y hindi siya makausap. At may mga times pa na ang dali-dali niyang mapikon sa mga biro ko pero sa mga biro naman niya'y hindi ako napipikon. Hindi ko alam kung sinusubukan lang niya ang pasensiya ko or she's just showing me how difficult she can be at times. Pero kahit ganoon siya, hindi pa rin ako nagsasawang makita siya araw-araw.
Naalala ko nga noong isang araw, pinadalhan ko siya ng bulaklak at tsokolate sa opisina dahil araw ng mga puso. Maghapon kong hinintay ang text niya subalit ni isang text mula sa kanya'y hindi ako nakatanggap. Inisip ko, baka busy lang. At nang sunduin ko siya nang hapon, salubong ang kilay niya. Bitbit niya ang bulaklak nang patiwarik at pabagsak iyong inilagay sa likurang upuan ng kotse. Binati ko siya ng happy valentines. Ibinalik niya sa akin ang pagbati subalit hindi bakas sa mukha niya na happy nga ang valentines niya.
"Hindi mo ba nagustuhan?" tanong ko.
Hindi siya umimik at naghalukipkip lamang. Ako naman, nasaktan. Sino ba naman ang taong matutuwa kapag hindi na-appreciate ang effort, hindi ba?
"Hayaan mo, hindi na mauulit. Huwag ka nang sumimangot," matabang kong saad dahil baka hindi niya lang talaga gusto ang ganitong klase ng regalo. Hindi ko naisip na iba nga pala siya sa mga babaeng nakarelasyon ko noon, ibang-iba.
Kunot-noo siyang tumingin sa akin. "May iniisip lang ako. Hindi naman ako nagagalit. Hindi mo kasi alam... Hindi ka kasi muna nagtatanong."
Inayos ko ang upo ko paharap sa kanya. "Oh sige... Bakit ka nakabusangot? Ano'ng iniisip mo?"
Hindi siya umimik at yumuko lamang. Tinitigan ko siya at hinintay ang sagot niya. Nang sa tingin ko'y wala siyang balak sumagot, nagpakawala ako nang malalim na paghinga. Muli kong ibinaling ang tingin sa manibela at pinatakbo na ang kotse.
"Natatakot ako," bulong niya.
"Masyado bang mabilis ang patakbo ko?"
"Hindi. Natatakot ako dahil sobrang saya ko."
Napakunot ang noo ko. "Ano'ng dapat ikatakot kung masaya ka?"
"Iyong ganitong saya, nakakatakot."
"What do you mean?"
"Minsan kasi... hinahayaan ka munang maging masaya ng tadhana at pagkatapos ay babawiin din ito sa'yo."
"Nona... what did I tell you?"
Malamlam ang mga mata niyang napatingin sa akin.
"Hindi ba sabi ko, huwag mong pangunahan ang mga mangyayari. Tingnan mo iyan... pinag-aalala mo lang ang sarili mo. And instead of enjoying the moment, you are worrying about things, negative things, na hindi pa naman nangyayari. Savor the moment, Nona. Laugh when you're happy. Cry when you're sad. Don't be afraid to feel every bit of it. That's part of life. Don't be afraid because if happiness is fleeting so as pain." Nakangiti akong sumulyap sa kanya, "Akala ko ba matapang ka? Ilabas mo ang tapang mo."
Matipid siyang ngumiti at hindi na umimik. Tumingin siya sa bintana at wari ko'y iniisip ang mga sinabi ko.
"Shit!" napamura ako dahil sa maling daan ako lumusot. "Puwede naman atang mag-U- turn dito, 'no?"
BINABASA MO ANG
The Policewoman
General FictionMaraming beses nang nabigo sa pag-ibig si Rogin. Kaya't nang lokohin ng huling naging kasintahan ay pinagtangkaan niyang kitilin ang sariling buhay. Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon, nakilala niya ang isang dalagang nagbigay ng panibagong pag-as...