"Isn't it Ironic, that we ignore the ones who adore us, adore the ones that ignore us, love the ones who hurt us, and hurt the ones that love us."
- Jordan Neill
* * *
Isang subject nalang at uwian na namin. Haaay, gusto ko nang umuwi.
For some reason, this day has been tiring. Siguro kasi monday, and we all hate mondays pero gustong gusto ko na talagang umuwi at humiga at matulog hanggang bukas.
"Okay ka lang ba?"
Si Xander. Nakatingin sya sakin, parang nag aalala. I rubbed both of my eyes with my hands and stretched.
"Oo, pagod lang talaga ako."
"Okay lang yan, maganda ka pa din naman kahit pagod ka." Biro ni Xander. "Di'ba Vina?"
Tinignan ko si Vina. Nakatingin lang sya saming dalawa, at nung tinanong sya ni Xander, nag nod lang sya while she smiled. Sira ulo talaga tong si Xander. Kahit na biro lang yun, may chance pa din na mag selos si Vina. Patay na patay kaya yun kay Xander.
"Uy hindi ah." I shook my head. "Mas maganda si Vina."
Tumawa naman si Xander at nagulat nalang ako nung bigla nyang pinisil yung pisngi ko.
"Oo naman noh. Mas type ko si Vina." Sabay kindat nya kay Vina. Napangiti naman ako nung nakita ko na namula yung mga pisngi ni Vina. Ang cute nya kapag kinikilig. Si Rosie naman, sinisiko siko yung beywang nya, mocking her.
Bumukas yung pintuan ng classroom namin, and I was thinking na yun na yung teacher namin. Pero to my surprise, it's a new teacher. Naglakad sya papunta sa gitna ng classroom, and she stood there hanggang sa tumahimik lahat ng estudyante.
"Good afternoon. I'm Ms. Tee and I will be your new Art teacher from now on."
Hala? Anong nangyari sa lumang teacher namin? o.o Before I can raise my hand and ask her, someone already did.
"Oh, she's on a maternity leave. Hindi nyo alam na buntis si Ma'am?"
Whoaaa. Grabe, hindi man lang sa'min nakwento ni ma'am... Pero siguro nga sometimes it's better to keep everything private.
"And a little bird told me that, you have a project due next week."
Lahat ng estudyante sa classroom ay bigla nalang nag daldalan about sa project. Shit. Yung project nga pala. Bakit sa dinami dami nung pwede kong kalimutan yung project pa? Wala pa kaming nagagawa ni Xander. Pano ba naman kasi tong lokong toh, parang hindi naman siniseryoso yung mga project.
"Ms. Tee, pwede bang i-extend nyo yung due date? Sobrang naging busy po kaming lahat, wala pa pong nakakapag start."
Nagulat nalang ako nung biglang sinabi yan ni Xander na nagpatahimik sa mga estudyante. Totoo naman kasi yung sinabi nya, maliban lang kina Rosie at Vina na patapos na.
"Kung tutuusin, I don't really mind at all. You can hand it in whenever you want, as long na hindi sya lalagpas ng one month because we need to tally up your grades every month."
She. Is. So. Cool.
Hindi ko pa sya ganun kakilala at kakadating palang nya dito sa school namin pero gusto ko na kaagad sya kasi wala syang pakialam sa due dates. x) Pero ngayon na binigyan na kami ng second chance para sa project namin, kailangan seryosohin na namin ni Xander toh. I just want to get this over with.
"Thank you ma'am! Da best ka." Sigaw nung mga estudyante dun sa likod.
"You're welcome, class. Now you have this block to talk about your project and if possibly, start it."
BINABASA MO ANG
Dear Diary, Makaka-move on ba ako?
RomanceIt took me a while to get him; I had to go through a lot of heartbreaks. It took me a while to make him love me, and when he did, I was the happiest girl alive. We were happy, and there is nothing I could ask for. Until you came. And in one single...