Six

1.1K 20 11
                                    

Omg, happy 1K reads! x')
Thank you po talaga sayo na bumabasa neto ngayon, you don't even know how much you make me happy. <3

* * *

"Before I met you, life used to be so predictable and I knew exactly what was going to happen. It was boring. But from the time I met you, everything has changed and I just love this new feeling."

- Kemis Khan

* * *

Dear Diary,

Bakit ang bilis ng panahoooon? >.<

Nagulat nalang ako bigla kanina nung pagkatingin ko sa kalendaryo. Saktong isang buwan nalang then pasukan na. Hindi pwede toh, diary!!!!

Ibig sabihin nun isang buwan nalang akong pwedeng magpuyat ng gabi habang ka text sya. Isang buwan nalang akong pwedeng gumala hanggang madaling araw ng hindi napapagalitan. :(

Back to normal nanaman. :|

Pero hindi yun yung masakit diary, eh. Wala lang yan dito sa isa ko pang rason kung bakit ayoko pang mag pasukan.

Si Paolo, diary. Si Paolo. D':

Tuwing hapon, lagi na kami mag kakasama nila ni Nikki and Paolo my loves na nag lalakad lakad sa village. And guess what? Si Mike din sumama na samin minsan. Parang kaming apat na yung laging mag kakasama dun lagi sa village. Pero minsan, kaming dalawa lang ni Nikki kasi may mga practice sila sa basketball. Four days ago nga ata yun may laban eh. Laban nila Mike tsaka nung team 4.

Gustong gusto ko kapag nanonood kami ng basketball. Lagi ko kasing katabi si Paolo my loves. So kapag pumunta yung mga players sa left, mag kaka roon ako ng rason na titigan lang yung mukha nya. Kapag pumunta naman yung ball sa right, titigan naman nya ako. :''> EEEH ANU BA >//<

Pero anyways, parehas kasing nanalo sila Paolo tsaka si Mike. Sabi nga namin na sana daw mag laban sa finals sila Mike tsaka si Paolo my loves. And nangyari nga! Ako naman, kinabahan ako. Hindi, Hindi dahil sa magaling mag basketball si Mike. Si bebe Paolo kaya yung pinakamagaling mag basketball sa buong village namin! Natatakot ako kasi.. may dare kami ni Nikki sa isa't isa.

Kung sino daw yung team na nanalo, kailangan mo daw umamin sa kanya na may gusto ka sa kanya.

So ang ibig nyang sabihin, let's say na nanalo si Paolo my loves, I need to tell him na I like him?! >.<

Sabi ko nga dito kay Nikki na hindi ba na parang baliktad? Dapat kung sino yung matalo, siya yung mag tatapat. Sabi naman nya, reward daw kasi yun sa mga boys. Pano daw kung gusto din naman daw nya ako diba?

Pano kung gusto din nya ako...

Pano kung gusto din ako ni Paolo...

AHHHHHH :''''> ENEBE DIEREY.

Ewan ko ba pero na fe-feel ko talaga na may gusto din sakin tong si Paolo pero for some reason, ayaw nyang sabihin. For some reason, gusto nyang friends lang muna kami. Hindi ko alam ah, pero malakas yung pakiramdam ko. At siguro naman, sapat na yung rason na mga pinag susulat ko dito.

Pero yung nangyari kanina... isa pang napakalaking rason yung nangyari kanina...

Pano ba naman kasi, diary.

Pano ba naman kasi...

Pinakilala nya ako.

Kay Tita Lily! Yung mommy nya. Yung tita mommy ko! Yung future mom-in-law ko! Binabasa ko nga tong diary ko kanina eh tapos tawa lang ako ng tawa kasi akala ko parang nanghihiyaw kapag nagagalit. Pero hindi. Kasi grabe, sobrang bait ni Tita Mommy. Sya yung tipo ng tao na parang kahit kelan hindi nagagalit. Hindi ko maimagine yung face niya pag galit.

Dear Diary, Makaka-move on ba ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon