IPIKIT ko lamang ang aking mga mata ay muli kong nakikita ang maamo niyang mukha.
Ang bilugan niyang mata na binigyang buhay ng mahahaba niyang pilikmata.
Ang matangos niyang ilong na madalas kong pinipisil sa tuwing nagbibiruan.
Ang mapipintog niyang pisngi na bumubukol sa tuwing siya'y patagong ngumingiti.
Ang manipis at mapula niyang labi na parang kay sarap hagkan.
At ang baba niyang nahahati sa dalawa na tulad ng kay Angel Locsin.
IPIKIT ko lamang ang aking mga mata ay muli kong naririnig ang malambing niyang tinig.
Ang tawa niyang pumupunit sa katahimikan ng gabi.
At ang bulong niyang nag-iiwan ng kiliti sa aking tainga.
Hindi ko inakala na ang isang simpleng babae ay mag-iiwan ng napakagandang alaala sa aking isipan.
Alaala na sana'y hindi na lamang natapos.
IPIKIT ko lamang ang aking mga mata ay muli akong nakababalik sa simula.
Sa mga sandaling handa na akong sumuko subalit dumating siya upang tulungan akong bumangon.
Kung may natutunan man ako mula sa kanya, ito ay ang pagiging matatag sa kabila ng mga problemang humahatak sa akin paibaba.
- - - - - - - - -
Hi guys,
Please don't forget to comment and vote. Thank you!
BINABASA MO ANG
The Policewoman
General FictionMaraming beses nang nabigo sa pag-ibig si Rogin. Kaya't nang lokohin ng huling naging kasintahan ay pinagtangkaan niyang kitilin ang sariling buhay. Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon, nakilala niya ang isang dalagang nagbigay ng panibagong pag-as...