Four

1.2K 12 14
                                    

"We've all at some point in our life encountered that feeling of secretly liking someone, secretly having your eyes on them, secretly wishing they knew, but deep inside you were afraid of what the outcome would be. So you kept it unnoticed. Kept it hidden, locked inside, just hoping that maybe one day that moment would finally come when they would notice you."

-Telisa McLaughlin

* * *
Dear Diary,

Haaaay grabe. Nakakabusog. Ang dami daming dalang pagkain nung tita ko. May party daw kasi yung anak nung boss nila, kaya ayun ang dami daw pag kain. Eh iilan lang naman daw sila kapag night shift kaya ayun, nag uwi sya ng food. Ang dami nga eh. May carbonara, menudo tapos may fried chicken lollipops then yung black forest na cake. Madami pang iba. Dalawang supot ba naman na punong puno ng tupperware yung dala! Malamang mabubusog ako.

Nakakatuwa nga tong si tita eh. Alam daw nya na mag s-stay up ako Friday daw. Kapag friday kasi, dito sila sa bahay natutulog. Si tita Janine, tito Gary, tsaka yung dalawa kong cute na cute at maliliit na pinsan. Si Mae na napaka fashionista tsaka si Christian na mas bata. Ang cu-cute nila, sobra! Super close kami nyang si Mae. Dyan ako nag kwekwento minsan eh. Tapos napaka selosa nya. Kapag mas kinakausap ko si Christian, nag tatampo sakin. Pati si Nikki, pinag seselosan nya. xD Ang cutiiiiiie!!!

Ang bait bait sakin nun ni tita. Parang sya na yung second mommy ko. Lagi nya ko pinag tatanggol kay mommy noon kapag pinapagalitan ako ni mommy. Minsan nga nag selos na din si mommy eh kasi panay tita Janine daw ako nung bata ako. XD

Engineer yan si tita pati na din si tito Gary. Ang cute nga eh kasi mag ka office mates sila. So kahit nag tratrabaho sila, mag kasama pa din sila. How sweet diba! <3

Kaya dapat ganyan din kami ni Paolo my loves pag lumaki na kami. Magiging ganun kaya kami? Okay lang siguro na hindi na kami mag kasama sa isang kumpanya pero gusto ko yung malapit lang. Yun bang kapag lunch na naming dalawa eh susunduin nya ako dun sa office ko. Ughhhh :"") ano ba yan diary. Kinikilig tuloy ako >///<

Dapat kase matutulog na ako, kaso nga lang etong si Mae pinagalitan pa ako. Sabi ba naman wag daw muna ako matulog dahil hindi daw ako matutunawan. 10 palang yun ha!! Tapos sya pa yung parang ate ko. XD Sabi nga ni mommy mas responsable pa daw si Mae kesa sakin. Hindi kaya! -.-

Kaya ayun, wala naman ako magawa kasi tulog na si Nikki kaya nag sulat nalang ako. Tsaka i kw-kwento ko pa nga pala yung nangyari kanina. :">

Siguro mga alas quatro na nung tumawag sakin si Nikki. Sabi nya may bagong playground daw dun sa kabilang village tas puntahan namin. Eh syempre ako naman, pinagalitan ko sya kasi gising na pala sya tapos di man lang nya ako tinawagan. -.- Yun pala kakagising lang din daw nya. Musta naman diba. Alas quatro nagigising, HUWAW. -.-

So ayun, sinabi ko na sa kanya yung nang yari tsaka yung eyeball namin ni Paolo my loves mamaya. Tapos biglang kinilig ba naman ang bruha! Sabi nya it's finally happening na daw! Lokaret tong babaeng toh, mas kinilig pa kesa sakin. Tapos ayun sabi nya pupunta daw sya sa bahay bago daw kami mag kita para maayusan daw nya ako ng konti. Syempre payag naman ako. Kailangan ko mag paganda para sa prinsipe ko noh! <3

Nung nasa bahay na sya, alam mo ba kung ano yung gusto nyang gawin sa buhok ko? KULUTIN DAW.

Ano, prom lang ang peg? -.-

Etong galunggong na toh, kung di ko lang mahal tong gaga na toh, sinapak ko na toh. Tas ayun, pinilian nalang nya ako ng damit. Pero alam mo ba kung anong damit yung gusto nyang ipasuot sakin?

BESTIDA.

Ano, abay lang ang peg? -.-

Sabi ko nga sa kanya nandito ba sya para tulungan ako or gaguhin lang ako. Tumawa naman ang bruha. Dapat daw kasi first impression lasts.

Dear Diary, Makaka-move on ba ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon