"Don't force yourself to love. That's why it's called falling in love. You just fall."
- Unknown
* * *
Dear Diary,
Forgive me for I have neglected you longer than I can imagine.
Sobrang dami ang nangyari, and I didn't have the time to write it to you. You were just sitting in my room, although alam ko na ikaw ang saksi sa lahat.
But now... I really need someone to talk to. Someone who won't judge me.
At ikaw yun, Diary. Ikaw lang.
These past few weeks has been so... atrocious.
Pagkatapos kong malaman na wala naman palang kagaguhan na ginawa si Paolo, it crushed me. I felt very weak, I felt like i'm a piece of a glass that has been shattered to pieces.
Mag-hapon akong umiyak nun. Diring diri ako sa sarili ko na nakaya kong lokohin si Paolo. Doon bumalik lahat ng nararamdaman ko, doon ko naalala lahat ng pag hihirap at sakripisyo para lang mapasaya sya.
Pero sinayang ko lang yun.
Habang si Xander naman, walang hinto sa pag comfort sa akin. Pero hindi nya alam na umiiyak ako dahil... na-gui-guilty ako sa ginawa namin. Na pinagsisisihan ko ang lahat ng iyon. Kung pwede ko lang maibalik yung lahat, Diary. Gagawin ko.
Kinaumagahan pagkatapos ng araw na yun, pumunta ako kaagad sa dorm nila Paolo. Pero wala na sya dun.
At yung nakita ko ay si Gio lang.
Sinabi nya sa akin ang lahat ng ginawa nya para lang makuha si Paolo pero he kept on resisting. Nung gabing nahuli ko daw siya, lasing daw si Paolo nun. He was trying to push her away, kaya sya pumatong sa kanya.
Yun ang part na nakita ko.
Yung nanakit sa akin. Pero I didn't dig deeper, I didn't listen to his explanations. I didn't even give him a chance. Binalewala ko lang lahat yun.
Pagkabalik ko sa bahay namin, pinuntahan ko yung bahay nila Paolo. Alam kong nandun sya, kasi nakita ko yung sapatos nya sa pintuan.
Lumuwag yung dibdib ko nung nalaman kong may chance pa ako na baguhin ang lahat. Na ayusin ang lahat.
Umasa ako eh.
Pero no, I was wrong. Huli na ang lahat.
Ayaw man lang akong makita ni Paolo. Nakita ko din si Patrick sa bintana sa taas ng bahay nila. Nakatingin sya sa akin, nakasimangot, nagagalit. I can't blame him. Pinagkatiwala nya yung kuya nya sa akin, pero anong ginawa ko?
Sinaktan ko lang.
Hinding hindi ko makakalimutan yung mga salitang binitawan sa akin ng mama ni Paolo nung nakita nya ako sa labas ng bahay nila.
"Nang dahil sa'yo, mas ginusto na ng anak ko na sumama sa tatay nya, kung saan malayo sa'yo. Nang dahil sayo, mahihiwalay na sa akin ang kuya baby ko."
Ang sakit.
Wala na lang akong ibang magawa kundi ang maiyak na makita si Tita na umiiyak habang damang dama ko na may poot na nilalaman yung puso nya.
But after that, I needed to walk away. Wala akong karapatan na mag pakita pa kay Paolo, na kausapin pa sya pag katapos nyang malaman ang lahat. Wala na. I don't deserve him. I don't deserve someone who's as good as him. I don't.
Magang maga ang mga mata ko nang makadating sila mommy at daddy sa bahay which caused my dad to talk to me. Ayokong makita nya akong umiiyak lalo na't kadarating palang nya, pero I really missed him.
BINABASA MO ANG
Dear Diary, Makaka-move on ba ako?
RomanceIt took me a while to get him; I had to go through a lot of heartbreaks. It took me a while to make him love me, and when he did, I was the happiest girl alive. We were happy, and there is nothing I could ask for. Until you came. And in one single...