DALAWANG oras nang pabugso-bugso ang luha sa mga mata ni Winona. Hindi ko man nais makita iyon ay wala akong ibang magawa kung hindi ang pagmasdan siyang umiiyak habang hawak ko ang tissue box na nakaabang sa bawat pagpatak ng kanyang luha.
I wish I have all the answer to her questions para hindi ko na siya nakikitang nagkakaganito. I wish I could take away the pain and own it. Kasi kung nasasaktan siya, mas nasasaktan ako. Ang hirap pala kapag wala kang magawa habang nakikita mong nasasaktan ang taong mahalaga sa iyo. Ang bigat-bigat sa kalooban. Pakiramdam ko'y wala akong silbi, isa akong inutil.
I can't even say a word or two just to make her feel alright. Hindi ko alam kung ano'ng dapat gawin. I'd never been to this situation. I'd never comfort anyone. But I wish I had... para naman alam ko kung ano'ng dapat kong gawin o sabihin ngayon.
Muling itinungga ni Winona ang beer. Namumula na ang kanyang pisngi at ang kanyang mga mata'y namumugto na sa pag-iyak. Sinapo niya ang kanyang ulo. "Bakit nangyayari sa akin ito, Gin? Bakit kailangan kong maranasan ang ganito?"
"Lahat ay nangyayari ayon sa kagustuhan ng Panginoon, Nona," sagot ko.
Mapait siyang natawa. "Kagustuhan? Ito ba ang kagustuhan Niya, ang masaktan ako?"
"Hindi ito nangyayari para lang saktan ka."
Yumuko siya at iiling-iling na humagulgol.
"Many times, I've been on the verge where I questioned God, why do bad things happened to good people? And now, I know the answer. God wants us to be the best versions of ourselves, we just have to trust His plans for us," mahinahon kong paliwanag. "Siguro, ito na 'yung panahong ibinigay ng Panginoon para malaman mo ang tunay mong pagkatao. Hinayaan niya na malaman mo ang katotohanan mula sa tatay mo dahil kung ang tunay mong ama ang magsasabi sa'yo ng mga ito, sa tingin mo, paniniwalaan mo siya?"
Umiling siya at marahang pinihit ang tingin sa akin. "Ang laki-laki kong tanga, Gin. Higit dalawampung taon... pinaniwalaan ko ang isang kasinungalingan. Ang hirap... Ang hirap palang tanggapin na 'yung taong akala ko'y naging kakampi ko buong buhay ko, siya rin palang sumira sa pagkatao ko."
"Alam ko kung gaano kahirap tanggapin ang katotohanan, Nona. Pero kailangan mong harapin ito at tanggapin dahil kahit ano namang gawin mo, kahit lumuha ka pa ng dugo, hindi mo na ito mababago."
Muli siyang tumungga at pikit-matang nilasap ang pait ng beer na bumubuhos sa kanyang lalamunan. Pabagsak niyang ibinaba ang bote ng beer sa mesa, ang kanyang mga mata'y dumilim. "Gusto kong kamuhian siya sa panlilinlang niya sa amin ni nanay. Gusto kong makita siya at isumbat sa kanya ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero sa tuwing maaalala ko ang lahat ng sakripisyo niya para sa pamilya namin, sa tuwing maaalala ko 'yung mga masasayang pinagsamahan namin at kung paano siya naging mabuting ama sa akin, pakiramdam ko'y wala akong karapatang magalit sa kanya."
Hindi ako nagsalita at marahan lamang na itinungga ang beer na hawak habang ang tingin ay nakapako lamang sa kanya.
"He was the 'perfect father' in my eyes, but not until this happened. Sa isang kisapmata lang, naging malabo ang lahat. At wala na siya rito para linawin ito," nanginginig ang mga labing sabi niya. "Ang daya-daya niya, Gin. Ang daya-daya niya."
"Sabi mo nga, 'di ba, lahat ng tao'y may kinatatakutan. Ganoon din ang tatay mo. Siguro ay naging duwag lang siya na itama ang mga pagkakamaling nagawa niya dahil natatakot siya sa posibilidad na mawala kayo sa piling niya. At kahit ano'ng pagpapakabuti ang gawin niya, pakiramdam niya'y hindi sapat dahil alam niya na ang pamilyang mayroon siya noon ay hindi niya pagmamay-ari at anumang oras ay maaari itong mawala sa kanya. Hindi niya mabura ang katotohanan kaya't pinili na lamang niyang ibaon iyon sa hukay kasama niya. At isang sulat lamang ang tanging iniwan niya na kung hindi mo pa nga pinakialaman ang mga gamit niya ay hindi mo matutuklasan. Siguro ito lang ang tanging paraan na nakita niya upang makabawi sa mga pagkakasala niya.
BINABASA MO ANG
The Policewoman
General FictionMaraming beses nang nabigo sa pag-ibig si Rogin. Kaya't nang lokohin ng huling naging kasintahan ay pinagtangkaan niyang kitilin ang sariling buhay. Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon, nakilala niya ang isang dalagang nagbigay ng panibagong pag-as...