Three

1.1K 14 23
                                        

"I don't know what to say when I have a crush on somebody. I kind of lose my words. I really try to start a conversation, and I can't. It's horrible."

- Alexa Vega

* * *

Dear Diary,

Oh.

my.

god.

Hindinng hindi ka maniniwala sa sasabihin ko sayo. Alam mo ba kung saan ako galing ha, diary? Alam mo ba kung sino yung kasama ko like 10 minutes ago? Alam mo ba kung sino yung nakausap ko kanina, yung nakatawan ko kanina? Yung naka eye to eye contact ko kanina? Alam mo ba kung sino, ha, diary?!

SI PAOLO, DIARY.

SI.

PAOLO.

FLORES.

Grabe, hindi pa din ako makapaniwala habang sinusulat ko toh, diary. Hindi ako makapaniwala na... nag kausap na kami sa personal. Na nakita nya ako, na nakita ko sya. Na nag lakad lakad kami sa buong subdivision habang nag uusap kami... It seems so unreal, Diary. Nananaginip lang ba ako? Parang hindi maka totohanan eh. Parang.. alam mo yun. Imagination ko lang lahat.

Putcha diary, nasa cloud 9 na ba ako?

Eto ba yung sinasabi nilang cloud 9? Yung feeling mo lutang ka, tapos sya lang yung nasa isip mo... yung gusto mong wag nang matapos yung mga pangyayari. Yung gusto mong ulit ulitin yung mga sandali na yun? DIARY TULUNGAN MO NAMAN AKO. T-T

Anyways, ik-kwento ko sayo simula sa umpisa. Kase gusto ko na kapag naging kami na ng Paolo my loves ko, at nararamdaman ko nang malapit na yun, babasahin ko ulit toh. Ipapabasa ko sa kanya lahat toh. Para malaman nya kung gano ko talaga sya kamahal, at kung gano ako kabaliw sa kanya. Kapag naging kami talaga, hinding hindi ko na sya pakakawalan. Tali na sya sakin habangbuhay noh. Sya na yung the one ko.

I don't care if we're meant to be or not. Alam mo kung baket? Kasi tayo lang din ang gumagawa ng sariling kapalaran natin. Let's say na oo, kayo nga para sa isa't isa, pero tingin mo ba magiging kayo kung hindi naman kayo nag uusap? Kung wala ni isa sa inyo yung unang mag a-approach? Edi nganga nalang kayo parehas. Diba? v-v

Ano ba tong pinag sasabi ko, bahala na. Basta, meant to be or not. He's the one for me.

Paolo.

Flores.

Is.

The.

One.

For.

Me.

Okay, balik tayo sa topic. Syete, ang dami kong pinag sasabi ngayon. Pano ba naman kasi. Hindi ako maka get over. Naka hang out ko sya... Nag kausap kaming dalawa...

Tsaka si Nikki.

Kawawa nga sya eh, third wheeler. :P

Magiging kami din naman ni Paolo my loves kaya dapat maging sila na din nung chimpanzee na yun para mag ka double date kami noh! Tsaka sya din naman talaga ang dahilan kung bakit kami nag kausap tsaka nag ka hang out ni my loves. <3

Ganito kasi yan, diba tinext nya ko kagabi.. Nalaman nga nya na nasa same subdivision lang naman daw pala kami tapos nag sinungaling daw ako sa kanya. Eto, isusulat ko nalang yung conversation namin para malaman mo, diary.

From: </3
Sino ka ba talaga ha? Nasa isang subdivision lang pala tayo eh. Nagsisinungaling ka lang pala.

Alam mo bang sobra akong nag freak out nung nag message sya ng ganyan sakin? Nanginig talaga ako, na parang alam mo yun. Natakot na nahiya na ewan. Tapos syempre... nagalit ako. Nagalit ako kay Nikki. Alam mo kasing sya nanaman yung may kagagawan neto. Super galit talaga ako sa kanya nun kase nasisira yung mga moves ko kay Paolo my loves ng dahil sa kanya. Tinawagan ko sya nun, kahit mga madaling araw na, wala akong pakealam kung 10 beses akong tumawag nun. Basta tumawag ako ng tumawag hanggang sa ayun, sinagot na nga nya. Alam mo ba kung anong sabi nya nung pag kaka sagot palang nya? Hindi pa ako nakakapag hello ah? Pero eto ang sabi nya.

Dear Diary, Makaka-move on ba ako?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon