"There's no changing your mind about whom you love. That's part of the tough thing about being in love - it's sort of undeniable."
- Piper Perabo
* * *
Hindi ko alam kung bakit, pero gustong gusto ko ang ulan.
Iba yung impact nya sa akin. Kung sa iba, ulan lang yun, sa'kin hindi. I find it peaceful. Tuwing umuulan, nakatingin lang ako palagi sa bintana, pinapanood ko bawat pag patak nung ulan. Pero yung pinaka gusto ko? Yung tunog nung ulan sa yero. Ang sarap sarap nyang pakinggan, nakakaantok.
Kapag kasi umuulan, hindi mo sya na pre-predict eh. Kusa syang papatak kung gusto na nya. Hindi mo sya mapipigilan, kahit ano pang gawin mo. Kahit ganun pa man, may mga signs naman kung uulan na. Makulimlim, mahangin.
I don't know why. Gustong gusto ko lang talaga yung ulan.
"Garcia." Nabalin yung tingin ko sa teacher namin. "Nakikinig ka ba?"
Sa kakapanood ko sa ulan sa labas, hindi na tuloy ako makapag focus dito sa art class na ito. Gusto ko na kasi talaga umuwi at matulog nalang kapag ganito yung panahon. Tumango ako. She looked away from me at nag patuloy na sa pag sasalita.
"Like I said, you guys will have a project. Pero hindi lang basta ito project, I want you to express your feelings while doing this." Tumalikod sya samin at humarap dun sa board para mag sulat. Sinulat nya yung salitang "MEANINGFUL".
Meaningful? Parang ang hirap naman nung pinapagawa nya. Or maybe talagang hindi lang gumagana yung utak ko ngayon.
"Gusto ko na kapag tinignan ko yung drawing, painting or whatever na gagawin nyo, may mararamdaman ako." Nilagay nya yung dalawang kamay nya sa dibdib nya. "May pinapahiwatig."
"So ma'am, kahit ano po yung theme?" Tanong nung isang estudyante sa likod.
"Oo, pero ang gusto ko, isang tingin ko palang, may pipitik sa puso ko." Nakapikit pa sya habang nag sasalita sya.
Ang emo emo nung teacher namin, nakakaloko. Pero, ano bang pwedeng gawing theme? Wala talaga akong maisip, blanko lang talaga yung utak ko.
"And to make it easier for you guys, you will work on partners."
NO
NO
NO
NO
NO
At dun nagunaw yung mundo ko. TT-TT
Noon pa man, hindi na talaga ako makapag work ng maayos kapag may partners. Mas gusto ko na ako nalang gumawa mag isa para wala na akong kukunsultahin kapag may idea akong naisip. Gusto nyang mag pagawa ng may feelings tapos by partners ang gagawin nya? WHYYY T-T
"I will also be giving you one month to work on this." Dagdag nya habang pumunta sya dun sa teacher's table where she sat. "You can work with your seatmate. You have the whole period to talk about it."
SEATMATE?! SO SI XANDER YUNG PARTNER KO?!
EH BAKA PAG GUMAWA NG PAINTING TOH PANAY PATAY NA TAO YUNG IDRAWING NYA. PANO BA NAMAN LAGING GALIT SA TAO. BAKIT SYA PA. -.-
"Hoy, wag ka ngang sumimangot dyan dahil ayoko din kitang kapartner no." Sabi ni Xander.
"May sinabi ba ako? Masyado kang assuming eh noh."
"Ewan ko sayo."
Tahimik na kami after nun. Lahat ng mga estudyante nagsitayuan na para pag usapan nila yung mga ideas nila. Si Vina at Rosie, kinausap naman si Ms.Ocampo. Habang kami ni Xander, nakaupo lang kami dito sa upuan namin. Tumingin ako sa bintana. Mas lalong lumakas yung ulan, mas lalong dumilim.
BINABASA MO ANG
Dear Diary, Makaka-move on ba ako?
RomanceIt took me a while to get him; I had to go through a lot of heartbreaks. It took me a while to make him love me, and when he did, I was the happiest girl alive. We were happy, and there is nothing I could ask for. Until you came. And in one single...