Twenty Five

328 12 2
                                    

"Being in a relationship is hard. It's hard to be faithful not knowing if your significant other is doing something stupid."

-Unknown

* * *

"Okay, sino ang gustong mauna mag present ng project na ginawa nila?"

Tanong sa'min ni Ms. Tee while her eyes roamed on us. I looked at Xander from the corner of my eye. Nag su-sulat lang sya sa isang papel, nakayuko.

Mag i-isang linggo na simula nung gabing may nangyari sa amin ni Xander. Akala ko magiging okay ang lahat nung pumasok ako nung lunes, pero kahit ni isang salita man lang, walang lumabas sa mga labi ni Xander. Friday na ngayon, at ganun pa din sya. Katabi ko nga sya, pero bakit parang hangin lang ako sa kanya? Hangin na hindi nya makita.

"Xander," Ms. Tee called. "Bakit hindi nyo i-present ni Jessica yung gawa nyo? It looks beautiful."

Yeah right. Beautiful kasi kapatid mo yung gumawa. Pero... Kung titignan, maganda naman talaga. Pero yung painting... Na may mga payong. Sabi ni Xander nung gabing umamin sya na ako daw yung babae sa gitna.

Ako yung babae na nag papayong sa isang lalaking nakatalikod sa akin, habang may isang lalaki na pinapayungan naman ako, pero nakatalikod ako sa kanya. Hindi kaya na... Si Paolo at Xander yung mga lalaki na yun? Pero...

Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"Gawa nyo yan?" Tanong ni Rosie sa akin. "It's simple pero damang dama mo yung meaning."

Mag sasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Xander.

"Walang meaning yan." He spoke, habang nag d-drawing pa din. "Nakita ko lang sa google yan. Ginaya namin."

Walang meaning... Pero bakit sabi nya nung gabi na... Ako yun? Pero bakit ngayon sinasabi nya na wala lang meaning para sa kanya yun?

Pero hindi yun yung point eh. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit parang... nasasaktan ako?

Tinignan ko si Ms. Tee. Our eyes met, and she gave a subtle smile. Hindi kaya alam nya kung ano yung nangyari? Pano kung nalaman nyang nasaktan ko si Xander?

Does she know about Paolo? Ano nalang ang iisipin nya na I cheated on someone with her younger brother?

"Anyone else?" Tanong agad ni Ms. Tee para mabaling sa ina yung atensyon ng buong klase.

"Kami po ma'am." Tinaas ni Vina yung kamay nya at mabilis na kinuha yung project nila. Nag lakad sila ni Rosie papunta sa harap. Biglang tumama sa paningin ko si Patrick. Nakatingin lang sya kay Rosie na para bang lumulutang sya sa ulap. Ngumiti naman si Rosie sa kanya, at nag blush pa ang bruha.

Siguro sila na. Mabuti pa sila, masaya sa relasyon nila. Siguro nga hindi pa official, pero wala silang dapat aalalahanin.

Biglang lumingon sa akin si Patrick at pati sya, namumula ang mga pisngi. He smiled at me, pero bakit parang nahihiya sya?

Hindi kaya... Alam na nya kung ano yung ginawa nung kuya nya sa akin?

"So yung project po namin," Vina started. "Is about a girl."

I looked at their project. It's a very simple picture of a girl na nakayuko. She's crying, and she looks like she's struggling. Her hands are right on top of each other, just above her left chest. Behind the hands, there's a glow that changes color as it spreads out. It started from black, to yellow, orange then red.

What the hell does that mean?

"The glow from her heart represents what she's feeling." Vina explained. "Nagsimula sa black, then naging yellow, orange hanggang sa maging red na."

Dear Diary, Makaka-move on ba ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon