CHRISTOPHER
"Law school? Ikaw?"
"Why does it sound so bad coming from you?" I asked.
"Ayos ka ah," Logan retorted as he threw a pillow at me.
Saktong-sakto pa sa mukha ko kaya binato ko pabalik sa kan'ya.
"Eh kasi naman, weren't you just complaining about how many things one of your professors gave your class to read? Tapos law school? Sinong niloloko mo?"
"I said I'm interested. Not that I was set on going through with it." I told him. "Nasan na ba si Maverick? Yung lalaking 'yon napakagala."
"Nasa eroplano pa 'yon."
"Akala ko ba flight n'ya kahapon pa ng umaga?"
"Na-late s'ya ng gising."
Napailing na lang ako sa sinabi ni Logan at bumalik sa pag-scroll sa phone ko. Si Logan naman tinuon yung atensyon sa TV. Bigla nga ako nakatulog pero itong Logan na 'to ginising ako para lang buksan yung pinto dahil may kumakatok.
"Napakatamad mo namang hayop ka. May paa't kamay ka naman," reklamo ko.
"Nakitulog ka na nga lang sa kwarto ko magrereklamo ka pa," aniya bago pumunta ron sa banyo.
That idiot is speaking like we're in Great Crystal when in fact we're in Great Amethyst for the Annual Noble Summer Camp. I was about to give him another word or two when another knock came. Baka mamaya nagpa-deliver pala yung isang 'yon kaya pinuntahan ko na yung pinto para buksan.
Kaso pagbukas ko, nakita kong yung kapatid n'ya pala yung nasa labas.
"This is Kuya Logan's room, right?" Naguguluhang tanong n'ya.
"Uh yeah, nasa banyo s'ya," sabi ko at pinapasok s'ya.
Umupo naman ako ron sa couch dahil mukhang may kukuhain s'ya sa bag ni Logan na nasa kama. Tahimik naman akong humikab habang nakatingin don sa TV na episode ng isang sitcom na yung pinapalabas.
"Oy Christopher nag-land na raw si Mav—bakit nandito ka, bata?" Napatingin ako kasi tinawag ako pero nawala rin yung atensyon sa 'kin ni Logan dahil sa kapatid n'ya.
"You took my charger. Nagkapalit yung charger natin."
"Huh? Pareho lang naman itsura?"
"No, may scratches yung sa 'yo. Yung akin, wala."
"Burara ka raw," sinabi ko na lang at ayon binatukan ako ni Logan.
Napatayo tuloy ako nang wala sa oras para gumanti. Kaso yung kapatid n'ya bigla s'yang tinawag ulit at nang walang sabi s'yang sumunod sa kapatid n'ya napatalikod ako para tumawa.
"Kuya Logan? Andito ba si—Lauren!"
Pagtingin ko sa pinto, nandoon si Dominique Rockefeller—the Crown Prince of Great Sapphire and boyfriend ng kapatid ni Logan. Binigyan pa n'ya ako nang magalang na ngiti nang makita ako kaya inangat ko yung isang kamay ko at nginitian din s'ya para bumati pabalik.
"Didiretso raw ba si Montgomery dito?" Tanong ko kay Logan. Kasi nga sabi n'ya kanina naka-land na raw yung isang 'yon.
"Hindi. Kakain daw muna s'ya eh."
Agad ko namang tiningnan yung GC namin at nalaman kong susunod pala si Montgomery sa restaurant kung nasaan ngayon si Leo para kumain.
"Tara nagugutom din ako," yaya ko sa kan'ya.
"Kuya you better tell your butler where you're going. Sa akin ka na naman n'ya hahanapin," Lauren told Logan.
"Yeah, yeah. Nakuha mo na charger mo diba? Alis na." Logan dismissed her. "Kala mo naman hindi ka rin tumatakas sa attendant mo."
BINABASA MO ANG
The Royal Series 02: The Royal Wooing
RomanceThe Royal Series #2 Princess Laurice Enicka Vandella, known as Princess Lauren by many, is the second child of the Royal Family of Great Crystal. Viewed by the masses as the epitome of a real-life Princess who has the beauty, brains, and heart. The...